Waking Up 3

31 0 0
                                    

YOONA

Lumabas ako ng building without asking permission from my dad. Bahala na, kailangan ko ng kasagutan kung totoo ba talaga ang mundong to na ginagalawan ko o baka imahinasyon ko lang dahil patay na ako. Baka dito muna ako ng forty days saka ako aakyat sa purgatoryo. Syempre after forty days ay haharapin ko na ang may hawak ng susi ng langit.

Sinimulan kong maglakad at minemorize ang mga daan. Parehong-pareho siya sa mga kalsada at landmarks sa Pilipinas. Sa paglalakad ko ay nakarating ako sa BGC sa Taguig, ganitong-ganito din ang BGC. Umikot pa ako sa lugar na yun para kung sakaling may mga kakilala ako, pero wala, parang baliw lang ako na naligaw.

Parang si Tanga ako na hindi alam kung saan talaga tutungo. Pero hindi naman halata na parang baliw ako dahil maganda ako at maayos naman ang pananamit ko.

Kailangan kong puntahan ang kinatatayuan ng building ng company namin. Alam ko ang address na yun. Hindi ako pwedeng makalimot kung ano ang address doon. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid. Tiningnan lang ako ng taxi driver. Parang nagtatanong kong ayos lang ba ako o nasa tamang pag-iisip ba ako.

Pagkahatid niya sa'kin ay binayaran ko siya ng ng pamasahe at keep the change na. Dito ang eksaktong location ng building namin. Pero ang inaasahan kong magandang building ay wala. Isang abandonadong facility na lang ang nakatayo doon. Napapaligiran ito ng nagtataasang mga damo at naging tambakan ng basura.


"Nasaan ba talaga ako? Is this world really real?" Tanong ko sa sarili ko.

Sumakay ulit ako sa taxi at sinabi kong idaan ako sa EDSA. Nagtataka siyang tumingin sa'kin pero di ko siya pinansin. Nang nasa EDSA na kami ay halos lumuwa mata ko. Bakit walang traffic?


"Bakit walang traffic?" Tanong ko sa driver.


"Wala naman talagang traffic dito ma'am" sagot niya.


Kailan pa nawalan ng traffic sa EDSA?


Napatingin ako sa mga billboard na nakatayo doon. "Si Arianna Smith di ba yun? Bagong character niya ba yang pangalan sa baba?" Tanong ko.


"Sinong Arianna Smith, eh si Hera Montez po yan. Isa sa pinakasikat na actress yan dito sa Pilipinas" kwento ni Manong. Hala paanong naging iba ang pangalan niya eh yan ang pagkakakilala ko sa artistang yan. "Napakatalentado niyan ma'am, magaling kumanta at sumayaw."


"Ano?" Tanong ko. Eh sa acting lang naman magaling yang si Arianna. Boses palaka yan at puro kaliwa ang paa.


"Marami na siyang nairecord na album" kwento ni manong.


May iba pang artista akong tinuro na nasa billboard, ang iba ay same lang sa pagkakakilala ko pero yung iba ay sinasalungat ako ni manong. Binabanggit ko ang pangalan pero sinasabi niyang hindi iyon ang pangalan ng mga ito.


Sa Luneta niya ako binaba. Binayaran ko siya ng pamasahe ko dahil hindi naman ako interesado sa sukli ay bumaba na ako. Umalis ako at naglakad-lakad, baka this time hindi na si Rizal ang makita ko dito sa Luneta baka iba na ang nakalibing dito.


Pero si Rizal pa rin, ang pambansang bayani. Kay Jose Rizal tama ako siya din ang Pambansang Bayani dito. Umikot ako at nakinig sa usapan ng mga tao. Some details were the same. Ang mga paborito kong singer ay sila pa rin, hindi ibang tao ang pangalan kagaya ng mga pagsasalungat ng taxi driver na sinakyan ko kanina

Paano kaya kung i-try kong magpakamatay baka this time paggising ko ay nakabalik na ako. O baka dumating si Peter Pan at lumitaw siya para pigilan ako. Bahala na subok lang naman, walang mawawala. Pumunta ako sa tabi ng kalsada, maraming sasakyan ang tumatakbo nagmamadali. Masubukan ngang magpakamatay at baka sakaking dumating ang lalaking naka-all green.

CRYSTAL SERIES: Waking Up in NeverlandWhere stories live. Discover now