Waking Up 17

21 0 0
                                    

Isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin makatulog si Sandro. Binabagabag siya ng mga kwinento kanina ni Yoona sa kaniya. Hindi kapani-paniwala ang mga kwinento nito.



"Boysit! Parte lang yung ng drama niya at pagkukunwari" sabi niya sa sarili niya.




"Joaquin" anas ni Yoona habang nakapikit.





"Kahit sa pagtulog ang pangalan pa rin ng pulis na yun ang tinatawag mo!" Naiinis niyang wika. Nagtataka siya sa sarili niya kung bakit naiinis siya.





Tinitigan niya ito, mukha ni Yoona ang nakikita niya pero ibang tao ang nakakasalamuha niya.






Pinikit niya ang mga mata niya, malakas pa din ang ulan sa labas. Maging ang hangin ay sumasabay. Base sa balita ay may bagyo kaya ganu'n na lamang ang panahon.






Napamulat siya ng mata nang biglang may bumagsak sa sahig. Tiningnan niya ang pwesto ni Yoona, wala na ito. Bumaba siya sa kama niya, nakita niya ito sa sahig, hindi
man lang nagising nang bumagsak ito.





"Siraulo pa rin!" Wika niya. Binuhat niya ito at binalik sa taas ng kama. Kinumutan niya ito bago siya bumalik sa pwesto niya.






Nang mahiga na siya ulit ay gumalaw si Yoona at umikot papunta sa pwesto niya. Bigla itong yumakap sa bewang niya. "Boysit ka Yoona, ito ba talaga ang gusto mo. Ang makatsansing." Kinuha niya ang braso nitong nakayakap sa bewang niya.





Binabantayan niya ang gagawin ng babae. Baka pagdating ng umaga ay pikutin na siya nito. Pero hindi niya namalayan na nakapikit na siya at nakatulog.






Unang nagising ang mommy nina Sandro. Kumatok siya sa pinto ng kwarto ng anak niya para gisingin ang mga ito pero hindi sumasagot. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob para sumilip. Napangiti siya nang makita ang dalawa pagkatapos ay umalis din ito.









Naalimpungatan si Sandro dahil may yakap na siya. Nagmulat siya ng mata, nanlaki ang mga mata niya nang makitang siya mismo ang nakayakap kay Yoona. Habang ang babae naman ay himbing na himbing na nakatulog sa braso niya.






Maingat niyang kinuha ang braso niya at mabilis na bumangon. Maaga pa at hindi pa rin tumitigil ang ulan sa labas. Iniwanan niya ang babae na mahimbing na natutulog. Pumasok siya sa banyo niya at tiningnan ang sarili sa salamin. Naghilamos siya at lumabas doon.






May narinig siyang tumutunog. Hinahanap niya ang pinanggalingan, nakita niya ang cellphone ni Yoona. May tumatawag dito, Captain JJ. Napangisi siya sa naisip niya.






Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.






"Hello Yoona" masiglang bati ni Joaquin sa kabilang linya.







Lumayo ng konti si Sandro sa kama para hindi magising si Yoona. "Bakit ka tumatawag kay Yoona?" Maangas niyang tanong dito.






"Sino ka?" Tanong ni Joaquin. "Bakit nasayo ang cellphone ni Yoona?"







"Si Sandro to, ang fiancee ni Yoona" maangas niyang sagot. "Ikaw tigilan mo na si Yoona."







"Anong pinagsasabi mo?" May bahid ng inis sa tono ng boses ni Joaquin. "Ibalik mo ang cellphone kay Yoona. Nasa'n siya?"






"Si Yoona? Tulog pa siya sa kama ko" nakangisi niyang sagot. Gusto niyang magkasira ang dalawa para makaganti siya kay Yoona.







CRYSTAL SERIES: Waking Up in NeverlandWhere stories live. Discover now