KABANATA 11

11.4K 228 5
                                    

Bumaba si venise para magluto ng agahan nila ng kaibigan,hindi naman dapat lagi nalang iba ang gagawa nun.

Nakahiya naman rin kasi dahil nakikitira siya rito. alam niyang mabubuti ang tita at tito niya pero hindi niya iyon aabusuhin.

Dumeretso siya ng kusina at nagluto marunong siyang magluto dahil lagi siyang tinuturuan ng nanay niya sa probinsiya nila dahil nagtapos ang nanay niya sa kursong culinary pero hindi niya magawang sundan iyon dahil mas hilig niya ang pag bubuisness nasa pamilya nila ang pag luluto sa probinsiya kaya may natutunan rin siya kahit papaano.

Naghanda lang siya ng simpleng agahan hindi naman kasi kailangan ng bonggang pang umagahan dahil hindi naman sila kagaya ng iba na kailangan ng bongga.

Nagluto siya ng bacon,fried rice at egg,tapos nag timpla narin siya ng gatas  hindi kasi siya pala kape sadyang kaibigan niya lang ang adik sa kape kaya naghanda rin siya .

"Mhel!! Bangon na! " sigaw niya

Pagkuwan ay nakarinig siya ng balibag sa kwarto kay bahagya siyang natawa,dahil siguro nahulog nanaman iyon sa higaan niya .

"Gaga!! Lecthe! Ang aga aga nang bubulabog !" narinig niyang bulyaw at mura ng kaibigan pababa ng hagdan

Mabibigat ang yabag nito dahil sa lakas ng tunog ng sinyelas ,napailing nalang siya at naupo

"Bwiset! Naman ang aga pa kasi-- wow! Nagutom ako bigla!" pagkuwan ay nawala ang galit nito dahil sa naamoy.

Agad itong umupo sa harap niya at nag simulang kumain,kapwa tahimik silang dalawang kumakain .

Napaisip nman si venise kung ano nanaman ang mangyayari saknya ngyong araw siguro wala naman dahil hindi niya naman nakita ang demonyong iyon, bahagya siyang natawa sa sinabi ng isipang demonyo.

Napailing siya at kumain nalang pagkuwan ay tumingin sa kaibigan na ngayon ay busy sa pag nguya kahit puno na ang bunganga nito.

"Umayos ka nga mhel " sita nito sa kaibigan na inuubo na .

Napailing nalang siya at ibinigay ang tubig sa tabi nito dahil mas maganda kung tubig kesa sa kape na mainit.

"Pfft ang sarap kasi eh,hindi naman ganito ang umagahan pag nandito sila mama eh mas maganda pa siguro kung laging ikaw nag mag luluto HAHA" Şabi niya at bahagya pang tumawa

Binilisan niya ang pag kain at iniwan ang kaibigan masama iwan ang kumakain sa hapag kaininan pero nagmamadali kasi siya.

Isang oras lang ay tapos na siyang maligo at magpalit ng uniform pagkuwan ay bumaba siya at naabutan narin si mhel na nagsusuklay sa harap ng salamin malapit sa pinto.

"Tara" sabi ng kaibigan at pagkuwan ay sinabit sa salamin ang suklay at lumabas. Sinara muna nila ang pinto at saka ni-lock iyon

Naglakad lang sila hngagang makalabas ng village at agad nakasakay rin sila agad ng taxi.

Nang makarating sila ng university ay agad naman kumapit sa braso ni venise si mhel bumuntong hininga muna siya bago naglakad.

"Ako na ang mag sisimula, dont mind them jade" sabi ni mhel

Tinaasan niya ito ng kilay pagkuwan ay inilayo si mhel, sino naman ang nag sabing papansinin ko talaga ang mga imature na mga tao riton?! At saka bakit naman niya nito tinawag sa second name niya?

"Sinong may sabing banggitin mo iyong second name ko ha?" iritang sabi niya

"Eh,ba't kasi ayaw mong tinatawag sa second name mo!? Eh ang ganda nga eh. jade jade  " pang aasar niya

owned by Tyler luke Vontre [possesive series#1]Место, где живут истории. Откройте их для себя