Kabanata Treinta y Ocho

919 22 0
                                    

Zeus POV

Hindi talaga ako mapakali sa James na yun.

Lalaki ako kaya alam ko yung mga para paraan niya.

Isa pa, college pa lang kami ni Macey ang dami na nagkakagusto sa kanya. Ngayon pa kaya na wala na ako sa tabi niya?

Mas delikado.

Naisip ko na din yung sinabi ni Stheno na pakasalan ko na si Macey.

Nasa plano na yun. Kaya nga ako walang tigil kakatrabaho para sa future namin ni Macey.

Syempre kailangan ko muna siya tulungan makapagtapos ng pagaaral niya. Gastos ng dream wedding niya at future pa namin dalawa.

Dapat may sarili na akong bahay na titiran namin. Isa pa, pano pa kung nagkaron na kami ng anak.

Kailangan ng madaming pera para sa future talaga.

Meron na naman. Sakto na. Pwede na yung naipon ko para makapagumpisa. Pero pano pa sa mga susunod?

Nag aalanganin pa ako.

Baka hindi pa sapat.

Pero ngayon, handa na ako. Ngayon pang may umaaligid na mongoloid sa Macey ko.

Bumalik ang pagiisip ko sa reyalidad ng may estudyante akong nagsalita sa harap ko, "Sir, pwede po ba na mag extend dun sa research project? Hindi pa po kasi ako tapos."

"Hindi ka pa tapos? Last week pa yan ah."

"Nagsabay sabay po kasi yung thesis defense at ibang project sir."

"At last priority ang akin?"

"Hindi naman po sa ganun sir."

Tumayo ako at inayos yung libro sa desk ko, "Tomorrow. 10am. Sharp."

"Talaga po sir?! Thank you po!"

I nodded saka tumayo sa gitna, "Class dismissed."

Dumaretsong alis.

Susunduin ko si Macey ngayon.

Hindi pwedeng hindi.

-Later

Juego De Rol Series; Duology #1: I'm Fated To Love YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin