Continuation

21 7 0
                                    

Zander POV

Kanina pa namin hinahanap si Steven pero hindi namin malaman kung nasaan sya, ang sabi ni Alexandro nang nalaman nyang umalis si Miss Den agad rin syang umalis pero nakauwi nalang si Miss Den hindi pa rin sya nakakabalik, kaya't nandito kami ngayon sa harap ng pinto ng kwarto nila Miss Den at ngayon nakaharap namin sya na para kaming natuod sa kinatatayuan namin ng dahil sa tingin nya samin.

"What?" Seryosong tanong nya kay Cloud, kita ko namang parang kinakabahan si cloud.

"Si Steven…" kinakabahan na saad nito pero kinunutan lang sya ng noo nito.

"Ahh si Steven nasaan?" Lakas loob na tanong ni Exiel sa kanya pero sinamaan sya nito ng tingin.

"Hanapan ba ako ng nawawalang tao?" Seryosong sabi nito

"Pero…"

"Sa hide out nya" putol nito sa sasabihin ni Cloud at agad na sinara ang pinto.

"Hide out?" Curious ko namang sabi.

"Saan naman yon?"tanong naman ni Exiel nagkibit balikat lang ako sa kanya habang si cloud naman parang may malalim na iniisip.

"Hoy cloud" sigaw sa kanya ni Exiel.

"Huh bakit?" Wala sa sariling sabi nito.

"Alam mo ba kung saan ang hide out nya?" Tanong ni Exiel sa kanya pero inilingan lang sya nito.

"Kaya nga hide out diba kasi HIDE OUT" biglang salita ng nasa likuran namin kaya't napunta ang tingin namin sa kanya.

"Hindi mo rin ba alam? " Tanong ni Exiel sa kanya inilingan naman sya nito.

"Kung hide out nya bakit alam ni Miss beautiful unlike na tayong mga friends nya walang kaalam-alam about don" sabi naman ni cloud na ikinatango naman ni Exiel.

Tok tok

Katok ni Alexandro sa pinto ng room ni Miss Den.

"Alexandro baka…"

"Shut up" putol nito sa sasabihin ni Cloud sa kanya at sinamaan sya nito ng tingin kaya't natahimik nalang sya. Ilang segundo lang bumukas na ang pinto

"What the…." Inis na sigaw ni Miss Den pero nang nakita nya si Alexandro napatigil sya sa sasabihin nya.

"Come in" mahinahong wika ni Miss Den saka niluwagan ang bukas ng pinto, pumasok na rin si Alexandro sa loob at agad na sinara ang pinto

"What the heck! " Napasigaw kami dahil sa pinapasok sya ni Miss Den sa kanyang room unlike samin nakatunganga parin sa tapat ng pinto ng room nya.

"Tara na nga" inis na sabi ni Exiel at tumalikod na ito, sumunod nalang kami sa kanya kaysa naman tumunganga lang kami dito.

"But wait" biglang sabi ni Cloud kaya't napahinto kami sa paglakad at napatingin sa kanya.

"Ano kayang gagawin nila sa ro…*aray" agad ko syang binatukan kaya't hindi natapos ang sasabihin nya.

"Your dirty minded Cloud" bulyaw ko sa kanya, napahimas naman sya sa kanyang batok.

"Hysss…linisin mo nga yang utak mo" sabi naman ni Exiel sa kanya saka kami lumakad na palabas ng mansion ni Steven at kanya kanyang sakay sa kotse bago ito pinaharorot.



Alexandro POV

"Talagang wala kang balak lumabas dito" seryosong sabi ko kay Psychie saka ako umupo sa sofa dito sa room nila. Umupo naman sya sa kabilang sofa.

"I'm t…"

"That's unreasonable" putol ko sa sasabihin nya, napatingin naman ito sakin saka bumuntong hininga bago nagsalita.

"I don't know where is he" seryosong wika nito bago tumayo sa inuupuan nya at pumunta sa kung saan.

'hysss hindi naman sya ang hinahanap ko' wika ko saking isip saka sya sinundan ng tingin pabalik dito saking kinaroroonan.

"Psychie" agaw pansin ko sa kanya pagkaupo nya sa sofa, napatingin naman ito sakin.

"Napili ang kapatid mo na ilaban sa ibang bansa"panimula ko, napatingin naman ito sakin.

"Wala kaming…"

"Ako na ang bahala sa budget, sayang naman kung tanggihan nya ito" putol ko sa sasabihin nya.

Tok Tok.

Katok sa pintuan agad naman tumayo si Psychie sa kinauupuan nya at lumapit sa pinto saka ito binuksan at bumungad sa kanya si khezandra na nakasuot pa ng uniform, kararating lang siguro galing school.

"Whaaa…ate napili nanaman ako" masayang wika ni khezandra pero bigla nalang nawala ang ngiti sa labi nya.

"Pero wala pa pala tayong budget" malungkot nitong wika, napangiti naman si Psychie sa kanya.

"Don't worry ako na ang bahala" sabat ko sa kanila, napunta naman ang tingin sakin ni khezandra at agad nya akong nilapitan.

"Whaaa..thank you Dad..promise gagalingan ko po"masayang wika nito, napangiti naman ako sa kanya saka ginulo ng konte ang buhok nya.

"Dapat lang dahil manonood kami ng ate mo" sabi ko at napangiti sa kanya.

"Really sasama po kayo? Whaaa…thank you Dad" masayang wika pa nito saka ako niyakap, niyakap ko naman sya pabalik.











….





Eleventh hourWhere stories live. Discover now