Chapter 1

161 10 2
                                    

Psychie Raine POV

"Anak dito lang kayo ng mga kapatid mo kahit anong mangyari hwag kayong lalabas," ani mama sa amin. Bumaling naman siya sa akin.

"Psychie ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo okey?" pakiusap  nito sa akin.

"Mama dito na lang rin po kayo," pakiusap ko rin sa kanya habang hawak ko ang kanang kamay n'ya para pigilan s'yang umalis. Umiling-iling naman siya sa akin.

"Mama!" umiiyak na tawag sa kanya ng mga kapatid ko. Saglit n'ya naman kaming niyakap at hinalikan sa noo.

"Para sa kaligtasan n'yo gagawin ko ito," ani mama sa amin.

"Pero mama-" she cut my word.

"I trust you anak," huling sabi ni mama bago n'ya kami iniwan sa loob ng cabinet.

"Nasaan na sila?" rinig kong tanong ng mga taong nanloob ng aming bahay. Pinipigilan ko lang ang hikbi ko para hindi nila kami marinig habang ang kaliwa't kanang kamay ko ay nakatakip sa bibig ng dalawa kong kapatid.

"Ano ba ang kailangan n'yo sa amin?" rinig kong tanong ni mama sa kanila.

"Oh Mrs.Dela Fuerte nandito ka lang pala pero bakit mag-isa ka lang nasaan ang mga anak mo?" rinig kong tanong ng isang boses babae kay mama.

"At bakit ko naman sa iyo sasabihin kung nasaan ang mga anak ko?" lakas loob na tanong ni mama sa kanila.

"Hahaha! bakit nga ba?" Parang baliw na tawa ng babae. Sumilip naman ako ng kunti sa kanila. Naka-mask ang babae na kausap ni mama habang may hawak syang baril na nakatutok kay mama, napansin ko naman ang mga kasamahan nyang mens na puro black ang mga suot nila, maging ang gupit ng buhok nila ay pare-pareho, isa lang ang nakaagaw ng pansin sa akin.

"Spi..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may narinig kaming sunod-sunod na putok ng baril na galing sa labas at may mga tunog rin ng pulis patrol.

Bang bang

Palitan ng putok ng mga baril nila.

"Let's go nandito na ang mga pulis," rinig ko pang sabi ng babae sa mga kasamahan n'ya.

"Maam...maam"

"Sir nakatakas po sila"

"Hanapin nyo," rinig kong mga usapan nila, siguro mga pulis na 'yon.

"Ang mga anak ko..." rinig kong sabi ni mama na parang nahihirapan na sya magsalita, sumilip ulit ako sa maliit na butas at ganon na lang ang pagkagulat ko nang makita kong duguan na si mama habang nakahiga sa floor, nagsilabasan na kaming magkakapatid sa cabinet at agad naming nilapitan si mama.

"Mama!"umiiyak naming tawag sa kanya.

"Mga anak..."nahihirapan na tawag ni mama sa amin at unti unti nang pumipikit ang kanyang mga mata.

"No mama! hwag mo naman po kaming iiwan," umiiyak na pakiusap ko kay mama habang niyuyugyog ko si mama para magising s'ya.

"Ate iiwan rin po ba tayo ni mama katulad po ni papa?" umiiyak na tanong sa akin ng kapatid kong babae, hindi ko sya nasagot niyakap ko na lang ang dalawa kong kapatid.

"Nandito lang si ate hindi ko kayo pababayaan," umiiyak kong sabi sa kanila habang kayakap ko sila.

"Ate..ate...."napamulat ang aking mga mata sa yugyog ng kapatid ko sa akin, masamang panaginip lang pala ng nakaraan namin

Eleventh hourWo Geschichten leben. Entdecke jetzt