Chapter 10

5K 83 16
                                    

Ano bang ginagawa ko? Pero hindi naman maialis ni Aeroll ang daliri niyang nakadampi sa labi nito. Nang may biglang tumikhim sa gilid nila. Si Cath ang nalingunan niya. Dagli niyang binawi ang mga kamay niya. Umiwas ng tingin si Princess. Lumipat siya sa higaan niya. Umupo si Cath sa paanan ng higaan ni Princess.

“Bhest, sa’n ka ba nagpunta?” parang batang tanong ni Princess dito.

“Nag-ikot-ikot lang ako sa taas.” Nilingon siya ni Cath, bago ibinalik ang tingin kay Princess.

“Okay ka na ba?” tanong nito sa kaibigan nito.

“Nahihilo pa ‘ko.”

“Yung gamot mo?”

“Pinainom ko na siya ng gamot.” sagot niya.

Nilingon siya ni Cath. “Thank you, ha.”

“Welcome.”

“Magpalit ka ng damit.” baling nito sa kaibigan nito.

“Kumakain pa ‘ko.” sagot ni Princess. “Kumain ka na?”

“Kanina pa.” sagot ni Cath.

“Ang dami kong gutom, bhest.” Nakailang sandwich na ito. “Anong oras ba tayo makakarating sa pupuntahan natin?” tanong nito.

“Anong oras ba, Aeroll?” tanong naman ni Cath sa kaniya.

“Mga eleven pa.” sagot niya.

“Limang oras pa akong maghihintay?” reklamo ng prinsesa, habang nanlalaki ang mga mata.

Natawa si Cath. “Kumain ka na nga lang diyan.”

- - - - - - - - 

“OKAY ka na?” tanong ni Cath mula sa labas.

“Okay na.” sagot ni Princess. Lumabas na siya cubicle matapos makapagpalit ng t-shirt.

“Tara.” aya nito. Humawak naman siya sa braso nito. Nakahiga na si Aeroll sa higaan nito sa tabi niya. Hindi na siya nakapag-protesta ng marealize niya kanina na makakatabi niya ito.

“Tulog na si Aeroll, ah.” wika ni Cath. Sumampa sila sa higaan niya. Magkaharap silang umupo. Nilingon niya si Aeroll. Nakahiga ito patalikod sa kanila. Napalingon siya labas. Ang lakas ng hangin. Niyakap niya ang mga tuhod niya.

“Natatakot ka pa din ba?” tanong ni Cath.

“Medyo lang.”

“Sayang ‘no. Hindi tuloy kita maisama sa taas. Ang ganda ng view do’n lalo na ngayong gabi. Kitang-kita mo ‘yong mga bituin.”

Pilit siyang ngumiti. “Mas gusto ko dito.”

Hinawakan nito ang braso niyang nakayakap sa tuhod niya. “Kwentuhan na lang tayo ng nakakatawa para hindi mo maisip na nandito ka sa barko.” nakangiting wika nito.

“Katulad dati.”

- - - - - - - -

TININGNAN niya ang relo niya. Alas otso y medya na. Buti pa si Cath, nakatulog na ata. Mahigit isang oras din silang nagkwentuhan nito kanina. Hanggang sa makaramdam ito ng antok. Wala din daw itong tulog. Sinabi na lang niyang matutulog din siya. Pero isang oras na, gising na gising pa din siya.

Tumagilid siya ng higa paharap kay Aeroll. Nakatalikod ito sa kaniya. Buti pa ‘to, tulog na din. Gusto niyang matulog, kaya lang kanina pa siya sa bus tulog ng tulog, tapos kanina pagsakay niya ng barko. Tumihaya siya ng higa. Maya-maya ay tumagilid siya ng higa. Maya-maya ay tumihaya na naman.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Where stories live. Discover now