Continuation

27 13 0
                                    


Andrew POV

"What do you think your doing Mr.Andrew Monticarlo" cold na wika ng nasa likuran namin, automatic na kumilos ang katawan ko palayo kay Psychie, nakakatakot talaga ang boss nya na ito

"Nothing..I have to go now" Yan lang ang lumabas sa bibig ko bago ako tumakbo palabas ng mansion nya

"Tito..." rinig ko pang sigaw ni Kurt pero parang hindi na ako makalingon sa kanila feeling ko katapusan ko na kapag bumalik pa ako dito

Nakahinga naman ako ng maluwag nang nasa labas na ako ng mansion nila

"Hey..."

"Ay anak ng ipis"gulat ko nang bigla nalang may nagsalita sa likuran ko

"Are you gay?" Kunot noong tanong nya sakin, hindi ko naman kilala kung sino sya

"No" proud kong sagot sa kanya

"Hahaha maybe half" natatawa nyang sabi sakin, aakmang tatalikod na ako sa kanya nang...

"I'm Alexandro.. nice to meet you Mr?" Pakilala nya sakin

"Andrew Monticarlo" tipid kong sabi sa kanya bago ako pumasok sa loob ng kotse ko at agad na pinaharorot ito

Parang ang malas ko naman ngayong araw, gusto ko lang naman makita ang mukha ni Psychie pero ang daming humadlang akin..hyss

Tot..
Tunog ng cellphone ko sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko

"Bakla ka pala?" Basa ko sa text pero unknown number, inis kong binagsak ang cp ko sa upuan ng kotse ko

Sino naman kaya ang magtetext sakin ng ganon? Hindi kaya..

"Si Ella" bulalas ko nang si ella ang unang pumasok sa isip ko

Inaamin ko na naging bakla ako pero dati lang yon, ngayon good boy na ako, mahirap na baka tuluyan na akong palayasin ni mama sa bahay kapag bumalik ako sa dating ako

After a minutes nakarating na rin ako sa bahay, bumaba na ako sa kotse ko at pumasok na sa loob ng bahay

Nagtaka naman ako nang nakaabang si mama sa pinto ng bahay habang ang sama ng tingin sa akin tapos nakapamaywang pa sya na

"Ma ano po..."

"Bakla ka nanaman..." Putol ni mama sa sasabihin ko sa kanya

"Hindi..."

"Magdadahilan ka nanaman ha.." galit na sabi ni mama sa akin nang hindi nya pinapatapos ang sasabihin ko

"Oh kuya Andrew nandito kana pala" pabaklang sabi ng kararating lang na kapatid ko

Wait.. don't tell me na sya na ang bakla?

Nang narinig ni mama ang sinabi ng kapatid ko agad na napunta ang tingin nya sa kanya at kumuha sya ng walis tambo

"Ikaw pala ang bakla ha..." Galit na wika ni mama sa kapatid ko habang pinaghahampas nya ng walis tambo ang kapatid ko

"Mama naman stop it" pabaklang wika ng kapatid ko habang umiiwas sa mga palo ni mama sa kanya

"Walang bakla sa pamilya natin...dapat pure na lalaki walang halo.." galit na wika ni mama sa kanya, hate nya talaga sa mga bakla, lagi nyang sinasabi sa amin na dapat lalaki kami walang halo at kung ano ang binigay sa atin ng panginoon dapat natin itong tanggapin, matuto tayong makuntento sa kung ano ang meron tayo. Yan ang laging pinapaalala sa amin ni mama

"Gusto mo talagang maging bakla ha..segi" galit na wika ni mama bago pumasok sa loob at kinuha ang mga gamit ng kapatid ko. Isa lang ibig sabihin nito

"Lumayas ka dito..." Sigaw ni mama sa kanya nang tingnan ko at itsura ng kapatid ko para syang maiiyak na, ganyan rin ang nangyari sakin dati kaya nagbago ako

" Sorry na po Mama..." Hinging paumanhin nya kay mama

"Segi pagbibigyan kita..ngayon sabihin mo na lalaki ako" medyo mahinahon na wika ni mama

"Lalake ako" sabi ng kapatid ko hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya..bakla parin sya

Bigla naman umusok ang ilong mama sa galit..haha

"Say it again" galit na sigaw ni mama sa kanya

"Lalake ako...." ganon parin ang pagkasabi nya, ang itsura naman ni mama...haha galit na galit na

"Aljemar Monticarlo...." sigaw ni mama sa kanya galit na talaga sya dahil full name na ang binanggit nya

"Hahahaha..."

Eleventh hourWhere stories live. Discover now