Chapter 39

8 1 0
                                    

The Big Revelation

Third Person POV

One week later

"Please maawa po kayo sa'kin, pakawalan nyo ako" umiiyak na tinig ng isang babae sa loob ng isang madilim na kwarto habang pinaghahampas ito ng latigo ng mga kalalakihan pero hindi sya nito pinakikinggan bagkus lalo pa nila itong pinapalo.

"Ahhh..." Paulit-ulit naman nitong daing sa sakit ng katawan nito. Nakagapos ang paa't kamay, marumi't punit ang suot nitong half shoulder na damit at puno ng pasa ang katawan nito.

"Where is she?" Tanong naman ng isang ginang sa mga tauhan nito na nakaabang sa pinto kung saan naroon ang babaeng pinapahirapan ng mga kalalakihan.

"Nasa loob na po sya" magalang naman na sagot nito. Agad namang binuksan ng isang lalaki ang pinto. Mabilis namang pumasok ang ginang sa loob ng isang malangsa at madilim na kwarto. Tanging pulang ilaw lang ang nakabukas at nakatutok ito sa isang babae na nakaupo sa sahig, duguan at puno ng pasa ang katawan nito.

Tok Tok Tok

Tunog ng sandal ng ginang na papalapit sa babae kaya't napamulat ang mata nito dahil sa ingay na papalapit sa kanya. Gulat naman itong nakatingin sa kanya pero nginisian lang sya ng ginang.

Clap clap clap

Palakpak pa nito habang papalapit sa kanya.

"Oh masakit ba?" Pang-aasar pa nito nang nakalapit na ito habang tinuturo naman nito ang mga pasa sa katawan niya.

"You...I will kill you" sigaw naman ng babae habang nagpapalag pa ito.

"Hahaha..me *turo sa sarili* you will kill *turo sa babae* oh how did you do that maybe I'm the one who will kill you right now" natatawa pang sabi ng ginang habang iniikutan sya nito.

"But before that, let's end our game today" sabi pa ng ginang at inilahad nito ang kamay niya sa kanyang tauhan. Agad namang may nilapag ang tauhan nito sa kanyang palad na baril na ikinalaki ng mata ng babae. Napangisi naman ang ginang sa kanya.

"Anong gagawin mo?" Medyo utal na tanong ng babae. Lumapit naman ang ginang sa kanya saka yumuko para pantayan ito dahil nakaupo itong nakagapos sa bakal.

"What do you think?" Nakangising tanong naman ng ginang sa kanya habang nilalapat nito ang baril sa balat nito.

"I just want to ask you something but answer me honestly, baka sakaling magbago pa ang isip ko" sabi pa nito at lumakad lakad sa harap ng babae.

"Tell me everything about the plan of my bestfrenemy Edica Manalope" sabi pa nito habang hinihimas ang baril sa harap ng babae.

"Wala akong alam..."

Bang..

"Ahhh..." Daing nito nang barilin sya ng ginang sa kaliwang hita nito.

"Really wala?" Tanong pa nito at may kinuha syang brown envelope na hawak ng isang tauhan nito saka inilabas ang mga stolen picture ng babae kasama ang isang ginang na nagngangalang Edica Manalope. Gulat namang napatingin ang babae sa kanya at sunod-sunod ang luhang pumapatak sa pisngi nito.

"Wala? Mmmm" sabi pa nito at itinutok nito ang baril sa kanang hita nito. Aakmang kakalabitin na ng ginang ang baril nang nagsalita ito.

"Sinabi nya sa'kin na ikaw ang pumatay sa mga magulang ko. Nagalit ako kaya't gusto kong maghiganti sa'yo pero wala akong kapangyarihan para magawa ko 'yon maliban na lang kung makikipagkasundo ako sa kanya at susundin ko lahat ng utos nya kahit na labag sa kalooban ko. Unang pinagawa nya sa'kin ay ang patayin si Mr.helarios at isunod ko ang anak nito na si Ms.Dela Fuerte dahil sa kanya pinamana ng kanyang ama ang lahat ng ari-arian nila. Dahil mahirap mahanap si Ms.Dela Fuerte sinabi nya na uutusan ka nya rin para patayin si Ms.Dela Fuerte" umiiyak na paliwanag ng babae.

Eleventh hourWhere stories live. Discover now