Chapter 65

3.3K 51 4
                                    

“Hmm...” Niyakap ni Princess ang unang nasa tabi niya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya. Napangiti agad siya ng maalala niya ang nangyari kagabi bago siya tuluyang makatulog. Wala na si Aeroll sa tabi niya.

Tiningnan niya ang wall clock. Eight am na. Nag-inat siya at dahan-dahang bumangon. Dumeretso siya ng restroom na nasa loob ng kwarto niya. Matapos gawin ang morning rituals niya ay lumabas na siya ng kwarto.

Pagbaba niya sa sala, nagulat pa siya ng makita niya si Cath at Harold na mahimbing na natutulog sa nakalatag na comforter. Dito pala natulog ang mga ito.

“Thank you, guys.” Alam niyang malaki ang naitulong ng mga ito sa kanilang dalawa ni Aeroll. And speaking of Aeroll, nasa’n kaya ‘to?

May naamoy siyang amoy ng bawang na niluluto. Pumunta siya ng kusina. At nakita niya ang hinahanap niya. Suot pa nito ang apron niya. Magulo din ang buhok nito. Naka t-shirt ito. Teka! T-shirt niya ang suot nito, ah. Yung maluwag niyang t-shirt na sinusuot niya kapag nandito siya sa bahay. Minsan na siyang naabutan ni Aeroll na suot ‘yon, eh. Naghalungkat siguro ito sa closet niya.

Mukhang naramdaman nitong may nakatingin dito. Napalingon ito sa kaniya. Ngumiti ito. “Good morning, Prinsesa.”

“Bakit suot mo ‘yan?”

“Eto? Wala lang. Gusto ko, eh.”

Lumapit siya dito. Umupo siya sa upuan. “Sa’n ka natulog?” Iniwan nito ang niluluto nito at umupo sa katapat niyang upuan.

“Sa tabi mo.”nakangiting sagot nito.

“Saan?”

“Sa sala. Sa sofa.” natatawang sagot nito. “Ang bilis mong makatulog, ah. Sabi ko naman sa’yo, mas maganda ang human pillow, eh.” Tinitigan siya nito. “How’s your sleep?”

“Okay lang.”

“Talaga? Okay lang? Mahimbing ba? Hindi ka ba nangawit? O ano?”

Natatawang inirapan niya ito. “Tigilan mo nga ko.“ Tinawanan lang siya nito.

Pagkatapos ng sealed kiss nila, mahigpit lang siya nitong niyakap. Hanggang sa tuluyan siyang makatulog. Talagang hinintay siya nitong makatulog bago siya nito iwan sa kwarto niya.

Dinutdot niya ang noo nito. “Tawa ka ng tawa dyan. Yung niluluto mo.”

“Oops!” Binalikan nito ang niluluto nito. Tumayo siya at lumapit dito. Fried rice ang niluluto nito. “Gutom ka na ba?” tanong nito.

Biglang kumalam ang sikmura niya. “Medyo.”

“Saglit na lang ‘to. Nakialam na ko sa mga stock mo sa ref kanina. I cooked hotdog, egg, and bacon.”

“Okay lang.” Sumandal siya sa mesa. “Dito rin pala natulog sina bhest.”

“Yap. Pagbaba ko kagabi, naglalaro sila ng baraha.”

“Anong laro?”

“Ungguy-ungguyan.” natatawang sagot nito.

“At ang pinsan mo ang pasimuno.”

“Oo. Kahit kailan talaga ‘yon. Hindi ko alam kung anong oras na sila natulog dahil paghiga ko sa sofa, nakatulog agad ako.”

“Kaya pala hanggang ngayon, tulog pa din sila.” Nang may maalala siya. “Wala kang pasok?”

Nilingon siya nito. “I resigned.”

“What? Kailan?”

Binalik nito ang tingin nito sa niluluto nito. “Yesterday. Nang magkita tayo sa ospital.”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon