Continuation

26 9 0
                                    

Psychie POV

"Where are you going?" Tanong ko kay Steven nang pansin kong nakabihis sya galing sa kanyang kwarto habang ako nandito naman sa living room.

"Office" tipid nitong sagot kumunot naman ang noo ko sa sagot nya.

"Today is sunday" seryosong saad ko sa kanya, napaiwas naman sya ng tingin sakin na ikinangisi ko.

"So hindi sa office ang punta mo right?" Ngising tanong ko pa sa kanya, kanina ko pa sya napapansin simula nang natapos kami sa pagkain parang hindi sya mapakali. Napabuntong hininga naman sya bago nagsalita.

"In my old mansion" pag-aamin nito na lalong ikinataka ko.

"Ok let's go" aya ko sa kanya saka tumayo sa aking kinauupuan at nauna ng lumakad papuntang parking lot.

"Wait dito ka nalang" pagpigil pa nito sakin kaya't napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kanya.

"I'm your PA/assistant/Bodyguard so that I can do my duty" sabi ko sa kanya saka lumakad na ulit at naunana sa kanyang sasakyan. Narinig ko naman ang mga yapak nya sa likuran ko.

Pagkarating ko sa kotse nya nauna na akong pumasok sa front seat, ilang sandali pa pumasok narin sya sa driver seat at nagsimula na sa pagmaneho.

After a minutes huminto sya sa harap isang lumang mansion, nilibot ko naman ang paningin ko sa lugar na ito. 'this place it seems familiar' wika ko sa isip ko habang nililibot ko ang aking paningin bago ako bumama sa kotse ganon rin si Steven.

Pumasok na kami sa loob ng lumang mansion, nagtaka naman ako nang walang tao dito o kahit manlang guard sa gate. Bigla naman akong kinilabutan nang nakaapak na kami papasok sa pinto ng living room.

"What are we doing here Steven?" Medyo utal kong tanong sa kanya dahil sa hindi ako comfortable sa place na ito.

"Stay here I have something to do" sabi nito sakin na lalong ikinataka ko at ikitayo ng balahibo ko nang tumalikod na sya at iniwan nya akong mag-isa dito sa living room. Hindi narin ako nakatangi pa sa kanya dahil mabilis syang pumasok sa kung saan.

Nilibot ko naman ang paningin ko dito sa living room, halatang abandon na ang mansion na ito pero parang may kakaiba.

Lumakad lakad lang ako dito hanggang sa nakarating ako sa isang kwarto. Kumunot ang noo ko nang may nasilip ako dahil sa nakauwang ang pinto ng kwarto.

Pumasok ako sa loob upang makita pa ito ng malapitan. ' that picture' gulat kong wika sa aking isip nang familiar ang babaeng nasa picture. Dahandahan ko naman itong kinuha at pinagtitigan pa lalo bago ko ito binalik na ibabaw ng table ngunit ganon nalang ang pagkagulat ko sa aking nakita sa lalatagan ko ng picture.

"That mask…" bulalas ko at nabitawan ko ang hawak kong picture habang may luhang pumatak sa aking pisngi.

"Hindi ako pwedeng magkamali..hindi..paanong nandito Ito? " Sari't saring mga tanong ang pumasok sa aking  isipan.

"What are you doing here?" Nagulat ako sa taong nagsalita sa likuran ko kaya't gulat akong napalingon sa kanya.

"Hey are you okey? Why are you crying?" Sunod sunod namang tanong nito sakin habang papalapit sakin. Agad ko namang pinunas ang luha ko at tumango sa kanya.

" Let's go" aya nito sakin at hinawakan ang isa kong kamay palabas sa kwarto. Hinila nya lang ako hanggang sa nakabalik na kami sa harap ng kotse nya.

"What's wrong?" Tanong pa nito sakin, hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya kaya minabuti ko nalang na pumasok sa kotse.

'don't tell me that you're the one of them if my hint is right I don't know what to do' wika ko sa aking isip habang nakatingin sa lumang mansion.





….

Eleventh hourWhere stories live. Discover now