Kabanata Quince

1.4K 30 3
                                    

Macey's POV

May mga bagay na kahit gaano katibay, nasisira pa rin.

Tao pa kaya?

Ang tao kahit gaano kapalaban susuko at susuko yan.

Kahit gaano katatag bibigay at bibigay pa rin.

Ako? Tao lang din naman ako.

Napapagod. Bumibigay. Sumusuko. Nasasaktan. Umiiyak.

Nasaktan ako.

Nasaktan ako ng isang kasinungalingan.

Sinaktan ako ng taong akala ko ay mapagkakatiwalaan ko.

Mas masakit pa, wala akong mapaglabasan ng sama ng loob ko sa taong nanakit sa akin.

Wala akong magawa.

All I want is to runaway.

Makalayo.

Si Stheno ang unang taong gusto kong makita. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko ng sobra. Siya lang ang gusto ko makausap.

Dahil siya lang ang makakaintindi sa akin.

Tumawag ako sa bahay nila pero nasa school pa daw siya

Nagpunta ako sa school at may naka pagsabi sa akin na nasa Student Council siya at gumagawa nung invitation cards para sa Halloween Party.

Pero pagdating ko dun, iba pala ang aabutan ko.

Ito ba ang tamang pag gawa ng invitation para sa halloween? Hindi naman ako nainform kaya nagulat ako.

Hindi ko naman kasalanan yun di ba?

Hindi ko talaga inaasahan ang lahat.

Gusto ko na umalis sa kinatatayuan ko pero para akong na semento. Hindi ako makagalaw.

Para akong napako.

Bakit? Bakit niya ginagawa to? Akala ko ba mahal niya ako?

Nang mag tagpo yung mata namin, tumakbo na agad ako. Pero parang kahit anong takbo ang gawin ko, hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Parang sobrang bagal.

Papasok na sana ako ng kotse nang maramdaman ko yung yakap niya mula sa likod ko.

"Mahal ko--"

"Layuan mo ko." Umalis ako sa yakap niya at dumaretso sa kotse ko

"Maha--"

"Wag mo kong lalapitan."

"Let me explain!"

"Explain?! For what? For having an intimate time with someone else?!"

"Hindi. Hindi ganun yun."

"Eh ano pala?! Ah. Call of need Stheno?! Yun lang ba? You should've told me! You should've ask me Stheno! Bakit ha?! Bakit kailangan mo ko lokohin ng lokohin ng paulit ulit?! Anong ginawa ko sayo?!"

Hindi siya nagsalita.

"Nandidiri ako sayo." Sabi ko sabay pasok ng kotse ko

Binuksan niya yung kabilang pinto at pumasok, "Please. Let's talk."

"Get out."

"No."

"Get out!"

"Macey please."

"Hindi ka aalis? Well, let's meet hell then." Bigla kong pinatakbo ng mabilis yung kotse

"Macey, slow down."

Juego De Rol Series; Duology #1: I'm Fated To Love YouWhere stories live. Discover now