Waking Up 11

13 0 0
                                    

YOONA

Alas dyes na kami nakarating sa Batangas. Ang dami naming dinaanan. Mga utos daw ng mga kapatid niya at ng parents niya. Tutal sumama lang naman ako at nakisakay kaya sumunod na lang din ako.



Pagdating namin sa rest house ay sobrang pagod ako. Gusto ko na lang munang mahiga at matulog at ipahinga ang katawan ko. Mamaya ko na lang iikutin ang buong lugar para makita ko kung gaano kaganda dito.




Hindi ko na hinintay na si Sandro ang magbitbit ng bag ko. Kinuha ko sa backseat at iniwanan siya. Buti na lang nakasalubong ko ang mommy niya.




"Hello po tita" bati ko sa kaniya sabay beso. Hindi naman kami ganu'n ka close pero kailangan eh baka maoffend ko siya.





"Akala ko naligaw na kayo ni Sandro" wika niya sa'kin.





"May mga dinaanan lang po kaya medyo natagalan" sagot ko. "Tita pwede po bang magpahinga muna ako. Napagod po kasi ako sa biyahe" paalam ko sa kaniya.





"Tara ako na ang maghahatid sayo sa silid mo." Inakay niya ako papasok. Salamat naman buti na lang mabait ang mommy niya na hindi namana ng anak niya. "Dito ka manunuluyan."




"Talaga po?" Nakangiti kong tanong. May balkonahe kasi dito na tanaw ang dagat at ang mga taong nagdadaan sa dalampasigan. Makikita din dito ang pagsikat at paglubog ng araw. "Ang ganda ng view dito."





"Ako talaga ang pumili na dito ka iha." Nakangiti niyang sagot.





"Mommy!" Biglang pumasok si Sandro. "Ako po ang gagamit ng silid na to" reklamo niya.





"Doon ka sa kasunod na silid Sandro" sagot ng mommy niya.





"Mom, ako na ang gumagamit ng kwarto na to simula pa noon" naiinis na sagot ni Sandro sa mommy niya.






"O baka gusto mong tabi na lang kayo ni Yoona dahil ang ending niyo din namang dalawa ay sa kasal." May panunuksong tugon ng matanda sa anak niya. Napangiwi ako sa tinuran niya. Wala akong planong makasama yan habang buhay. Babalik pa ako sa pinanggalingan ko.





"Tita, speaking of that thing pwede ba kitang kausapin" seryoso kong sabi sa kaniya. "I have something to tell you, kayo ni tito."





"Mamaya ija, pag-usapan natin" sagot niya sa'kin.





"Nga pala if this room is not available, pwede namang sa bakanteng kwarto ako" wika ko sa kaniya. Ang sama na kasi ng tingin sa'kin ni Sandro. Baka sunod nito ay batuhin na niya ako. Sasagot pa sana ang matanda pero pinutol ko na siya. "Sige na tita, I'm fine. Sa iba na lang. This is someone's property, hindi po ako mang-aangkin."





"Let's go" aya niya sa'kin. Binuhat ko ang bag ko. Nakita kong hinampas ng ina niya si Sandro nang dumaan ito sa harap niya.





"Solohin mo f*cker!" Naiinis kong bulong sa kaniya nang dumaan ako sa harap niya.





Sa kasunod na kwarto ako tumuloy. Pareho lang din naman pala doon sa unang pinasukan ko. Magkatabi ang kwarto namin ni Sandro.





"Thank you po tita" sabi ko sa kaniya.





"Papupuntahan na lang kita kapag naglunch na" sagot niya sa'kin. "Magpahinga ka na muna." Iniwanan niya ako.





Nang makaalis na siya ay binuksan ko ang music sa cellphone ko. Full volume para the best.






CRYSTAL SERIES: Waking Up in NeverlandTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang