Chapter 47

18 2 0
                                    


Nagsisitaasang mga puno, sumasayaw sa lakas ng hangin. Maalong dagat na nakikisabay sa paghampas ng hangin.

Sa itaas ng mataas na bundok may simbahang nakatirik na puno ng mga bulaklak ang bawat sulok nito na kay ganda pagmasdan.

Hagdan na kay taas akyatin marating lang ang tuktok ng bundok kung saan nakatirik ang simbahan at gaganapin ang pag-iisang dibdib ng magkatipan.

Lahat ng tao ay masayang nag-uusap at nagkakamayan habang hinihintay ang pagtugtog ng piano.

Sa hindi kalayuan napatingin ang lahat ng bisita nang natanaw na nila ang helicopter na papalapag sa lupa.

Naghiyawan ang lahat nang lumapag na sa luha ang helicopter at lumabas ang isang babaeng nakasuot ng puting gown.

Sa pagyapak ng babae sa lupa ay ang pagsimula ng tugtugin. Isang babaeng eleven years old ang tumutugtog sa piano ng Beautiful in White sa loob ng simbahan na dinig pa hanggang sa labas ng simbahan.

Nagsimula ng pumasok ang ninang at ninong ng magkatipan. Kasunod nito ang mga abay at mga batang sumasabog ng bulaklak sa aisle.

***

(Play the song: Beautiful in White)

Steven POV

Maluha-luha akong napatingin sa pinto ng simbahan nang dahandahan na itong bumukas at pumasok ang babaeng nagpapatibok ng puso ko.

Malayo pa lang nakangiti na itong nakatingin sa'kin. Hindi ko naman ma-explain ang nararamdaman ko ngayon. Pero ang masasabi ko lang, sobrang saya ko sa araw na ito. Ito na siguro ang pinakamasayang araw na nangyari sa buong buhay ko, ang makita kong naglalakad sa aisle ang babaeng nagpasaya at nagbigay ng lakas sa'kin para mabuhay pa ako sa mundo.

At ngayon sya na ang mundo ko, sila ng anak ko.

“Steven ipapaubaya ko na sa'yo ang anak-anakan ko,” nakangiting sabi ni Tita Kriezel habang inaabot nito ang kamay ng taong mahal ko sa akin. Napangiti naman ako sa kanya bago ko ito tinanggap.

“Makakaasa po kayo Tita.” Tugon ko naman sa kanya. Niyakap naman ako nito bago sya tumalikod sa'min. Napangiti naman ako sa babaeng mahal ko na ngayon ay hawak ko na ang kamay nito. Maluha-luha naman itong napangiti sa akin.

“You're beautiful.” Puri ko sa kanya.

“You look handsome.” Tugon naman nito sa'kin at napangiti kami pareho bago kami humarap sa pari.

Habang nagsasalita ang pari, naalala ko ang una naming pagkikita.

“Bastos.” Isang malakas na sampal ang natamo ko sa babaeng hindi ko inakala na sya pala ang magiging soulmate ko. ‘When you meet someone and your hands shake, heart pounds and your knees go weak. That will not be the one, because your soul mate is the one with whom you will feel calm without any agitation or anxiety.’ Yes,truth dahil 'yan ang unang naramdaman ko sa una naming pagkikita, hanggang sa hindi ko expect na sya pala ang naging PA ko. I admit that I started to hate her first, because she always annoying me and always she's the winner, but at the end she got my heart because I fall in love with her. I felt safe when she's with me. I felt that I'm not broken because she's the one who complete my day,my world and my life.

Without her I can't smile, without her I'm not alive now, without her my world is broken and without her I'm not stand here in front of priest.

“Ikaw lalaki tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Psychie Rain Dela Fuerte Helarious na kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan at mamahalin mo siya sa habang buhay gaya ng sagradong utos ng Diyos?” Tanong ng pari sa harapan namin.

Eleventh hourWhere stories live. Discover now