Waking Up 2

30 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Dad we need to hurry!" Aya ni Taylor sa ama niya. Nakarating na sa kanila ang balita na nadisgrasya ang kaibigan niya at ngayon ay agaw buhay ito sa hospital.

"Let's go!" Magkasabay silang lumabas ng bahay at dumiretso sa sasakyan nila. Halos liparin na nila ang daan para makarating sa hospital.

"Oh my God, hindi ko kaya kapag nawala si Yoona dad." Iyak ni Taylor sa loob ng sasakyan. "Sinabihan ko na siya na huwag munang magdadala ng sasakyan. Ang tigas kasi ng ulo."


"Kalma lang, magiging maayos ang kaibigan mo" sagot ng ama niya. Halos paliparin na nito ang sasakyan papunta sa hospital.


Pagdating nila doon ay nakita nila kaagad ang pamilya ng tito ni Yoona at ang mga kasama nito sa bahay. Panay ang iyak ng nanay-nanayan nito at ng mga pinsan nitong babae.


"Nay anong nangyari kay Yoona?" Tanong kaagad ni Taylor sa matanda. Hindi ito makasagot dahil hindi mapigil sa pag-iyak.



"Binangga siya ng truck na nagbeating the red light." Umiiyak na sagot ni Tatay Waldo. "Sana hindi ko na lang siya hinayaan na magmaneho. Sana sinundo ko na lang siya." Panay ang paninisi nito sa sarili dahil sa nangyari sa amo nito.


Maging ang family lawyer ay dumating sa hospital at ang ama ni Taylor ang kinausap nito.  Kaniya-kaniya silang nagdarasal sa kaligtasan nito.


Maya-maya ay lumabas ang doktor mula sa loob ng ER. Hinubad nito ang suot na face mask at isang malungkot na mukha ang tumambad sa kanila. Natigil sa pag-uusap ang ang dalawang matanda at nakinig sa sasabihin ng doktor.




"Kamusta ang pamangkin ko?" Tanong ni William sa doktor.



"Ginawa na namin ang lahat sir pero hindi po lumaban ang pamangkin niyo. Malakas po ang pagkabangga sa kaniya ng truck. Malaki po tama sa ulo niya at maraming dugo ang nawala sa kaniya. Malaki po ang injury niya sa ulo at sa iba't ibang parte ng katawan niya. Pasensya na talaga pero wala na ang pasyente" paliwanag ng doktor.



Halos tumigil ang mundo ni Taylor sa narinig niya mula sa doctor. Kanina lang ay magkasama at magkausap pa sila ng kaibigan niya ngunit lumipas lang ang ilang oras ay bigla na lang itong pumanaw.




Napuno ng palahaw ang buong hallway ng hospital dahil sa iyak ng mga naroroon. Ang pinakamalakas ay ang iyak ni Taylor.




"Bessy!" Iyak niya. Yinakap siya ng ama na hindi na rin mapigilan ang pag-iyak. "My God bes, bakit ka nauna?"



"Yoona!" Iyak din ng mga itinuring niyang mga magulang.




"Yoona sorry sa nagawa ko, hindi man lang ako nakahingi ng tawad sayo" malakas na iyak ni Kassandra. Sumunod din ng iyak sina Katrina at Karina.





"Yoona, I'm sorry! I'm sorry!" Malakas na iyak ni William. Masyado siyang apektado sa pagkamatay ng pamangkin niya. Hindi man lang siya nakabawi dito sa mga ginawa niya sa kompanya.



------



Napagdesisyunan ng pamilya na iburol muna ng ilang araw si Yoona sa mansyon nila bago i-cremate. Hindi mapigilan ang iyak ng mga katrabaho niya at ng mga malalapit na kaibigan niya ang kaniyang sinapit.





Sina Taylor at ang daddy niya ang umasikaso sa lahat kasama ang nanay Trining at Tatay Waldo niya. Wala na silang magawa dahil hindi na nila maibabalik ang buhay nito.





Nilibing siya sa mausoleum ng pamilya niya. Doon magkakasama sila ng mga kapamilya niya.




Tatlong araw ang pinalipas ng family lawyer nila bago ipatawag ang mga taong may kinalaman sa inihabilin ni Yoona.





CRYSTAL SERIES: Waking Up in NeverlandWhere stories live. Discover now