KABANATA 33

8K 170 1
                                    


Napakagat labi nalang si venise habang nakapikit at lumuluhang hinintay Ang Bala na itatama sakaniya. Nang nagtagal ay Wala siyang maramdamang sakit at kahit anong kirot na nararamdaman kaya mabilis niyang minulat Ang mga Mata

Nanlaki Ang mga Mata Niya Nang Makitang nakadapa Ang lalaki sa sahig habang may dugong lumalabas Mula sa bibig nito.

Nanginginig siyang napaangat Nang tingin at Ganon nalang Ang Gulat niya Nang Makita Ang binatang nakatayo ngayon sa harap Niya habang nakatutok Ang Baril sa lalaki

Galit itong nakatingin ngayon sa lalaking nakadapa at pinaputukan
Ulit ito sa pangatlong beses kaya napatakip Nang Tenga si venise dahil sa ingay nito.

Hindi nakagalaw siya at nanatiling nakatingin ngayon sa lalaking nakadapa habang Wala nang buhay
Napatakip siya Nang bibig dahil sa takot kaya alam niyang hindi Niya kakayanin Ang mga nangyayari ngayon dahil Ito Ang unang beses na may pinatay sa harap Niya.

Nanginginig Ang mga palad niyang tumayo Ramdam niyang nahihilo siya at bigla nalang kumirot Ang ulo Niya dahil sa ingay ng baril kaya napadaing siya Nang mahina Nanghina man ay agad siyang tumayo pero nanlabo agad Ang mga Mata niya kaya agad siyang kumapit sa book shelf.

"Venise!" Sigaw Ng binata

Agad itong lumapit sakaniya at nag aalalang hinawakan siya at inalalayan
Nang Makita niya Ang binata ay agad siyang nakaramdam Ng ginhawa Nang Makita itong ayos Lang ngunit may mga konting galos itong natamo

"G-usto konang umalis" nanghihinang Sabi ni venise

Agad na tumango Ang binata at agad siyang binuhat kaya Hindi na umangal si venise dahil nanghihina na siya dahil sa nangyari kanina

Nang makalabas ay agad na nasilayan Niya Ang mga Walang Malay na Kalalakihan at mga Kotseng Umuusok saka Ang apat na kaibigan ni Tyler na ngayon ay may hawak rin na mga Baril saka may mga galos rin

Agad siyang dinala Nang binata sa clinic at marahang Hiniga kaya napapikit naman si venise dahil pakiramdam ay ligtas na siya

"Ohh ghod what happened?" May boses Nang isang babae pero Hindi na Ito binigyan Nang Pansin ni venise dahil sa pagod.

Alam niyang Hindi naman siya nasaktan Nang sobra ngunit pakiramdam Niya ay sobrang Dami niyang ginawa dahil sa Sobrang pagod na nararamdaman ngayon

Napapikit siya at ramdam Niya nalang na may umaasikaso sakaniya kaya hinayaan Niya nalang na makatulog hanggang sa Nagdilim nalang Ang paningin Niya...

Marahang minulat ng dalaga Ang mga Mata Nang may maramdamang humahaplos sakaniya...

Nang maimulat Ang Mata ay agad niyang nasilayan ang dalawang kaibigan na ngayon ay may pag aalalang tingin na ginagawad sakaniya..

"Venise"

Pilit siyang ngumiti at agad na bumangon.nang masilayan ang buong Lugar ay Hindi na sila nasa clinic kundi nasa Kwarto Niya..

"Venise,wag Kang bumangon--"

"I'm okay" tipid niyang Sabi bago humawak sa sentido siya marahang iyong hinilot dahil medyo nahihilo siya

Nag aalalang nakatingin sakaniya Ang dalawang kaibigan na ngayon ay nakaupo sa magkabilang gilid Nang Kama

"Who brings me here ?" Tanong Niya

Hindi Niya kasi matandaan Kung pano siya nakauwi dahil Alam niyang nakatulog nalang siya sa clinic kanina at Pansin Niya rin Ang Dilim sa labas kaya Alam niyang Gabi na.

owned by Tyler luke Vontre [possesive series#1]Where stories live. Discover now