Continuation

21 9 0
                                    

Steven POV

"Pero segi sasabihin ko ang kasagutan sayo… he's not my friend but he's my…" she cut her word then she smirked at me

"BF...." Sabi nito

"Soon….hahaha" dagdag pa nitong sabi saka sya tumawa na ikinainis ko.

"What's funny?" Inis kong tanong sa kanya

"You (turo nito sakin)…hahaha..you look like a tiger hahaha" natatawa pa nitong sabi bago lumakad palabas ng kwarto ko.

"F*ck…woman" inis kong sigaw sa kanya nang aakmang babatuhin ko sya ng unan sa sofa nang mabilis na itong tumakbo palabas ng kwarto ko saka sinara ang pinto.

"BF?" Bulalas ko nang naisip ko ang sinabi nya. Inis kong pinatay ang laptop at nang aakmang tatayo na ako sa sofa nang biglang tumunog ang phone ko na nakapatong sa table, agad ko naman itong kinuha, kumunot naman ang noo ko nang unknown number ang tumatawag sakin. Nag-aalinlangan pa ako kung sasagutin ko ba ito o hindi, sa huli sinagot ko nalang ito maybe emergency.

(Steven) rinig kong sabi ng nasa kabilang linya
"What do you want?" Agarang tanong ko sa kanya nang nakilala ko ang boses nya
(Na-miss lang naman kita matagal ka ng hindi nagpaparamdam sakin) sabi pa ng nasa kabilang linya, ipinikit ko ang aking mata bago nagsalita
"May kailangan ka right?"seryosong sabi ko sa kanya narinig ko naman syang napatawa ng mahina.
(Hindi ba pwe…)
"I know you" putol ko sa sasabihin nya
(Fine go there tomorrow exactly 8:00 am) sabi ng nasa kabilang linya, napangisi naman ako kahit na hindi nya ako nakikita. I know tatawag lang naman sya kung may kailangan sya.
"Tsss.. that's it?" Tanong ko pa sa kanya
(Yes may...) Sabi ng nasa kabilang linya, agad ko na rin pinatay ang tawag saka binulsa ang phone ko bago ako lumabas sa kwarto.

Pagkarating ko sa dining room naghahanda na ng pagkain ang babae sa table habang ang dalawa nyang kapatid naman ay nakaupo na.

"Daddy let's eat" aya sakin ni Kurt nang nakita nya ako na papalapit sa kanila. Pagkalapit ko umupo nalang ako sa tabi ni kurt bago kami nagsimulang kumain.

Habang kumakain ako napaisip naman ako kung anong kailangan sakin ng babaeng iyon hanggang sa nag-flash sa isip ko ang mga nangyari sakin.

"Dad please hwag mo akong iwan" umiiyak kong pakiusap kay daddy habang yakap ko ang duguan nyang katawan.

"Don't cry son.... your name.. your name…code" huling sabi nito kahit na nahihirapan na sya magsalita bago pumikit ang mga mata nya..

"No…daddy…" umiyak kong sigaw habang yakap ko ang katawan ni daddy..

"You did it" rinig kong sabi ng familiar na boses habang nasa isang sulok ako

"I kill him" at dito na tumulo ang luha ko saking narinig kaya't agad akong umalis ng aming mansion.

"Daddy…/ what's wrong?" Nabalik ako sa ulirat nang sumigaw si kurt kasabay nang pagtanong ni Psychie sakin.

"Nothing" tipid kong sagot sa kanya.

"Nothing? Eh halos mabali mo na ang hawak mong kutsara sa plato mo" sabi pa nito, napatingin naman ako sa aking kamay at tama sya. Tumayo nalang ako sa aking inuupuan at tinungo ang hide out ko dito sa aking mansion. Narinig ko pang tinawag ako ng mga bata pero hindi ko na sila nilingon pa.

"I kill him"

"I kill him"

Paulit ulit na nag-faflash sa isip ko ang salitang iyon hanggang sa nakapasok na ako sa room dito sa hide out ko.

"I kill him"

"He's nothing to me"

"Ahhh..." Bigla nalang sumakit ang ulo dahil sa mga nag-faflash na kung anu-ano sa aking isip.

"Your name…your name.. code" boses naman ni daddy ang nag-faflash sa isip ko.

"Ahhhhh…" daing ko nang bigla nalang sumakit ang ulo ko hanggang sa……





Everything went black

……

Author's note:

Curious ba kayo sa mga nangyayari? Then wait the next revelation..

Take note: hindi ko na po babanggitin ang past ng parents nina Alexandro dahil nasa first story ko po yon at nasabi narin iyon sa chapter 23 kung anong dahilan at sino sya, not exact details lang po ang binibigay ko just read it carefully magegets nyo rin po ang ibig nitong sabihin.

Thank you






Eleventh hourWhere stories live. Discover now