Macey's POV
Kahit na nakatalikod ako kila Zeus at James, nararamdaman ko ang awkward o kung ano man ang namamagitan sa kanila.
"Ate. We're home." Boses ni Crystal
"Ate andito si Darius." Sabi naman ni Daphne
Nilingon ko silang dalawa at nginitian, "Buti naman. Magsabay sabay na tayo mag dinner."
"Kuya Zeus. Long time no see." Bati ni Daphne
"Oo nga. Busy kasi ako. May pasalubong nga pala ako. Nakay Ellie na." Sabi ni Zeus
"Talaga? Thank you kuya!" Sabi ni Crystal at umalis na
Nag smile naman si Daphne, "Sige ate. Sa garden lang kami ni Darius. Sige kuya Zeus. Kuya James."
Nag nod naman sila James at Zeus.
Gaya kanina, kami na naman tatlo.
"Zeus nga pala pare. Hindi na ko nakapagpakilala." Pangunguna ni Zeus
Tumalikod na ako at nagpatuloy magluto
"James. Classmate ni Macey."
"Ah. Kumukuha ka din ng Doctoral?" Tanong ni Zeus
"Oo. Kailangan sa trabaho."
"Ano bang field mo?"
"Nutritionist."
Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Zeus.
Ang eerrie ng paligid.
"Sandali na lang tong ulam ha. Gutom na ba kayo?" Tanong ko sa kanila pagkaharap ko
"Sobra." Sabay na sagot nila
"Malapit na to." Sabi ko
"Okay lang basta luto mo." Sabi ni James sabay ngiti
Tumayo si Zeus at niyakap ako mula sa likod, "Mukhang may new fan ang girlfriend ko sa pagluluto ah."
Naka tingin lang si James samin.
"Natikman mo na ba ang the best na adobo niya?" Tanong ni Zeus
Umiling si James at ngumiti, "Para sayo lang daw yun."
Tumawa ng mahina si Zeus.
Tawa ng may galak. Tawa na alam kong sinasabi niya sa utak niya na, ako ang boyfriend.
"Ganun ba? Dapat baby pinatikim mo pa rin siya. Hindi naman sa dish lang yun na pagmay ibang naka tikim maghihiwalay na tayo." Sabi ni Zeus
Umalis ako sa yakap niya at nagluto.
"Ayos lang yun." Sabi ni James
Narinig ko ang pagurong ng upuan.
"Saan ka nga pala nakatira?" Tanong ni Zeus
"Sa Sucat."
"Ah. Malayo samin." Sabi ni Zeus
"Saan ka ba?" Tanong ni James
"Sa puso ni Macey."
Nabitawan ko yung hawak ko. Pambihira talaga tong si Zeus. Ma-i-push lang.
Tumawa si James at lumapit naman sakin si Zeus
"Okay ka lang?" Tanong ni Zeus sakin
I nodded at humarap sa kanila, "Help me with the table please."
Tumayo si James at kumuha ng plates habang inilagay ko sa bowl yung ulam.
Naupo naman si Zeus kesa tumulong. His face is serious. Oh uh.
-Later
BINABASA MO ANG
Juego De Rol Series; Duology #1: I'm Fated To Love You
Teen FictionAlso available in Dreame. Do you believe in fate? Would you rather believe in fate than to work for it and make it happen? Officialwhosthatgirl 2014 © All Rights Reserved ®