Chapter 13

29 12 0
                                    


Steven POV

"Sir hindi na po nagpakita pa sa amin ang pamilya ni Mr.Chui, lumipat na rin po sila ng tirahan" paliwanag ng investigator ko, napahilot nalang ako sa aking sentido sa narinig ko

Two weeks na ng lumipas simula nang nakalabas na sa hospital si Ms.Dela Fuerte, at simula ng araw na iyon wala na ring nagtangka pa sa buhay nila base sa mga investigator ko at sa mga secret guards ko na palihim na nagbabantay sa kanila. Nang nawala na si Mr.Chui wala na ring  sumunod pang nangyari.

Hanggang ngayon wala pa rin akong evedince tungkol sa panloob ng bahay nila kung sino ba talaga ang nag-utos nito

"Just continue your investigation" utos ko sa kanya

"Yes Sir" tugon nya naman sa akin, yumuko muna sya bago sya lumabas ng pinto

Pinagpatuloy ko na ang aking ginagawa dahil natambakan ako ng trabaho, minsan lang ako nakakauwi sa mansion kapag dumadalaw si Alexandro sa hospital kaya hindi ko nagawa ang mga gawain ko

Kahit na may mga guards akong pinapabantay sa hospital hindi parin ako nagtitiwala sa kanila, sa panahon ngayon mahirap na ang magbigay ng buong tiwala sa mga nakapaligid sayo, kaibigan mo man o kakilala huwag basta basta magtiwala katulad nalang ng nangyari sakin, matagal ko ng katiwala si Mr.Chui lahat nga galaw ko sya ang karamay ko ang hindi ko alam binabato nya na pala ako ng patalikod.

"Keep your friend close, your enemies closer"   with that malalaman ng kumakalaban sayo ang lahat ng Plano mo katulad ng ginawa sakin ni Mr.Chui. so be aware of that.

Napatingin ako sa aking relo, it's already 11:30 am kaya't  nagmadali na akong ayusin ang mga gamit ko dito sa desk ko nang makauwi na ako sa mansion

Fastforward

"Daddy....." Sigaw ni Kurt pagkapasok ko palang sa mansion, agad syang tumakbo papalapit sakin at nagpakarga nanaman, nasasanay narin ako sa kakulitan nilang magkapatid nakakatuwa silang pagmasdan sa tuwing nagbibiruan sila kahit papaano nawawala ang stress, dati sa tuwing nakakarinig ako ng halakhak ng bata umiinit na ang ulo ko pero ngayon tila umiba ang mood ko sa tuwing kasama ko sila.

Kahit wala na silang mga magulang laging may ngiti parin sa labi nila na akala mo sila na ang pinakamasaya sa mundo pero ang totoo kapag nag-iisa sila  bago nila nilalabas ang nasa loob nila. Naalala ko naman ang scenery na naabutan ko sa harden,mag-isang umiiyak si Kurt habang pinagmamasdan nya ang kulay puting bulaklak, nang nilapitan ko sya agad nyang pinunas ang luha nya bago nya tinuro ang bulaklak na puti "ang sabi ni ate Psychie yan raw ang favorite na flower ni papa na lagi nyang binigay kay mama, baby's breath ang name nyan..sayang lang hindi ko na nakita pa sina mama at papa" malungkot na wika nya na akala mo matanda na kung magsalita, sa batang edad mabilis syang nakakaunawa ng mga bagay bagay, hindi nga ako makapaniwala na three years old palang sya kung mag-isip akala mo teenager na sya..

"Where's you ate Psychie?" Tanong ko sa kanya habang karga ko sya

"Room" tipid nyang sagot sa akin

"Call her" utos ko sa kanya bago ko sya binaba, agad naman syang tumakbo sa room nila

Habang naghihintay ako sa kanya umupo muna ako sa sofa at binuksan ang tv para manood ng balita

After a minutes dumating na rin sya at nahimik na umupo sa sofa na kaharap ko

"Fix yourself and the kids too, we're going somewhere" seryosong sabi ko sa kanya dahil wala ata sya sa mood ngayon, napakatahimik nya kasi.

Nang narinig nya ang sinabi ko bigla naman umiba ang itsura nya at may ngiting gumuhit sa labi nya

"Really?" Paninigurado nya pa sa akin tumango nalang bilang sagot sa kanya

"Yes" rinig ko pang sabi nya bago sya tumalikod sakin. Nakaraan pa nila gustong lumabas pero hindi ko sila pinayagan baka kung ano pa ang mangyari sa kanila at ako ang managot sa tita nila.

Nang nakapaghanda na sila ng sarili nila sabay sabay na kaming lumabas ng mansion at dumeritso sa parking. Masaya namang pumasok sa loob ng kotse ang dalawang magkapatid habang nakangiting pinagmamasdan sila ng ate nila bago pumasok sa loob,umikot narin ako sa driver seat at nagsimula na magtakbuhin ang kotse

After 30 minutes nakarating na kami sa resort na pagmamay-ari ko, masayang bumama ang magkakapatid sa kotse at agad na tumakbo sa tabing dagat

Sinundan lang namin ang dalawang magkapatid na masayang nagtatakbuhan sa buhangin

"Steven is that you?" Biglang sabi ng nasa likuran namin nang nilingon ko ito kumunot naman ang noo ko nang bigla nya akong niyakap ng mabilisan

"Who are you?" Kunot noong tanong ko sa kanya

"I'm your fiancee"masayang pakilala nya sakin, lalong nagtaka ako sa sinabi nya wala naman akong naalalang nagkaroon ako ng fiancee

"Fiancee?" Curious kong tanong ko sa kanya

"Yes...and by the way whose this" tanong nya sakin habang tinuturo nya ang kasama ko

"I'm the one who asked you Miss... who are you?" Masungit na sabi ng kasama ko sa babaeng kaharap ko

"I'm his fia...."

"Oh I think you're wrong" putol nya sa sasabihin ng babae

"As I know Mr.Ford haven't fiancee...maybe you're just his flings" dagdag nya pang sabi sa babae habang nakangisi, hindi naman nakapagsalita ang babae

"Cat got tongue?" Sarcastic na sabi nya sa babae

"Mmm.." parang may gustong sabihin ang babae nang...

"Are you flirting him? Don't worry Miss I don't care if you're flirting him" Putol nya sa sasabihin ng babae, bigla naman ngumiti ang babae sa kanya but wait hahayaan nya nalang ba akong landiin ng babaeng ito?

"Really...whaaa thank you"masayang pasalamat sa kanya ng babae at niyakap pa sya nito..what the heck!

" Flirting is an effective way of reducing loneliness, depression and relieving stress...Am I right?" Nakagising tanong nya pa sa babae bigla naman naging seryoso ang babae at kumalas sa pagkayakap sa kanya

"How did you know?" Medyo utal na tanong sa kanya ng babae

"You can fool others but you will not fool me" nakangising sabi nya sa babae bago nya ito tinalikuran, napanganga nalang ang babae sa kanya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi sa kanya ni Miss Dela Fuerte

"Tsss.. don't try to bother me again Miss.." seryosong sabi ko sa kanya bago ko sya tinalikuran



To be continued..



Eleventh hourWhere stories live. Discover now