Continuation

39 11 5
                                    


Alexandro POV

"Alexandro may tinatago ka palang anak ha.." bulyaw sa akin ni mommy pagkapasok ko palang sa mansion, hyss..kasalanan ito ni ate andrea kung ano ang pinagsasabi kay mommy

"Mommy hindi.."

Pak..
Hinampas nya lang naman ako ng hawak nyang walis Tambo kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko

"Kapatid po yon ni Psychie" paliwanag ko pa sa kanya habang sinasangga ko ang mga palo ni mommy sakin, bigla naman syang napatigil sa pagpalo nang narinig nya ang sinabi ko

"Girlfriend mo ba yon anak.
Aba..lomalovelife na ang anak ko ah.."pang-aasar na wika sakin ni mommy..aba moody ngayon si mommy ah..maasar rin nga

"Mommy bakit ang moody mo ngayon kanina galit ka sakin.. siguro mmmm..." Pang-aasar ko rin sa kanya nanlaki naman ang mga mata nya sa sinabi ko

"Tama ka anak..hindi kaya bunt..." biglang sulpot na wika ni dad sa harapan namin pero hindi nya natuloy ang sasabihin nya nang biglang sumigaw si mommy

"Theo na manyak ka talaga..." Inis na sabi ni mommy sa kanya..see moody talaga sya ngayon

"Why wifey..diba may nangyar.." again she cut his word

"The heck Theo..kahit kailan talaga ang bibig mo" inis na sabi ni mommy kay daddy haha..para silang nga teenager

"Hahaha... wifey totoo naman ang sinasabi ko ah" natatawa pang sabi ni daddy sa kanya, ang mukha naman ni mommy hindi na maipinta sa inis

"Tumigil ka nga theo" inis na inis na sabi ni mommy sa kanya pero tinawanan lang sya ni daddy

"Surprise...." Biglang sigaw ng kung sino sa likuran namin

"Anak ginulat mo naman kami" masayang wika ni mommy sa kanya

"I miss you mommy.." masayang wika ng kambal ko habang papalapit sa amin at niyakap nya si mommy

"Ako princess hindi mo ba ako na-miss"pagtatampong wika ni daddy sa kanya

"Of course daddy I miss you too.." at si daddy naman ang niyakap nya

"Syempre ang kambal ko na-miss ko rin.." Sabi nya rin sa akin aakmang yayakapin nya na ako nang nagsalita ako

"Tss hindi kita na-miss" biro ko sa kanya sinimangutan nya naman ako

"Nakakatampo kana Alexandro ah" nagtatampong saad nya sa akin

"I'm just kidding xandra" nakangiting saad ko sa kanya bago ko sya niyakap..

"Whaaa...ate " sigaw naman ng kapatid kong kararating lang galing school at sinalubong nya ng yakap ang kambal ko

Ganito kami palagi akala mo walang problema araw araw pero sabi nga nila sa ganitong paraan nagiging matatag at matibay ang samahan ng isang buong pamilya kahit gaano pa man kalaki't hirap ang dumaan sa buhay mo basta nasa tabi mo lang ang pamilya mo magiging magaan ito para sa iyo.

"I miss you my lil sis.." masayang wika ni xandra kay twinks, huling uwi ni xandra dito ay noong birthday pa ni twinks kaya medyo matagal rin kaming hindi nagkita pero everyday naman syang nagvevedio call sa amin kaya parang araw araw narin namin syang kasama

"Me too ate...wait pasalubong ko pala" parang batang wika ni twinks sa kambal ko, kumalas naman ng yakap si xandra at may binigay syang paper bag sa kapatid ko masaya nya naman itong tinanggap bago sya tumalikod at pumasok sa room nya

"Wala man lang thank you twinks" sigaw pa sa kanya ng kambal ko nang tumalikod na sa amin si twinks

"Haha pabayaan mo na ang kapatid mo excited lang sya sa pasalubong mo" sabi sa kanya ni dad.. spoiled rin kasi sya sa kambal ko lahat ng request nya binibigay ng kambal ko

"Kumusta pala kayo doon nila Chloe anak?" Tanong ni mommy sa kanya

"We're fine mom" nakangiting saad nya kay mommy

Fastforward

"By the way xandro sino pala ang sinasabi ni ate andrea na mga anak mo?" Biglang tanong sakin ni xandra habang nanonood kami ng tv dito sa living room, totoo talagang may pakpak ang balita

"Kapatid yon ni Psychie na PA ni Steven" paliwanag ko sa kanya, napatingin naman sya sa akin

"Si Steven kumuha na PA nya? Aba himala ata dati ayaw nya na may katulong sya kahit sa mansion nya lang tapos ngayon kumuha sya ng Personal Maid nya.." nagtatakang wika nya, yes si Steven hate nya na may katulong sya, simula nang nagbukod na sya ng tirahan nya ayaw nya na ng may katulong sya mas gusto nya lang na mag-isa sya dahil para sa kanya nakakaisturbo raw ng may kasama

"No man is an island nga diba, malay mo ngayon na-realize nya na hindi sya mabubuhay ng walang kasama or katulong" sabi ko sa kanya nagkibit balikat lang sya sa akin bago nya ulit tinuon ang tingin nya sa Tv

Bigla ko naman naalala ang dalawang bata, kailangan ko na pala silang balikan doon. Aakmang tatalikod na ako nang..

"Wait xandro.. where are you going?" Tanong sakin ng kambal ko

"Hospital" tipid kong sagot sa kanya

"Sino naman ang bibisitahin mo don?" Curious na tanong nya sakin

"Si Psychie" mahinang saad ko sa kanya, kinunutan nya naman ako

"Yong PA ni Steven?" Takang tanong nya pa sakin, tinanguan ko nalang sya bago ako tumalikod sa kanya

"Sama ako" rinig kong sabi nya sa hulihan ko, sumunod pala sya sa akin

Sumakay na kami sa kotse ko at nagsimula na akong magmaneho

Pagkarating namin sa hospital agad na kaming bumaba sa kotse at pumasok na sa loob

Malayo palang kami napansin ko na ang anino ni Exiel kasama ang kapatid nyang si Azkie at Zaina, anak sila ni Tito Exekiel, meron pa yan silang tatlong kapatid sina Ordic,Shia at Chaiprettz. Nagagalit na nga si tita Jeciel kay tito ang dami na raw nilang anak ang katwiran naman ni Tito Exekiel sa kanya.."gusto ko ng kambal na anak katulad kina theo, Zandro at Skyler" ganyan lagi ang sinasabi ni Tito kay tita Jeciel

"Why you took so long Alexandro?" Inis na wika nya sakin pagkalapit namin sa kanila

"Whaaa..ate xandra nandito ka pala" masayang wika ni Azkie sa kambal ko at sinalubong nya ng yakap

"Hindi anino ko lang ito ANINO as in shadow" sarkastiko nyang sabi

"Whaaa kuya may multo..." Kunyaring natatakot na wika ni Zaina habang tumatago sa likod ni Exiel

"Stop being childish Zaina act your age.." bulyaw nya sa kapatid nya, napasimangot naman si Zaina sa kanya

"Tsss... hinahanap kana ng mga ANAK mo Alexandro" Sabi sakin ni Exiel at pinagdiinan pa talaga ang Anak na word, sinamaan ko naman sya ng tingin pero tinalikuran nya lang kami at pumasok na sya sa  room kaya sumunod nalang rin kami sa kanya

Pagkapasok namin sa loob bumungad sa akin ang maamong mukha ni Psychie na natutulog sa  hospital bed katabi ang dalawa nyang kapatid na nakatulog narin habang nakayakap pa sa kanya

"Sya ba si Psychie?" Tanong sakin ng kambal ko habang nakatingin sa hospital bed

"Yes" tipid kong sagot sa kanya

"Where have you been Alexandro?" Cold na tanong ng nasa likuran namin

"Umuwi lang naman ako saglit sa mansion" tugon ko naman sa kanya pero sinamaan nya lang ako ng tingin

"Saglit? Almost 4 hours kanang wala dito..ganon ba ang saglit sayo?" Bulyaw nya pa sa akin huminga naman ako ng malalim bago sya sinagot

"Ok fine.. sorry na" hinging paumanhin ko sa kanya

"PA pala ha.." rinig kong bulong ng kambal ko,humagikhik naman ng mahina si Zaina

"Tsss..."

End of chapter 9

Eleventh hourWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu