Chapter 79

3.1K 40 2
                                    



Five minutes pa lang silang nakatago ni Hunter sa madamong bahagi na ‘yon habang nababasa ng ulan na malapit sa warehouse, hindi na mapakali si Aeroll. Hindi na siya nakatiis. “Papasukin ko na.”

“What?” nakakunot-noong tanong ni Hunter sa kaniya.

“Hunter. Another five minutes more, mababaliw na ko sa paghihintay dito.” madiing sabi niya. “Si Princess. Nasa loob siya kasama ng mga criminal na ‘yan. Damn! Kung anu-anong pumapasok sa isip ko ngayon.” Inis na napasabunot siya sa buhok niya. Saktan lang ng mga hayop na ‘yon si Princess, magkakamatayan na sila!

“Akala mo ba hindi ko nararamdaman ‘yan?”

“Tiger to Fox. Over.”

Boses ‘yon mula sa gadget na hawak ni Hunter.

Inilapit nito sa bibig ang gadget na ‘yon. “Fox to Tiger. Over. Where’s your location? Over.” sabi nito.

Tinapik niya ang balikat ni Hunter. “Wait for them. Papasok na ko.”Hindi na niya hinintay na sumagot ito. Humakbang na siya payuko palapit ng warehouse.

“Aeroll!” mahinang tawag nito sa kaniya. “Shit!”


* * * * * * * *


“Princess!”

Ang boses na ‘yon...

Pinikit uli ni Princeas ang mga mata niya. Pinalipas  muna niya ang ilang saglit bago muling dumilat. Tumutok ang mga mata niya sa isang lalaki. Para lang magulat ng makilala niya ang taong ‘yon.

Bakit? No! Hindi maaari ‘to! sigaw ng isip niya.

“Siya ang pumatay kay Rod, Princess. Siya ang kinuha kong hired killer para patayin ang kuya-kuyahan mo.” nakangising sabi ni Mr. Fred. “Hindi ba’t kilala mo siya?”

“Justine.” mahinang sabi niya. Parang sasabog na ang utak niya sa mga nalaman niya. Parang gusto niyang sumigaw ng malakas. Pero hindi niya magawa dahil wala na siyang lakas. Napaiyak na lang siya. “Bakit...”

“Anong ginagawa niya dito, Master?”

“Bakit hindi siya ang tanungin mo, Justine? Pinasok lang naman niya ang factory ko kanina. Kaya ayan ang napala niya.”

“At anong kinalaman ko dito? Tapos na ang trabaho ko. Ikaw ang nagsabing kayo na ang bahala sa kaniya, hindi ba?”

“Nagbago ang isip ko. Ikaw na ang tumapos ng buhay niya.”

Tiningnan niya si Justine. Wala siyang mabasang ekspresyon sa mukha nito. “Bakit ikaw?” Nakasama niya ito. Ang araw na ‘yon sa mall. Niligtas pa siya nito ng dalawang beses. Parang ayaw maniwala ng utak niya na ito ang pumatay kay Kuya Rod. “Hindi ikaw ‘yon...” Si Hunter ‘yon. Ano ba talagang totoo?

Umupo ito sa upuan. At humalukipkip. “Master’s right, Princess. I’m a hired killer. Yun ang buhay ko. Kaya nga hindi ako umuuwi ng bahay. Nakuntento na kong pagala-gala sa kung saan. Sinadya kong makipaglapit sa’yo dahil ikaw ang nakakita sakin ng araw na ‘yon na patayin ko si Rod. Hindi mo man ako namukhaan, kailangan ko pa ding makasigurado.” Saglit itong huminto bago nagpatuloy.

“Nagulat ako ng makita uli kita sa office ng kapatid ko. Do’n nagsimula ang lahat. Hindi na ko mahihirapang makalapit sa’yo. Ang mga pagkikita natin sa mall, plinano kong lahat ‘yon. Pati ang pagli-ligtas sa’yo. Para magtiwala ka sakin. Pero tumawag si Master. Sinabi niyang siya na daw ang bahala sa’yo.”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Where stories live. Discover now