Kabanata Cinco

2.6K 64 8
                                    

Macey POV

Two days nang hindi nagpaparamdam sa akin si Stheno. Sa room naman hindi siya tumatabi sa akin. Sa labas naman ng class room, palaging busy kaya hindi ko nakakausap.

Sabi ni Axel, busy daw talaga si Stheno kaya kahit gusto kong magpaliwanag sa kanya, hindi ko magawa kasi walang time. Tuwing itatry ko naman, palaging may kausap. Nakakainis lang kasi, tuwing makikita ko siyang may kausap, palaging babae ang kausap niya. At hindi lang basta babae kundi babaeng halatang gusto siya.

Minsan nga, ginusto ko siyang lapitan para layuan ng mga babae kaso hindi naman pwede. Baka sabihin niya, wala akong karapatang magselos.

Tumabi ako kay Celestine at inilagay yung ulo ko sa balikat niya, "Tine, love mo ba ko?" Tanong ko

Ngayong araw na to, nalulungkot ako. Hindi ko alam kung bakit pero nalulungkot talaga ako.

"Wag kang mag alala kambal, mahal ka nun."

"Kasi naman eh."

"Ano bang problema mo?"

Tumayo ako at iniharap yung isang upuan sa harap niya saka umupo, "Naguguluhan ako."

"Kanino? At bakit?"

"Kay Stheno."

"Oh akala ko ba okay na kayo? May 'kayo na hindi kayo,' na diba?"

"Oo nga pero aish tine, nagseselos ako. Gusto ko na siyang kausapin, mag sorry o mag explain na walang kami ni Zeus kasi kahit sobrang gusto ko si Zeus iba pa rin si Stheno para sa akin."

"Tapos?"

"Ayun nga. Nagseselos ako."

"Kanino?"

"Dun sa mga babae niya,"

"Ayun ba?" Tapos may itinuro siya sa likod ko

Sinundan ko naman yung turo niya at ayun nga. Andun si Stheno sa pintuan. May kausap na babae. Hindi lang basta kausap. Yung itsura kasi nila kulang na lang maghalikan na.

Naka sandal yung babae sa pader sa tabi ng pintuan habang si Stheno naman naka tuon yung isang kamay sa pader at yung katawan nila dikit na dikit na.

Humarap ulit ako kay Celestine, "Gaya niyan."

"Eh di pag sabihan mo."

"Pano? Eh hindi nga kami."

"May kayo."

"Ang gulo mo naman eh!"

Tumawa si Celestine, "Magulo din relasyon niyo eh."

Sinilip ko ulit sila Stheno at yung babae. Parang sinusuntok yung dibdib ko sa sakit nang nakikita ko.

Dahil lang sa sinabi ni Zeus na wala naman katotohanan, maniniwala na siya at gagawa ng kalokohan? Di naman ata fair yun. Pano kung ako yung gumanyan? Syempre masasaktan din siya.

EH WALA NAMAN AKONG GINAWANG KASALANAN AH! BAKIT SIYA GANYAN?!

"Oh panyo,"

Napa tingin ako kay Celestine at katabi na niya ngayon si Axel, "Ha?" Tanong ko

"Ilabas mo na yan bebe. Namumula na mata mo,"

Kinuha ko yung panyo ni Celestine at lumabas ng class room. Ayoko nang makita. Naiinis ako. Nagagalit ako. sa mga dahilang hindi ko alam. Basta ngayon, nasasaktan akong makitang may ibang babaeng lumilingkis kay Stheno. Siguro dahil, hindi ako sanay sa ginagawa niya. Siguro nga.

Dumaretso ako sa CR sakto naman na palabas nila Vesta. Vesta and the company. Parang barney and friends.

"Look who's here," Sabi ni Vesta

Juego De Rol Series; Duology #1: I'm Fated To Love YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz