Kabanata Diecinueve

1.3K 28 1
                                    

Macey's POV

Huminga ako ng malalim saka nagpark sa gilid ng kalsada.

Kinakabahan ako.

Para akong masusuka na hindi ko maintindihan.

Natatae pa nga ata ako.

Hindi ko alam pero it's like bibitayin na ako pagbaba ko ng sasakyan.

"Whatever happens, you have me on your back."

Okay. Kinilig naman daw ako sa sinabi ni Zeus.

• • •

"What if hindi na pala ako belong sa family dahil sa ginawa ko?" Kinakabahang tanong ko kay Zeus

Hinila niya ako paupo sa sofa at naupo siya sa tabi ko, "Pwede ba yun? Remember, kahit sobrang sama ng anak mo, papatawarin at papatawarin mo. Saka hindi ka naman masama. Nagdamdam ka lang. Nagpalamig ng sitwasyon."

I nodded. Tama siya. Anak pa rin ako.

"Paani kung hindi ako tanggapin sa amin?"

Tumawa siya, "You think they'll get worried and crazy just to find you tapos hindi ka nila tatanggapin?"

Okay. Pahiya. Nga naman.

"What if?"

Sumandal siya at ikinross yung tuhod sa isang tuhod, "Edi go back here. My door is open wide for you. Hindi ko ilalock kung gusto mo."

Tumawa ako, "Baliw."

Napa buntong hininga ako.

"Okay lang yan. Nakayanan mo nga maglayas eh."

Hinampas ko siya sa balikat, "Ewan ko sayo."

Tumayo na ako. Kailangan ko na umalis.

Kinuha ko na yung bag ko at saka dumaretso sa pintuan.

"Una na ako." Sabi ko at humarap ulit kay Zeus

Nasa harapan ko na siya agad.

He nodded, "Sure kang hindi ka magpapahatid?"

"Kaya ko na. Promise." Sabi ko habang umiiling sa kanya

He chuckled, "Okay sige. But text me when you get there so I will know."

"Oo naman. Thank you ulit sa lahat." Inilabas ko na yung maliit kong maleta

Bago pa man ako makalayo, naramdaman ko na yung pagyakap niya sa akin mula sa likod.

"Whatever happens, you have me on your back,"

• • •

Umiling ako.

Hindi dapat si Zeus ang iniisip ko ngayon.

Dapat ang pamilya ko.

Pero dahil malandi naman ang isip ko, sige. Iisipin ko si Zeus.

Narinig kong bumukas yung gate.

Nakabukas kasi yung bintana ng kotse ko.

"Daphne! Ako na nga kasi!"

"Crystal! Wag ka nga magulo!"

Ang kambal. Walang pagbabago. Bangayan pa rin.

"Hey! Don't fight. Ako na lang."

Boses ni Ellie yun.

Actually, tanggap ko na naman si Ellie bilang kapatid ko pero naguguluhan pa kasi ako. Ang hirap idistinguish ng katotohanan.

Nakita ko silang tatlo na mag hawak hawak na black plastic bag. Basura.

Tumawid sila sa kabilang side ng kalsada at saka nagtapon sa garbagge bin

Bumaba ako at tumayo sa harap ng gate. Im still waiting for them to notice me.

Its about time to ask for the truth.

Truth will set me free.

Napa tingin sa akin si Crystal. Nanlaki yung mata niya tapos biglang tumakbo papalapit sa akin.

"Ate ko!!"

"Hi Crys."

Biglang tumakbo din sa akin si Daphne, "Ate!"

I hugged them both.

Tumingin ako kay Ellie na nakatitig lang sa akin.

I smiled at her at itinaas yung isang kamay ko to tell her to join us.

She smiled at lumapit saka yumakap.

Siguro at sa nakikita ko naman.

Tanggap na ng kambal si Ellie.

Or maybe alam na nila ang buong katotohanan.

"Im sorry girls. Ate left without notice. Im really sorry babies."

"Its okay ate. We do understand." Sabi ni Crystal habang umiiyak

I wiped her cheeks, "Tahan na."

Tumawa sila.

"Uhog mo Daph." Sabi ko at pinunasan yung ilong niya

"Ate talaga." Tumatawa iyak naman si Daphne

"Ellie, stop crying. You're becoming a human tomatoe."

Tumawa din si Ellie.

Pero umiiyak silang tatlo habang tumatawa. We hugged again.

"I missed my babies."

"We missed you too ate." Sabi naman nila habang nakayakap sa akin.

"Hera,"

Napalayo sa akin ang kambal at Ellie at napa lingon naman ako. Si Papa.

I run to hug him.

Oo, daddy's girl ako. Pero nawala yun nung nagkaron siya ng ibang babae. Pero ngayon, it's like I just wanted to tell him everything. Ang magsumbong.

"Hush now, baby girl. Papa's here."

Oo. Alam kong naramdaman ni papa yun.

All I want in life is to have a perfect and whole family. Kahit hindi na perfect, basta hindi kami maghihiwalay.

Nang lumayo ako kay Papa, napansin ko naman si Mama na umiiyak sa tapat ng pintuan.

She spread her arms at parang sinasabi sakin na, halika anak ko.

Tumakbo ako at niyakap din siya.

"Im sorry mama."

"It's okay baby. It's okay."

Tama nga si Zeus. Anak ako. Kahit ano ang gawin ko, entitled ako bilang anak nila. At tatanggapin nila ako kahit na anong mangyari.

Nang matapos ang iyakan. Pumasok na kami sa bahay.

Buti na lang at kasya kaming lahat kahit maliit lang tong apartment namin.

Naghanda si Mama ng pagkain namin, habang si Ellie at Crystal naglalaro ng Xbox, si Daphne naman nagbabasa at si Papa, nagkakape.

I am just intently watching everyone from my view.

Ang sarap pala ng ganitong pakiramdam.

Yung buo yung pamilya mo.

I thank God for giving me this chance of letting me know how it feels to have a complete family.

Juego De Rol Series; Duology #1: I'm Fated To Love YouWhere stories live. Discover now