Chapter 66

3.4K 46 3
                                    

Katatapos lang nilang kumain ng breakfast ng mag-suggest si Harold na maglaro sila. PANTS ang lalaruin nila.

Ipinaliwanag nito ang mechanics ng game. Although, alam na talaga ni Princess ‘yon dahil nalaro na niya ‘yon nung highschool siya. Maging si Cath, alam din ‘yon. Si Aeroll lang ang hindi alam.

PANTS. P stands for Places, A stands for Animals, N stands for Names, T stands for things, S stands for their sum up Score in every letter category. Ang mechanics ng game, each player will think of P.A.N.T that will start with letter A. And so on and so forth until they reach letter Z. Sa bawat letter ang scoring. If ever na may kaparehas kang nasulat sa papel mo sa mga category which are the P.A.N.T, 5 lang nag score mo. Kung wala kang kaparehas, 10 ang score mo. Kung wala kang nasagot, 0 ang score mo. With letter A category, i-aad ang score sa bawat P.A.N.T category. Yun ang magiging score mo sa letter A category. Isusunod ang letter B. Gano’n din ang gagawin ninyo hanggang sa makarating kayo sa letter Z. I-aad ninyo ang lahat ng scores sa bawat letter category. The one who will have highest score is the winner.

At dahil si Harold ang nakaisip. May pustahan sila.

Pag larong pambata talaga, hindi pahuhuli si Harold.

“Kailangan natin ng ballpen at papel.” sabi ni Harold.

“Kukuha ako sa kwarto.”

“Ako na, Prinsesa.”

“Nasa drawer ko, ah.”

Tumayo si Aeroll at umakyat ng kwarto niya.

“Kapag nanalo ako dito, dalawa lang ang gusto kong baby.” sabi ni Cath.

“At kapag ako ang nanalo, hindi na lima, anim na ang magiging baby natin.”

“Dalawa lang dahil ako ang mananalo.”

 “Anim na sila dahil ako ang mananalo.”

Napangiti na lang siya sa seryosong pag-uusap ng dalawa. Seryoso talaga dahil seryoso ang mga mukha nito.

Parang ang sarap sa pakiramdam na sigurado na talaga ang dalawa na ang mga ito ang magkakatuluyan. The two were planning for their future.

At masaya siya para sa bestfriend niya dahil matutupad ang gusto nito. Na ang first boyfriend nito ang magiging asawa din nito. The first and will be the last man of her’s bestfriend life.

Sila kaya ni Aeroll? Gano’n din kaya?

Teka, kailan ba niya inisip ang magiging future niya? Kay Aeroll lang.

Napangiti siya. Hindi man siya ang first boyfriend ko o ang second boyfriend ko. He will be my last. The guy I want to spend the rest of my life with.

“Ang tagal naman ni insan.” reklamo ni Harold.

Napatingin siya sa hagdan. Ang tagal nga. Ano bang ginawa no’n?  Hindi ba nito nahanap ang drawer niya? Teka! Ang drawer niya! Patay!

Mabilis siyang tumayo. “Sunduin ko lang siya.” Patakbo siyang umakyat ng kwarto niya.


* * * * * * * *


Binuksan ni Aeroll ang drawer ni Princess. “Ang dami naman niyang ballpen dito.” Kumuha siya ng apat. Kumuha din siya ng papel. Isasarado na sana niya ang drawer ng may mapansin siya. Isang maliit na notebook na itim. Kinuha niya ang notebook. Invasion of privacy ang gagawin niya pero mukha namang hindi diary ang notebook na hawak niya kaya binuklat niya ‘yon.

Isang pangalan agad ang nakita niyang naksaulat do’n. In all capital letters.

ROD FERRER’S CASE

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Where stories live. Discover now