Sasakay na sana ako sa kotse nang biglang may nagtakip ng panyo sa aking bibig at ilong pagkatapos ay naramdaman kong unti-unti akong nahihilo hanggang sa mawalan na ako ng malay.

*****

Nagising ako mula sa isang masukal na gubat.

Naramdaman kong nakatali ang ang mga kamay ko sa puno.

"Astrid" rinig kong tawag ni Julie habang umiiyak.

Ramdam ko ang takot niya.

Mabilis kong hinanap kung nasaan sya at nakita kong nakatali din sya sa isang puno.

Sobrang dilim ng paligid at tanging buwan lang ang nagsisilbing ilaw namin.

"Julie ayos ka lang? May ginawa ba sila sayo?" Alalang tanong ko sa kaniya.

"A-astrid natatakot ako, hindi sila normal na tao" hagulgol na sabi ni Julie.

Ang ibig-sabihin nito ay mga Bampira din ang may gawa nito? Pero bakit?

"Wag kang matakot Julie, tatagan mo ang loob mo. Iaalis kita dito" matapang na sabi ko sa kaniya.

"P-pero paano? M-madami sila" iyak na sabi ni Julie.

Ayokong makita nyang napanghihinaan din ako ng loob.

"Magtiwala ka lang Julie" pagpapalakas ko ng loob sa kaniya habang pilit na kumakawala sa tali na nakatali sa mga kamay ko paatlikod.

"Kahit anong gawin mo ay hindi ka mkakatakas dyan" rinig kong sabi ng isang pamilyar na mala demonyong tao na alam ko.

"M-ma'am Angel?" Gulat na sabi ni Julie nang makita ang professor namin nasa harapan namin na sya ang may kagagawan ng lahat.

Naalala ko ang scene nila ni Alessandro sa rooftop. Nakaramdam ako ng galit at lalo pang nadagdagan yun habang iniisip ko kung gaano ang ginawa nilang trauma kay Julie.

Napangisi ako ng malamang tama ang hinala ko na isa rin syang bampira.

"Kung nilayuan ka sana nya noon pa hindi na mangyayari ito" sabi nito sa akin habang nakangisi.

"Bakut ba gusto mong layuan ako ni Alessandro? May gusto ka ba sa kaniya?" Diretsong tankng ko sa kaniya.

"HAHAHAHAHA" isang mala demonyong tawa ang kumawala mila sa kaniyang bibig nakakapagpadagdag ng init na nararamdaman ko.

Hinihintay ko lang na sumabog ako.

"Nakakatawa ka naman Astrid" sabi nya sa akin pero tinitigan ko lang sya ng masama.

Bigla syang lumapit kay Julie at itinutok ang mahaba nitong kuko sa kaniyang leeg.

"A-astrid t-tulong" takot na paghingi ng saklolo ni Julie.

"BITAWAN MO SYA!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mahigpit na taling nasa kamay ko.

Halos mapamura na ako dahil sa sakit ng kamay ko ata ayaw pa rin nitong matanggal.

"Eh anong gagawin mo kung hindi ko sya binitawan" sabi nito na parang nang-aasar.

"Huwag mo akong subukan" may diing sabi ko sa kaniya.

"Huhuhu natakot naman ako, anong magagawa ng isnag normal na tao na kagaya mo laban sa isang bampira na may kapangyarihan? HAHAHA" sabi nito at bihlang tumawa.

Napangisi naman ako dahil sa sinabi nyang normal na tao.

"Kung ako sa iyo bitawan mo na sya ngayon pa lang" pagabbanta ko sa kaniya.

"Paano kung ibaon ko pa ito" sabi pa nito at dahan-dahang ibinabaon ang kuko nito sa leeg ni Julie.

"AHHHH!!!" napasigaw si Julie dahil doon.

"Huwag mong hahayaang sumabog ako" sabi ko sa kaniya.

"Wow natatakot naman ako" sabi pa nito.

Nararamdaman ko na ang unti-unting pag-init ng katawan ko.

"Pakawalan nyo sila!" Nabuhayan ako ng loob nang makita sina Alessandro at Spike.

"Hawak nyo sila, wag nyong hahayaang makatakas" utos ng babaeng nasa harapan ko.

"I will f*cking kill all of you!" Sigaw pa ni Alessandro at pilit kumakawala sa sampung mga nakahawak sa kaniya.

"Kung dapat ay patulugin nyo sila, gawin nyo" sabi pa ng babaeng ito.

Lalo akong napupuno dahil sa kaniya.

"Say goodbye to your dearest friend" sabi pa nito at inamabahan na ng saksak si Julie.

Tuluyan na nga akong napuno, ramdam kong hindi na ako ang normal na Astrid ngayon, iba ang nararamdaman ko.

"ASTRID!" Sigaw ni Julie dahil sa sobrang takot.

Habang nakikita kong malapit nang bumaon ang mga kuko nya sa puso ni Julie ay naramdaman kong tuluyan na akong nag-iba.

"AHHHHHHH!!!!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko nagjng dahilan upang tumilapon ang mga nakahawak kina Alessandro. Ganon na rin ang nangyari kay Angel.

Hindi ako makapniwala sa nagawa ko.

Nakita ko ang gulat sa kanilang mukha.

Bigla akong nanghina dahil sa ginawa ko at unti-unti kong nararamdaman ang likidong lumabas ilong ko na sa tingin konay dugo at kasabay nito ang unti-unting pag pikit ng aking mga mata.

*****

Obsessed VampireWhere stories live. Discover now