Waking Up 5

32 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Galit na galit si Sandro na pumunta sa opisina ni Yoona. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa sasakyan niya.


Pero bago iyon ay nagulat siya sa reaksyon kanina nang babae ng halikan niya ito. Nang maglapat ang labi niya sa labi nito ay pakiramdam niya ibang babae ang nasa harap niya pero mukha ni Yoona ang nakikita niya. Pinag-igihan niya ang paghalik niya dito pero hindi man lang ito tumutugon kagaya ng mga halik na ibinigay niya dito noon. Alam niyang nasisiyahan ito tuwing hinahalikan niya ito. Pero iba ang pakiramdam niya kanina, pakiramdam niya ibang Yoona ang nahalikan niya.



Ang mas na ikinagulat niya ay ang suntok na natanggap niya galing dito na hindi gagawin ng babae sa kaniya. Ngayon niya lang nakita ang pagkaseryoso ng mukha nito at kung gaano ito magalit at sumagot kanina. Hindi din pinalagpas nito kung paano siya nito sagut-sagutin sa harap ng Chairman na hindi naman nito ugali. Naninibago siya sa ikinikilos ng babae.



Naguguluhan na siya babae dahil alam niya kung nagkukunwari lang ito na hindi siya kakilala. Ibang tao ang nasa harap niya, iba ang ugali sa Yoona na nakasanayan niya. Palaban ito at walang preno ang bibig. Hindi din magaspang ang ugali nito at ni minsan hindi ito sumagot ng pabalang sa ama nito na siyang Chairman.



Pero ngayon kailangan niyang mahanap ang babae dahil pagbabayarin niya ito sa ginawa sa sasakyan niya. Bagong bili lang ito pero binasag nito ang wind salamin.



"Si Yoona?" Tanong niya sa nakasalubong niya.




"Umalis sir, nagmamadali dala ang mga gamit niya" sagot nito. "Parang may tinatakasan yun sir."





"Humanda sa'kin ang babaeng yun!" Nanggagalaiti niyang sabi. Hindi siya titigil hangga't hindi ito nagagantihan. Lumabas siya doon at bumalik sa opisina niya. Tatandaan niya ang araw na iyon. Hindi niya palalagpasin ang ginawa nito sa kaniya.



---




Samantala ilang araw na din na ninais makita ni Joaquin si Yoona. Tanging tinititigan na lang niya ang ID nito na sianngla nito sa kaniya bilang kapalit sa pinahiram niyang pera. Maging ang ATM nito ay nasa kaniya din. Iiling-iling siya habang nakatingin dito. Hindi niya akalain na mapapayag siya na mapahiram ito ng pera.



"Captain lutang tayo ah" sabi ng Police Corporal niya na kanina pa nakatingin sa kaniya. "Babae ba ang nasa isip mo Capt?"




"Alam mo magtrabaho ka na lang kaysa ako ang bantayan mo" utos niya dito.




"Babae ang nasa isip niyan" singit din ng Master Sergeant niya. "Aminin na kasi" tukso nito sa kaniya.




"Manahimik ka diyan Soyud ha!" Saway niya dito.




"Capt may nakakita sayo na may kasama kang babae nang ma-tow yung sasakyan mo" sagot pa ni Soyud." Napapalakpak ang mga kasama niya sa loob ng Police Station dahil sa sinabi nito. Tuwang-tuwa ang mga ito sa narinig.




"Totoo Capt?" Tukso ng isa pa niyang subordinate.




"Yes! Yan bang nasa ID capt?" Tanong naman ni Corporal Flores. Tinuro nito ang hawak niyang ID. Ang ID na sinangla sa kaniya ni Yoona.




"Tapos ang sabi pa doon ng mga kabaro natin, ang ganda ganda daw ng babae. Pwedeng pang artista" panunukso ulit ni Master Sergeant Soyud.




"Talaga Capt? Yan ba ang tinitingnan mo na ID, sa kaniya ba yan?" Tanong uli ni Corporal Flores. "Kaya ba lutang ka? Oyyyyy!" Tukso na naman ng mga ito sa kaniya.





CRYSTAL SERIES: Waking Up in NeverlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon