Chapter 45

4.3K 73 4
                                    


Napakislot si Princess ng biglang kumidlat. Mula sa pagkakayuko sa laptop niya, napatingin siya sa bintana ng kwarto niya. Ang lakas ng ulan sa labas. Tatlong araw ng umuulan pero ngayon ang pinakamalakas. Ang sabi sa balita, may bagyo daw. Malapit na kasing mag-June kaya naglalabasan na ang mga bagyo. “Kailan ka ba aalis na bagyo ka, hah?”

Bilang sagot ay kumidlat na naman.

“Nice answer, huh.”

Sinimulan niya uli mag-type ng nobela niya ng kumalam ang sikmura niya. Tiningnan niya ang relo niya, 9am na. Isi-nave muna niya ang ginagawa niya bago bumaba sa kusina bitbit ang laptop niya. Nilapag niya ‘yon sa center table sa sala bago dumeretso ng kusina.

Bitbit ang pagkain niya, bumalik siya ng sala. Sa sala niya nakasanayang kumain simula no’ng college pa siya. Pwera na lang kung may kasabay siyang kumain, sa kusina siya kumakain.

“Miming...shwihshwihshwih...kain na tayo.” Hindi pa pala ito kumakain. Mukhang nagugutom na din ang alaga niyang pusa. “Nasa’n na kaya ‘yon?” Dati, isang tawag lang niya dito lumalapit na agad ito. “Shwihshwihshwih... Miming...” Mula sa labas ng bahay ay nakarinig siya ng ngiyaw. Lumapit siya sa pintuan at binuksan ‘yon. Biglang pumasok ang pusa niya. Napailing siya. “Anong ginagawa mo sa labas, Miming? Ikaw talaga, gabing-gabi na at may bagyo na, nasa galaan ka pa talaga.”

“Meeoow...” Lumapit ito sa paa niya.


“Nagugutom ka na ba?” Nilapag niya sa tabi nito ang kainan nito. “Kumain ka na. Pakabusog ka, hah.” Umupo na din siya sa sofa at nagsimulang kumain.

Halos katatapos lang niyang kumain ng may marinig siyang mag-doorbell sa labas ng bahay niya. Kumunot ang noo niya. “Sino kaya ‘yon? Si Cath siguro.”

Lumabas siya ng bahay para buksan ang gate ng makita niyang naka-lock pala ‘yon. “Ano ba ‘yan!” Ang lakas pa naman ng ulan. Kahit nakapayong siya, nababasa pa rin siya sa lakas ng hangin. Mabilis na pumasok uli siya ng bahay at kinuha ang susi. Bumalik agad siya ng gate. Kaya lang, hindi naman niya maisuot-suot. Tinangay pa ng hangin yung payong niya. “Bwisit naman, oh! Basa na ko!”

Sa wakas, nabuksan na niya yung gate.


“Cath naman, bakit—Aeroll!”


“Ba’t nagpapaulan ka?” kunot-noong tanong nito. Mabilis itong lumapit sa kaniya at pinayungan siya.


“Anong ginagawa mo dito? Akala ko—”


“Mamaya ko na sasagutin.” singit nito. “Trip mo bang maligo sa ulan?” Inakay siya nito papasok ng bahay niya matapos nitong isarado ang gate.


“May payong ako. Tinangay lang ng hangin.”

Napapalatak na lang ito. “Kumuha ka ng towel o kaya maligo ka na lang.” utos nito ng makapasok sila sa loob ng bahay. “Teka. Ngayon ka pa lang kumakain?” Nang mapansin nito ang pinagkainan niya.

“Tapos na.”


“Alam mo ba kung anong oras na?” kunot-noong tanong nito.


“Alas nuebe na.”

Napailing na lang ito bago lumapit sa kaniya at punasan ng kamay nito ang basang mukha niya. “Wag ka ngang magpapalipas ng gutom.”

Hindi ko lang namalayan yung oras. Busy ako, eh.” Tinuro niya yung laptop niya.


“Kahit na. Dapat kumakain ka sa tamang oras.”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon