KABANATA 40

7.5K 199 6
                                    


"Kelan kapa makakalabas ng ospital?" Tanong ni Venise habang nakatingin kay Carl na ngayon ay gising na pero nanatili paring nakahiga sa Hospital bed..

May mga Cast parin ang katawan nito pero maayos naman ang kalagayan nito ngayon....Wala naman kasing Pasok ngayon dahil Sabado kaya naisipan niyang tumungo rito

"Approximately 5 months bago pa ako ma fully Recovered..." Pilit na ngiti na ang binigay niya kay Venise kaya napangiwi nalang siya dahil doon.

Nagpakawala siya nang malalim na buntong hininga bago ngumiti sakaniya. Naaawa siya sa kalagayan nito ngayon...Tiyak na Mapapatay niya ang mga gumawa noon..tsk.

"Hey...you okay? Ang talim nang tingin mo sa mga Braso ko ah! May problema ba? Kung iniisip mo kung sino ang gumawa non,ako na ang bahala,Bakla! Baka maging bayolente ka dahil lang dito!" Inis na sabi nito at saka mahinang hinampas ang Braso niya kaya napadaing ito.

"Gaga." Mahinang usal ni Venise bago umirap sakaniya

"Hayst...umalis Kana nga para makatulog ako! Kailangan kona mag pahinga para makabalik na ako sa University para makahanap nang bagong boylet----araaaaaay!!" Sigaw nito nang malakas na pinalo ni Venise ang isa sa mga May Cast sa Braso niya..

"Lalabas ka nang Ospital para bumalik sa eskwela HINDI para sa Boylet!!"pangangaral niya kay Carl na ngayon ay iniinda sa sakit

Napanguso ito at umirap sakaniya. Napabuntong hininga nalang siya dahil sa mga kalokohan nito..

"Sorry.." natatawang sabi ni venise pero umirap ito ulit

"Umalis Kana lang,Bakla! Inaantok na ako! Baka hindi ako nakapagtimpi sayo! Baka magpalit pa tayo nang Pwesto ngayon at ikaw ang maghirap. Baka Tawanan pa kita Buong araw! " Pagtataboy nito.

Walang nagawa si Venise kaya Umalis nalang siya dahil Oras na para matulog ang Baklang iyon,kahit maaga pa. Natatawa siyang nagpaalam rito at saka nagpaalam rin sa magulang nito.

Mabilis siyang tumungo sa palabas nang Kwarto nito at saka tumungo nang Elevator...hindi niya maiwasang mapatingin sa paligid dahil sa ganda nito at iba rin ang amoy. Hindi amoy Dugo O amoy Gamot dahil mabango ang buong Paligid... pangmayaman nga Talaga.

Nang makapasok nang Elevator ay akmang mag sasara iyon nang May kamay na Humarang rito...isang lalaking nakasuot nang pang Doctor kaya gumilid siya nang konti para makapasok ito.

Hindi niya alam pero nang magtama ang mata nila ay natigilan ito at saka napalunok...

"Elise?....oh I'm sorry for that" seryosong sabi nito at saka nag pindot nang Floor kung saan ito tutungo.

Ngumiti lang si Venise sakaniya pero Pilit iyon dahil kinakabahan siya...bakit naman Elise ang Tawag nito sakaniya?

"What is your name,miss?" Seryosong tanong nito..

Napalunok si Venise at saka tumingin sakanya. Seryoso ang mga mata nito kaya kinabahan siya. Mukang nasa 40s na ito pero bata pa ang itsura at malaki rin ang katawan.. gwapong gwapo.

"Venise Jade moñeo, po sir" magalang sa sabi ni venise at ngumiti rito

Kita niya ang gulat sa mga mata nito at saka naglahad ito nang kamay sakaniya bago nagpakilala...

"Maximilian Dezabar" seryosong sabi nito at nakipag kamay sakaniya

Parang si Marcus. Isang dezabar.

Bumalik ang pagiging tahimik nilang dalawa...Parang gusto niyang lumabas na dahil sa Kabang nararamdaman. Hindi niya alam pero ang pamilyar nitong tao.

"How old are you, little Elise?" Tanong nito at saka ngumiti sakanya

owned by Tyler luke Vontre [possesive series#1]Where stories live. Discover now