KABANATA 16

10.5K 222 4
                                    


its been two days since Venise came from hospital pero wala paring  nagbago sa lagay ng kaibigan niyang si carl ,hindi parin humuhupa ang sakit na mararamdaman niya dahil duon.

Patuloy sa pag imbestiga pero walang pinagbago ang lahat at hindi parin matuklasan kung sino ang mga gumawa niyon dahil masiyado silang magaling magtago at ni isa ay walang bakas na pwedeng gamitin sa paghahanap sakanila ang sabi naman ng polisya ay hindi basta basta ang gumawa niyon dahil may nakuhang letratong may Drawing na isang Buwan at may diseniyong dalawang baril na pinag-cross sa harap ng buwan na nakalagay sa mga braso nila na halatang tatoo iyon.

Iyon din ang mga diseniyo ng kanilang mga jacket at magkakapareho pa sila ng suot kaya ang sabi ng polisiya ay isa itong grupong hindi kilala pero delikado.

Napabuntong hininga si venise habang iniisip lahat ng iyon parang gusto niyang sumali sa paghahanap kung sino ang gumawa niyon sa kaibigan niya.

Napahilamos nalang siya at tumayo siya nalang pala ang natitirang tao sa classroom nila dahil breaktime na ,masiyado niya ng ini-stress ang sarili at lagi na siyang napupuyat kaya hindi maiwasang magkaroon siya ng eyebags na pinagtatawanan ng mga kaibigan niyang baliw .

Isinukbit niya ang bag sa balikat at saka niyakap nalang ang libro bago tumingin sa wriswacth niya

(10:38) am...

Limbas siya at dumeretso sa cafeteria dahil s pagkaramdam niya ng gutom dahil hindi siya nakakain ng umagahan. pagkapasok ay agad siyang sinalubong ng katahimikan sa loob ng canteen kaya agad siyang nagtaka sa mga tao rito..

Hindi naman ganito ang loob ng canteen nung nakaraang araw pero bakit ganito ito ngayon?

Inilibot niya ang paningin kung may pinagbago  ba rito o may gurong kumakain o may bisitang narito o kaya ang dean pero wala naman at saka para hanapin ang mga kaibigan niya pero agad iyon natigil ng bigla nalang natigil ng napadako ang mata niya sa nakaupong binata sa di kalayuan na nakatitig sakaniya ng walang emosyon...

Its Tyler....

Kasama niya ang mga kaibigan na malamig lang at walang emosyong kumakain sa table nila....kaya pala tahimik lahat dahil nandito ang veiltrenigths5 na kinakatakutan ng mga students dito....

Nakaramdam siya ng takot ng agad pumasok sa isipan niya ang nangyari nung nakaraang mga araw sa liblary kung saan sila nagtalo ni tyler sa hindi malamang dahilan at pumasok rin sa isipan niya ang nangyaring paghalik sakaniya ng binata sa marahas na pamamaraan nung araw na iyon .

Kahit magsumbong siya sa skwela ay wala iyong silbi dahil alam niyang mas lamang ang binata dahil guro o dean ay may takot sakanila kaya hindi nalang siya nag sumbong pati sa mga kaibigan ay hindi niya sinabi ang nangyari dahil mag aalala lang ang mga ito .

umiwas siya agad ng tingin at agad na hinahanap ang mga kaibigan na agad niya rin nilapitan ng matanaw niya ito sa di kalayuan pero malapit sa pwesto ng mga binata kaya napalunok na lang siya bakit ba kasi doon pa sa pwesto malapit sa binata umupo ang mga iyon.

Pinilig niya ang ulo at bumuntong hininga bago nagmadaling maglakad patungo sakanila...

Kumakaway si penin Habang si mhel naman ay halatang kinikilig at nakangiting kumakain

Ng agad siyang nakalapit sa kaibigan ay nagsalubong muna ang tingin nila ni macrus pero nakita niya itong ngumiti sakaniya kaya napangiwi siya dahil sa ilang na nararamdman nakakahiya sa mga tao at halatang mag seselos nanaman ang mga babae kung iyon ay nakita nila...

Umiwas siya agad ng tingin at naglakad papalapit sa mga kaibigan na ngayon ay kumakain...

Ganito ang pagitan ng dalawang table na inuupuan nila...

             Sila
             [              ].

                                     [   veiltre5     ]

Ng makaupo ay agad siyang yumuko at saka kinain ang inorder ng kaibigan para sakaniya

"Ayos kalang venise?" agarang tanong ni penin sakaniya habang tinititigan siya nito

"Nothing " sabi niya habang kumakain...

"Kung tungkol iyan kay carl ay wag mo munang isipin venise . isipin mo iyang sarili mo kahit saglit lang wag mong i-stress ng sarili mo kakaisip diyan...alam naman namin na  nagaalala kalang pero iyang ginagawa mong pagpupuyat at pag i-tress sa sarili mo kakaisip niyan ay hindi maganda sa katawan kaya please venise pagpahingahin mo muna ang sarili mo kami naman ni penin ang tuutlong sa magulang ni carl para s pagbantay sakaniya sa hospital"sabi ni mhel at bumuntong hininga halata sa tono nito ang lungkot at pagaalala.

Agad siyang napatingin rito at tumango lang bago pinagpatuloy ang pagkain...wala siyang balak magsalita dahil parang wala siyang gana. Pagod siya sa pagbabantay kay carl at pagod na pagod narin siyang isipin kung sino ang gumawa niyon sa kaibigan niya.

Kahit ilang ulit siyang pagsabihan ng mga kaibigan ay parang lumalabas rin iyon sa kabilang tenga niya dahil sa pagaalala sa kaibigan ay hindi niya nabibigyan ng oras ang mga kaibigan niya at ang pagaaral niya kaya lagi nalang siyang late kung pumasok at unti unti narin siyang bumabaksak sa mga exam niya

Agad naman pumasok sa isipan niya ang ipinangako niya sa magulang niya sa probinsiya na hindi niya ibabagsak ang  grado sa eskwela at hindi niya bibiguin ang inay at itay niya na naghihintay sa pagbabalik niya pagkatapos ng pag aaral sa college...

Agad siyang napaluha at napahikbi na agad naman nilapitan ng mga kaibigan niya at saka siya tinahan para tumigil...

Hindi niya dapat pinapabayaan ang pag aaral niya dahil lang sa problemang magpapabagsak sakniya ang kailangan niya ay tapang...

Hindi niya sasayangin ang mga panahon at oras niya dahil lang sa problemang iyon...

Hindi niya sasayangin ang scholarship na ibinigay sakaniya ng skwelang ito at mga oras para hanapin ang tunay niyang mga magulang na matagal niya ng hinahanap mula noon...

Sabihin na nating mahirap ang buhay rito sa maynila at maraming taong naninirahan rito pero hindi siya titigil sa paghahanap sa mga magulang niya pag siya ay nakatapos ng pag aaral kahit gaano pa kahirap ang mag adjust sa paaralang pinasukan niya ay ayos lang dahil alam niyang may mararating siya balang araw pagkatapos niyang makagraduate  sa eskwelahang ito.

"Magtatapos ako nay,tay pangako....hindi ko kayo bibiguin..."

_

Vote

owned by Tyler luke Vontre [possesive series#1]Where stories live. Discover now