Chapter 13

4.8K 83 8
                                    



Napapailing na sinundan ni Aeroll ng tingin si Princess. Ang sungit talaga! Hindi man lang nagpasalamat na tinulungan ko siya.

Saktong paglabas niya ng kwarto kanina ay nakita niya si Princess na kalalabas lang ng din ng kwarto nito. Hindi niya napigilang sundan ito. Hindi pa nga siya naliligo. Buti na lang at sinundan niya ito dahil parang itong lutang na sa iba nakatingin habang pababa ng hagdan.

Mabilisan na siyang naligo at lumabas ng bahay. Naabutan niya ang mga ito sa hardin. Wala si Cath. Nagdidilig naman ng halaman si Harold. Nakaupo si Princess.

Kumunot ang noo niya ng mapansin itong nakapangalumbaba sa mesa habang nakatingin kay—sinundan niya ang tinitingnan nito.

Harold?

Bakit gano’n siya makatingin kay Harold? Nakangiti pa ito.

At bakit parang nakaramdam siya ng inis?

Naalala niya ang una nilang pagkikita. May nakita siyang picture na nahulog sa mga gamit nito. Picture ni Harold.

Ano ba ang koneksyon niya kay Harold? May boyfriend na siya ‘di ba? At alam niyang boyfriend ng bestfriend niya ang pinsan ko.

Maya-maya ay dumating na si Cath. Hindi siya nito napansin dahil nasa pintuan pa siya. Lumapit si Cath kay Harold. At napansin niyang nawala ang ngiti ni Princess habang nakatingin sa dalawa. Sumama pa nga ang mukha nito.

Shit! Don’t tell me may gusto siya sa pinsan ko?! At nagseselos siya kay Cath? Hindi niya nagustuhan ang iniisip niya. Pero ‘yon ang ang naiisip niya ng mga sandaling ‘yon. At naiinis siya!

Mabilis siyang lumapit kay Princess at hinawakan ang mukha nito paharap sa kaniya. Napansin niya na nangingilid ang luha nito. Napatingin tuloy sa kanila sina Harold at Cath. Napatingin si Princess sa dalawa.

“M-may naiwan ako sa kwarto.” Mabilis itong pumasok ng bahay. Sinundan na lang niya ito ng tingin. Sinundan ito ng Cath.

“Uy! ano ‘yon, ha?”

Napatingin siya kay Harold. “Kilala mo ba si Princess?”

“Oo.”

“Kailan pa?”

Kumunot ang noo nito. “Kinukwento siya sa’kin ni Cath. Nakita ko na siya sa picture. Pero ngayon ko lang siya nakita ng personal.”

Napatingin siya sa bahay. Sino ka ba talaga, Princess?


- - - - - - - -


PAGLABAS ni Princess ng bahay ay nakita niya sa hardin sina Cath at Harold. Ipinakilala siya ni Cath kay Harold. Nagdilig ng halaman ang dalawa habang naghaharutan. Habang siya, nakaupo sa upuan. Maya-maya ay nagpaalam si Cath na pupunta sa restroom. Sinabi ni Harold na sa likod na lang ito dumaan dahil malapit lang do’n.

Pinagmasdan niya si Harold. Mukha naman itong mabait. Hindi pala mukha lang. Mabait pala. Pansin niya ‘yon kanina. Napangiti siya ng maalala ang mga ito kanina. Para itong mga batang naglalaro sa hardin. At mas lalo siyang napangiti ng maalala ang mukha ng pinsan niya kanina. Ang saya nito. At masaya siya para dito.

Dumating na si Cath. Dahan-dahan itong lumapit kay Harold. Tinakpan nito ang mga mata ni Harold mula sa likuran. Nawala ang ngiti niya. May naalala siya. Gano’n din si James sa kaniya. Hilig nitong takpan ang mga mata niya kapag nakatalikod siya.

Sumama pang lalo ang mukha niya. Ang manlolokong ‘yon! Hindi niya napansin na nagilid na ang mga luha niya. Sa inis!

Nagulat siya ng may kung sinong humawak sa mukha niya.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Where stories live. Discover now