Waking Up 21

20 0 0
                                    

Kung saan-saan pa sila inaya ng matanda para mamasyal. Natagpuan nila ang sarili na nasa park sila.





"Brings back old days" wika ng matanda kina Yoona at Sandro. Tatlo na lang sila ang magkasama. Nais ng matanda na sila ang makasama niya kaya si Yoona ang tagatulak ng wheelchair.





"Dito kayo nagdedate dati ni Lolo pagkatapos niyong magcutting class?" Pabirong tanong ni Yoona.




"Siraulo ka talagang bata ka." Natawa ang matanda dito . "Dati kasama ko ang mommy at daddy mo kapag namamasyal kami dito pero ngayon kayo na ni Sandro ang kasama ko. You'll become a family soon."






"Family?" Tumingin si Yoona sa kanya sabay ngiwi na parang hindi tanggap ang sinabi ng lola nito.







"Oo, pamilya. Ikakasal na kayo soon. You will be having your own family. You'll be having your own children." Nag-iimagine na wika ng matanda. "Ano ang ipapangalan niyo sa mga magiging anak niyo?"






"Lola, masyado pang maaga" sagot ni Sandro.







"Advance lang akong mag-isip. Malay mo bukas hindi na ako gumising, hindi ko man lang alam ang pangalan ng mga magiging anak niyo" biro ng matanda sa kanila.






"Ang ipapangalan ko sa magiging anak ko ay...." Nag-isip si Yoona at parang nagbibilang sa daliri niya.






"Marami bang anak ang gusto mo at hindi mo mabilang?" Tanong niya dito.






"Iniisip ko lang kung pang-ilan si Joaquin sa pamilya niya" mahinang tugon ni Yoona sa kaniya.







"Maraming anak ba talaga ang gusto mo apo? Sabagay nag-iisa ka lang. At sigurado ako na kaya niyo na iyong buhayin ni Sandro" nakangiting wika ng matanda sa kanilang dalawa.






"Well I just want a complete family. Where there is dad that loves mommy and our children." Nakangiting tugon ni Yoona. Nababasa ni Sandro na parang may pinanghuhugutan ito sa sinabi nito.






"Sandro is there. Masaya ako na makitang nag-iimprove ang relasyon niyo" tugon ng matanda.






Si Sandro naman this time ang nagtulak ng wheelchair. Napatigil sila nang may nag-uumpukan na mga tao doon sa park. Tapos ang tunog ng piano ang naririnig nila.






"Someone's playing. I'd love to see that" excited na wika ng matanda.







Nagtungo sila doon para panoorin ang tumutugtog. Aliw na aliw ang matanda habang nakikinig sa classical music na tinutugtog ng lalaking nakaupo sa harap ng piano.






Nagtanong si Sandro kung kanino iyon. Ang tugon sa kaniya ng natanungan niya ay hindi din nito alam. Pero marami na ang sumubok na tumugtog doon.






Tumigil ang tumutugtog, palakpakan ang mga nanonood doon.






"Ang galing." Napahangang wika ng matanda habang pumapalakpak.






"Lola gusto niyo bang tugtugan ko din kayo?" Nakaluhod na tanong ni Yoona sa matanda.






"Are you sure?" Tanong ng matanda. Duda pa ito.






Tumango si Yoona. "Ano ang gusto mong kanta? Tanging Yaman o Di kita malilimutan?"







"Pangpatay yun!" Saway ni Sandro kay Yoona.







CRYSTAL SERIES: Waking Up in NeverlandWhere stories live. Discover now