KABANATA 51

6.2K 170 0
                                    

Magkahawak kamay ang Dalaga at binata habang palabas nang library. Hindi nila pinansin ang mga Bulungan at tinginan lalona't sinasamaan sila nang tingin nang binata kaya sila mismo ang umiiwas...

"Sila na pala..."

"Bagay sila bet ko si Venise"

"Kaya pala napapansin kong nagkasama sila nang madalas sa Aston ni King tyler..."

"Yeah...pati nga noon sa hospital noon. Magkasama sila sa porsche"

"No...ginayuma niya lang si king Tyler"

"Bitch..."

Agad napakayuko ang Dalaga sa mga pinagsasabi nila. Nahihiya siya hindi niya alam kung ano pang mukha ang  ihaharap sakanila..

"Don't mind them... they are just jealous Because I love you. Not even them...as if." Sarkastikong Sabi Nang Binata at saka siya inakbayan kaya tumango nalang ang Dalaga at saka niyakap ang bewang ni Tyler.

Nag lakad lang sila patungong parking lot dahil sabi nang binata ihahatid na siya nito. Kaya nang makarating sila ay iba nanaman ang gamit nang binata na sasakyan Dahil ngayon ay isa naman itong G wagon.

"Luke.. how many cars do you have? " Medyo inis na sabi nang Dalaga dahil paiba iba ang dinadala nito.

"Nah....Hmmm Maybe I have a 50 luxurious cars...but I'm not using the others. I'm not a fan of cars just a plains, jets, helicopters ---"

"Hindi ka pa fan non?!! Seriously? " Sarkastikong sabi nang Dalaga habang May halong inis... Wow lang ha!? Nahiya naman siya kung ganon.

"kidding...it's 50/50. Like I love cars with a 50% and the plains, jets, helicopters with 50% that's it. " He said. Pinagbuksan niya nang pinto ang dalaga ngunit agad naman na May tumawag sa pangalan nang dalaga kaya hindi siya lubusang nakapasok..

"Ate Venise!!" Ani nang isang tinig.

Agad na napahinto si Venise at saka ngumiti sa patakbong si Vince habang nakahawak sa bag nito.

"Bakit?.." tanong nang Dalaga. Ngumiti lang si Vince at huminga nang malalim dahil halatang napagod sa pag takbo.

"Pwede ba tayo mag usap... please ate.." sabi nito at saka hinawakan ang kamay ni Venise.

"Hey...don't touch my baby!" Sita Naman nang binata at saka hinila si Venise kaya Napairap nalang ang Dalaga dahil sa pagiging seloso nito.

"OA! Hindi ko naman aagawin oh! Sa'yong sayo na!" Nakangusong sabi ni Vince at saka tinulak si Venise kaya napaatras pa siya dahil sa lakas non!

"Problema niyo!?" Galit na sabi ni venise dahil sa inis. Muntik pa siyang matumba buti nalang at nasa likod niya si Tyler.

"Ay... Sorry..pero ate mag usap na kasi tayo mabilis lang!! Please.." sabi nito at saka pinagdikit pa ang dalawang palad sa harapan niya kaya napabuntong hininga nalang siya.

"Sige..San mo gusto?" Sabi ni venise.

"No. Ihahatid na kita Venise....sa susunod niyo nalang pag usapan--"

"No! Ngayon na." Pag mamaktol ni Vinse at saka ngumuso kaya napangiti si Venise dahil sa kakyutan nito.

"Fine..sige na Luke mauna kana. Kaya ko naman umuuwi mag isa" sabi nang dalaga kaya rinig niya ang buntong hininga nang binata sa likuran niya.

"Fine..just take care. I love you" Sabi nito at saka niya hinarap at hinalikan sa noo at labi.

Agad na namula ang dalaga dahil duon pero tumango lang siya at tinago ang kilig. Mabilis na umikot ang binata at saka sumakay sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.

owned by Tyler luke Vontre [possesive series#1]Where stories live. Discover now