KABANATA 43

6.6K 161 2
                                    

"Gisiiiiing naaa, veniseeeee!!"

Mabilis na napamulat si Venise dahil sa isang tinis na sigaw na alam niyang nanggagaling kay penin...

Mabilis naman siyang napabaling sa pinto nang mag sara iyon, dahil sumigaw lang nang ang ginawa ni penin para magising siya tapos mabilis na umalis

Napabuntong hininga nalang siya at saka mabilis na inayos ang higaan saka dumeretso sa Banyo para maligo....

Sa tutuusin. Hindi ganito ang madalas niyang gawin tuwing papasok nang eskwelahan noong panahong nasa probinsya pa siya.

Madaming nabago. Bago maligo ay kakain muna,bago umalis....pero ngayon ay pagkagising palang ay deretso banyo na agad para maligo bago kumain at saka aalis....

I just sharing....anyway.

Nang matapos ang lahat ay mabilis niyang sinuot ang kaniyang uniform at saka inayos ang sarili bago kinuha ang kaniyang bag saka bumaba para kumain.

Mabilis niyang naririnig ang mga kwentuhan at tunog nang mga kutsara at tinidor saka tanawan nang mga naroon.

"Oh,Venise kain na at maaga pa ang pasok niyo." Nakangiting sabi nang tita Beth niya at saka sinenyasan siyang umupo sa tabi nito

" Sige,po" magalang na sabi niya at saka umupo sa tabi nito bago kumuha nang kakainin.

Minuto palang siyang kumakain at nakikipagkwentuhan, ay napansin niya ang pagiging tahimik ni Mhel sa harapan niya samantalang si Penin ay kumakain lang kahit puno ang bungangang nakikipag-usap kila tito at tita Beth niya.

"Ehem...May problema ba anak?"   Kalaunanang  tanong nang tita niya..

Natahimik nalang si Venise habang kumakain pero nananatili parin siyang nakikinig.

Alam niya namang galit si Mhel dahil sa nangyari kahapon. Pero wala siyang magagawa. Alam niyang nag aalala lang si Mhel sakaniya bilang kaibigan at kapatid dahil hindi niya gusto si Tyler para sakaniya. Pero nag mahal na siya e. Kailangan niya nalang bang iwasan si Tyler para malayo ? Nakakasawa at masasaktan siya pag gagawin niya nanaman iyon.

"Wala,po. Mauna nako" biglang sabi ni Mhel bago uminom nang tubig at iniwan ang pagkain nitong hindi pa ubos bago sinukbit ang bag sa balikat at nagmadaling umalis na padabog pang sinara ang pinto.

Mabilis na tumahimik ang buong hapag nang makaalis si Mhel kaya mabilis na napaangat nang tingin si Venise, Dahil alam niyang nakatitig sakanya ang lahat.

"May nangyari ba? Bakit biglang nag off ang mala-bumbero kong anak sa kaingayan? " Takang tanong  nang tito Jules niya. Hindi niya alam kung matatawa pero pinigilan niya nalang.

Madalas kasi talagang mag ingay si Mhel na parang bumbero kaya iyon narin ang madalas itawag sakaniya nang ama nito, kaya naninibago silang lahat.

Mabilis na napaubo si Penin kaya agad silang napatingin rito. Tumayo ito at saka uminom nang tubig bago huminga nang malalim. Alam niyang gusto nitong magsalita at mag kwento tungkol sa nangyari pero alam niyang umiiwas ito.

"Oh,anyare? May nakain ka bang isang buong ipis kaya ka nabulunan---"

"Ewww...tito naman eh!" Nandidiring sabi ni penin habang padabog na umupo na kinangisi nang tito at tita niya.

"Oh, bakit? Totoo naman ah. May nakita akong ipis na lumilipad kanina,kaso hindi kona binalak na patayin dahil alam kong ikaw lang naman ang makakapatay niyan gamit ang bunganga mo---"

Mabilis na tumakbo si Penin sa lababo na kinatawa nang mag asawa...

"Uto uto, rin ang isang iyon.." natatawang sabi nang tito Jules niya na kinatawa niya narin

owned by Tyler luke Vontre [possesive series#1]Where stories live. Discover now