3

839 28 84
                                    

When Saturday arrived, nervousness poured down on me. Hindi ko alam kung saan galing. It feels like some jitters because of excitement.

"Nicolai called me last night. May lakad daw kayo ni Faith at dadaanan ka rito?" That was what my Mom told me early in the morning.

Pigil akong ngumiti at saka tumango. Faith probably asked Tito Lai to talk to my Mom para maipagpaalam ako at mukhang effective pa.

"Saan ba kayo pupunta?" Mom asked.

"Kay Cai lang daw.."

"Sa mga Buenvenidez?" Tanong ni Daddy habang umiinom ng kape niya.

Umaga ng Sabado at pareho silang bihis na bihis habang ako, nakapajamas pa. Mukhang may dadaluhan na naman silang event kaya din siguro pinayagan ako dahil hindi nila ako maisasama.

Usually, naiiwan akong magisa sa bahay tuwing may event silang dinadaluhan. Bukod kasi sa alam nilang hindi naman ako mag-eenjoy, anila, mas safe din kung sa bahay lang ako.

Hindi nga kasi masasabi kung kailan dadating ang ang problema o kapahamakan. Hindi masisigurado kung sa bawat oras ba na aalis ako ng bahay, makakauwi ako ng ligtas.

"Yes, dad.." I answered.

Tumango tango siya bago umismid, "S-Sure. Magingat lang kayo. Ligtas naman doon dahil marami silang bodyguard." Aniya, may kung ano sa pag-iwas niya ng tingin sa akin.

"Ihahatid ka pa ba namin o susunduin ka ni Faith?" Si Mommy.

"Susunduin daw po nila ako, e.."

"Oh, kung susunduin ka nila, dapat mag-ayos ka na ngayon. Nakakahiya naman kung papag hintayin mo pa sila." Ani Mommy. "Manang.. pakitulungan na si Rich.. paalis na kami.."

Kaya tumango nalang rin ako at agad na dinaluhan ni Manang para ihatid na sa kwarto.

Marami pang paalala si Mommy habang umaakyat ako. Aniya, magpapadala rin siya ng bodyguard para imake sure na ligtas kaming makakapunta sa mga Buenvenidez.

Minsan, naiisip ko ang OA na nga kasi feeling ko naman walang mananakit sa akin kapag may kasama o maraming tao pero hinahayaan ko nalang rin. Siguro, takot lang talaga sina Mommy.

Iyon ang naging laman ng utak ko habang namimili ng damit na isusuot. I chose so wear a sleeveless dress with a ribbon tie sleeves. It's in baby pink that matches my sandals. Nagsuot rin ako ng headband na bumagay sa itim kong buhok na halos hanggang bewang ko.

I got my fair skin and features from my Mom except for my deep set eyes which I got from Daddy. Kaya sinasabi nila na sa unang tingin palang, kita na na anak talaga ako ni Daddy dahil sa mga mata namin.

"Richela.. nandyan na sina Faith.." Katok ni Manang sa pinto ng kwarto ko.

Huminga naman ako ng malalim bago nagpasyang tumayo, medyo kinakabahan na dahil pakiramdam ko, kasama niya si Max.

I went out of my room and avoided to look the lounge area. Mahigpit ang hawak ko sa bag ko habang humahakbang pababa sa engrande naming hagdanan.

From where I was, I immediately saw my friend sitting comfortably on our sofa. Her eyes are looking around like she's appreciating the contemporary style of our mansion. Hindi niya nga namalayan na papalapit na ako kung hindi lang may tumawag sa kanya mula sa labas.

"Faith.." A baritone voice from the outside called.

Kilala ko kaagad ang boses na 'yon kaya agad din na nanalantay sa katawan ko ang kaba. I could feel the jitters again. Parang bumabaliktad ang sikmura ko at pakiramdam ko, masusuka na ako.

dusk beneath the city lights | Buenvenidez Series #4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now