Chapter 78

3.1K 45 1
                                    



Iminulat ni Princess ang mga mata niya. Pero agad din niyang pinikit ‘yon ng maramdaman niya ang pagsakit ng ulo niya. Akmang hahawakan niya ang ulo niyang makirot ng hindi niya magawa ‘yon. Iminulat niya uli ang mga mata niya.

Nalaman niyang nakaupo siya sa sahig at nakatali ang mga kamay niya paikot sa kinasasandalan niyang poste. Pati ang mga paa niya. Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya ng maalala niyang tinangay siya ng mga lalaking ‘yon.

Inilibot niya ang tingin sa loob ng kwarto kung nasa’n siya. Walang tao maliban sa kaniya. Walang gamit sa loob maliban sa isang upuang nasa harap niya. Tiningnan niya ang bintana. Basag at sira ang ilang salamin. Mula sa pwesto niya, puro puno ang nakikita niya. At umuulan na naman.

“Nasa’n na ba ko? Sa’n nila ko dinala?” tanong niya sa sarili niya.

Napalingon siya sa pintuan ng magbukas ‘yon. Si Mr. Alex Agoncillo. Kasunod nito ang isang lalaki. Ang isa mga lalaking kausap nito kanina sa factory. “Gising ka na pala.”

Nag-init ang dugo niya. “Hayop ka! Ikaw ang pumatay kay papa!”

Tumigas ang ekspresyon ng mukha nito.

“Bossing, tuluyan na kaya natin ‘to? Napakatapang, eh. Pero sayang kung hindi natin pakikinabangan. Ang ganda pa naman.” Ngumisi pa ang lalaki ng malisyoso. Minura niya ito ng paulit-ulit sa isip niya.

“Iwan mo muna kami, Jimbo.”

Pinasadahan muna siya ng tingin ng Jimbong ‘yon bago ito umalis.

Tiningnan niya ng masama si Mr. Alex. “Bakit mo ginawa ‘yon kay papa? Kaibigan ka niya! Pero anong ginawa mo? Pinatay mo siya!”

“Mukhang hindi tayo nagkakaintidihan dito.” Umupo ito sa upuan.

“Hindi nagkakaintindihan? Wala ka bang konsensya? Sarili mong kaibigan pinatay mo!”

“Hindi ka dapat nandito. Hindi ka na dapat nakialam pa.”

Umiling-iling siya. “Sinira mo ang pamilya namin.” Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. “Bakit?!” sigaw niya.

“Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang bagay na ‘yan. Pero hindi ako ang pumatay sa papa mo.” madiing sabi nito.

“Sinungaling!”

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito na ikinagulat niya. “Kung may nagawa lang ako at kung may magagawa lang ako.” Iyon lang at tumayo na ito. At lumabas ng kwarto.

Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya. At tahimik na umiyak. “Mga hayop kayo...”

Tumingin siya sa labas ng bintana. Papa... Ano na ngayong gagawin ko?

Naisip niya si Aeroll. Mas lalo siyang napaiyak. Hindi niya alam kung makakaalis pa siya ng buhay dito. Hindi niya alam kung makikita pa niya ito. Just thinking that it might happened any moment now, it really scares her.

I’m sorry, Aeroll...


* * *


Ipinarada nila sa talahiban ang kotse. Mula sa pwesto ni Aeroll, tanaw niya ang isang warehouse di kalayuan. Wala ni isang bahay sa paligid nila. Puro puno lang ang nakikita niya.

“Dito na pala ang bagong kuta nila.” sabi ni Hunter. Nakatingin silang dalawa sa laptop nito. “Nandito siya.” sabi nito na ang tinutukoy ay ang kinaroroonan ni Princess. Itinuro nito ang red dot na nakahinto sa isang parte ng warehouse.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Where stories live. Discover now