Waking Up 13

16 0 0
                                    

YOONA



Nasa likod ko lang si Sandro na nakasunod sa'kin. Hindi naman siya nagsasalita pero nakasunod siya sa likod ko na parang aso.



"Bakit nakasunod ka pa?" Tanong ko sa kaniya. Nakakainis kaya ang pagmumukha niya. Tumigil ako sa paglalakad para kausapin siya.





"Magaling kang gumawa ng kwento kaya lahat napapaniwala mo" seryoso niyang sagot.






"Ano connect?" Tanong ko. "Hindi kasi kayo magkapareho, hindi mo siya napaniwala." Hindi kasi niya napananiwala si Raphael sa mga pinagsasabi niya kanina. Hindi niya maloloko ang isang yun.







"Lumalala ka na Yoona!" Sagot niya sa'kin. "Napakadesperada mo! Mas mababa ka pa sa kalapating mababa ang lipad. Ang landi mo, kahit kaninong lalaki sumasama ka! Isa kang malanding babae!" Dinuro niya ako.








All my life ngayon lang ako nakarinig ng ganitong pang-iinsulto. Nag-uulap na ang mga mata ko. "Talaga ba? Yun ba ang tingin mo sa'kin?" Pumatak na ang luha ko sa pisngi ko nang hindi ko napapansin. "Ang sakit mong magsalita." Ang sakit ng sinabi niya. Tumatalab hanggang sa buto.








"Hindi ba totoo naman!" Sagot niya. "Sabihin mo sa'kin kung gusto mong magpabuntis para hindi ka na maghanap pa ng kung sinu-sinong lalaki. Malandi ka Yoona!"








Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kaniya. "Sabihan mo na ako ng kung anu-ano! Hindi mo Kilala ang buong pagkatao ko! Hindi ko din pinangarap mapunta sa buhay na to na kasama ka. Sa dinami-daming pwedeng puntahan bakit dito pa ako napunta." Naiinis kong sagot sa kaniya habang panay ang bagsak ng luha ko. Matapang akong tao pero kapag inapakan na ang pagkatao ko ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko. My anger become tears. "Alam kong kilala mo ang dating Yoona kaya pakiusap ibahin mo ako sa kaniya. Magkaibang tao kami! Magpasalamat ka dahil nangako ako kay Raphael na hindi muna ako magmumura pero tang*ina mo!" Hindi na talaga kaya ng bibig ko na hindi magmura sa sitwasyon na to.







Nagpunas ako ng mukha at tinalikuran ko siya. Buti na lang may dala akong pera at cellphone. Nagpara ako ng sasakyan at nagpahatid sa lugar na malayo dito. Iyak ng iyak pa rin ako habang lulan ng taxi. Maging ang driver ay napapatingin na sa'kin at nag-aalala. Iniisip niya siguro na hiniwalayan ako.








Tinanong ko siya kung malayo na ba ay bababa na ako, bumaba ako at binayaran siya. Ang sakit niyang magsalita sobra, akala niya ang perfect niya. Porke patay na patay na sa kaniya si Desperate Yoona ay wala siyang karapatan magsalita ng ganu'n. Naupo ako sa upuang nakita ko at umiyak ulit. Mag-iisang oras na akong nakaupo dito at nag-eemote. Tinatamad na akong umuwi.







Natigil lang ang pag-eemote ko nang tumunog ang cellphone ko. Si Joaquin ang tumatawag.








"Hello" bati ko. Pinipigilan kong hindi mapahikbi dahil baka mag-alala na naman siya.








"Yoona, nasa Batangas ako ngayon." Masaya niyang sabi sa'kin.








"Talaga saan ka?" Masaya kong tanong sa kaniya. Naexcite ako nang malaman na nandito din siya.







"Talisay" sagot niya. "Ikaw? Pupuntahan kita."







"Sigurado ka?" Tanong ko sa kaniya.







"Oo naman, hindi kita maaya ng date  sa Manila kaya pupuntahan na lang kita diyan" masaya niyang sagot.








"Sir ikaw ha, may nalalaman kang date" saway ko sa kaniya. Kinikilig na naman ako ng wala sa oras.







CRYSTAL SERIES: Waking Up in NeverlandWhere stories live. Discover now