Kabanata Treinta y Cinco

959 21 0
                                    

Macey's POV

The whole dinner hindi matinong nakipagusap si Zeus. Magsasalita lang para barahin si James.

Sabi ni Daphne, halatang nagseselos kay James.

Ang pinagtataka ko, bakit siya magseselos kung wala naman akong binibigay na dahilan sa kanya para magselos siya.

Isa pa. Malinaw na magkaibigan lang kami ni James. There's nothing to worry about him.

"Tulungan na kita Mace." Sabi ni James

"Hindi na. Ano pang silbi ng pagiging boyfriend ko kung ibang lalaki ang tutulong sa kanya."

"Zeus." Sinamaan ko siya ng tingin

"What?" Singhal niya pabalik sakin

Ano bang problema niya?

"I was just offering a hand. I dont mean to step on you." Sabi ni James

Nag titigan silang dalawa.

Uh. Napatingin ako kay Daphne at Darius na naka tingin din saming tatlo

Speak up. Sabi ni Daphne kahit walang boses na lumalabas sa bibig niya

"No thanks James. Kaya ko na." Sabi ko at inayos yung mga plato

"Bakit hindi ka na lang umuwi bro? Besides, gabi na din naman na." Sabi ni Zeus

Siniko ko si Zeus.

"Ah sige Macey. Salamat sa dinner. Mauna na ako."

Nginitian ko si James, "Hatid na kita."

Binitawan ko yung hawak kong mga plato at sinamahan si James palabas ng bahay.

"Sorry ha. Hindi ko alam na dadating pala si Zeus." Sabi ni James

"Neither do I. Nasurprise na lang din ako." Sabi ko

Tumawa siya, "Anyways, ibibigay ko lang sana to."

May inilabas siyang key chain na bear na may kasamang letter 'M' mula sa bulsa niya at ibinigay sakin.

"Ano to?" Tanong ko

"Nung nakita ko kasi yan kanina habang nagiikot ako sa mall, ikaw una kong naalala."

I smiled, "Ilalagay ko to sa bag ko."

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman. Thank you." Sabi ko

Lumabas na kami ng bahay. Naka park yung sasakyan niya sa labas ng gate. Sa likod nun yung kotse ni Zeus.

"Salamat sa dinner."

"Anytime."

Lumapit siya sa akin.

Akala ko may ibubulong lang. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi.

Dugdug. Dugdug.

"Goodnight." Sabi niya at pumasok na ng kotse niya

Nang malayo na siya, napahawak ako sa dibdib ko.

Dugdug. Dugdug.

Mali to. Hindi pwede.

"What a scene."

Napa lingon ako kay Zeus. His face is dark and serious. Natakot ko bigla.

-Later
AN: thank you for reading!

Juego De Rol Series; Duology #1: I'm Fated To Love YouWhere stories live. Discover now