Chapter 7

37 10 0
                                    


Steven POV

"How's my investor, did they back out?" Seryosong tanong ko sa assistant ko, nandito ako ngayon sa company para alamin ang mga nangyayari dito

"No Sir" tugon nya naman sa akin, nakahinga naman ako ng maluwag akala ko magbaback out sila dahil sa may nangyaring hindi maganda sa company ko but I'm wrong...

"Good..back to your work" seryosong sabi ko sa kanya yumuko naman sya sa akin bago umalis sa harapan ko, tiningnan ko naman ang PA ko na nakaupo sa sofa hindi kalayuan sa akin, busy sya sa cellphone nya na parang may kachat sya dahil kanina ko pa sya napapansin na nakatutok sa phone nya hinayaan ko nalang wala rin naman akong ipapagawa sa kanya.

Binalik ko nalang ang tingin ko sa laptop

Fastforward

It's already 5 pm na kaya napagdesisyonan ko na umuwi na kami

"Hey woman.." tawag ko sa kanya na hanggang ngayon nasa sofa parin sya nakaupo at nasa cellphone parin ang tingin nya

"Woman" tawag ko ulit sa kanya pero parang wala lang syang narinig, napabuntong hininga nalang ako at nilapitan sya bago hinila sya palabas

"Hoy Mr.SA ano ba..." reklamo nya pa sa akin pero hindi ko sya pinapansin hinila ko lang sya kahit na pinagtitinginan na kami ng mga staff ko dito

"The heck Steven" reklamo nya naman ulit hanggang sa nakarating na kami sa parking lot

"Uuwi na ako" paalam nya pa sa akin

"Ipagluluto mo pa ako" sabi ko sa kanya bago ako pumasok sa driver seat, napansin ko naman na para syang nag-aalanganin pang sumakay, sinilip ko naman sya sa window at tinawag

"Let's go" sabi ko sa kanya bago pa sya pumasok sa front seat

Habang nasa byahe kami napansin ko naman na may sumusunod sa amin na isang kotse, pinagmamasdan ko lang sya hanggang sa nakalapit na sya sa likuran namin

Bang..bang

"Fuck.." mura ko nalang nang bigla kaming paputukan ng baril mabuti nalang at bullet proof itong kotse ko hindi basta matamaan ng bala

"Do you have a gun?" Seryosong tanong ng kasama ko

"Sa likuran" sabi ko sa kanya kahit na nag-aalanganin pa ako dahil hindi ko alam kung marunong ba syang gumamit ng baril

Bang bang..

Patuloy na paputok nila sa amin, binilisan ko naman ang pagpapatakbo ng kotse habang si Psychie naman kinukuha ang gun sa likuran ng kotse ko

Nang nakuha nya na ito agad nya naring pinaputukan ang kotseng sumusunod sa amin, pansin ko naman na parang sanay sya sa ganito dahil ang unang putok nya ay sentro sa noo ng isa nilang kasamahan

Bang bang..
Palitan ng putok nila

Hanggang sa natamaan nya ang gulong ng kotse kaya bumagal na ang takbo ng kotse nila

"Ihinto mo ang kotse" seryosong utos nya sa akin

"What? Are you crazy.." inis kong sabi sa kanya, magpapakamatay ba sya?

"Kung ayaw mo tatalon ako dito" pananakot nya pa sa akin, tiningnan ko naman sya mukhang seryoso talaga sya sa sinabi nya, wala na akong nagawa kundi ihinto ang kotse sa gilid

"Wait.. where are you going?" Tanong ko sa kanya nang agad nyang pinuksan ang pinto at lumabas sa kotse

Hindi nya ba alam na delikado? Fuck anong meron sa pag-iisip nya at naisipan nya pang lumapit sa kotseng sumusunod sa amin..

Eleventh hourWhere stories live. Discover now