11

640 31 126
                                    

"The wound will really make a scar.."

The attending nurse is reminding me a lot of things for my dischage. She's cleaning my gunshot wound again, hopefully, for the last time after a numerous infections and blood transplant I got.

"Hindi naman gaanong halata pero kita parin. You need to take your antibiotics so it will heal fast. Hindi ka rin muna pwedeng magtagtag sa byahe kahit hilom na ang sugat." Paalala niya.

"Kailan po ako pwedeng magtravel kung ganoon?" I asked.

"Three months is the least. A part of your kidney is still affected by the infection kaya kailangan mo rin ng check up." Aniya.

Tumango ako at tinuloy na niya ang paglilinis niya. I hope three months won't be really long since I am planning to go to North Carolina to see Faith. Pakiramdam ko kasi, ang dami dami kong kailangang sabihin at ipaliwanag sa kanya.

I blamed the Buenvenidezes and I was wrong about trusting Zephrine Torres. He was the one who shot me and I just found out that he was actually after my life based on the further investigations.

Meanwhile, Faith testified that the Buenvenidezes were innocent but the next day after my accident, she flew to North Carolina with her mom. At simula nang magising ako, hindi ko parin siya nakakausap. I don't know how to reach her because her father said that Faith completely cut off connection she have here.. including mine.

"Done with the check up?" Tanong ni Cai sa akin nang makita ko siyang naghihintay sa labas ng operating room.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Since the day I woke up, Caius never left my side. Doon ko napagtanto kung gaano siguro kasakit sa kanila na pinagdudahan ko sila at hindi pinakinggan pero nanatili parin siya sa tabi ko para alagaan ako kasama sina Mommy.

"Yup. Ikaw ba? Recording na?" I asked him.

His career bloomed through the years. Ang dami na niyang individual projects at may upcoming album pa siya na ginagawa ngayon.

"Baka hindi. Hindi pa ako tapos sa lyrics. May pupuntahan ka ba?" Tanong niya.

Umiling ako.
"Sa bahay muna tayo. Tulungan mo ko sa kanta ko."

Ngumuso ako. Sumimangot naman siya.

"Kaya mo na 'yan. Sabi mo may basis ka naman diba? Saka may nasimulan ka na."

Hindi naman sa ayaw ko, tinatamad lang talaga ako.

"Checheck mo lang kung okay, e. Dali na. Ano bang gusto mo? Libre kita." Sulsol pa niya.

Inirapan ko siya pero sa huli natawa nalang rin bago kinapitan ang braso niya at giniya na siya sa exit ng hospital. Iba talaga kapag may kaibigang bigtime.

"Lilibre mo talaga ako?" I even flipped my hair.

Tumango siya at bahagyang natawa. "Oo nga basta tutulungan mo 'ko."

Nakangisi akong tumango sa kanya. Natatawa naman siyang umirap sa akin. Syempre kung ibang araw 'to, nabatukan na niya ako o kaya nasiko, pero dahil nagrerecover palang ako, hanggang irap lang ang kaya niyang gawin.

Sumakay kami sa sasakyan niya pagkatapos magpapicture ng ilang fans niya sa kanya sa parking lot. Pati nga ako kilala nila kahit hindi naman ako artista. May nagpapicture rin sa akin kaya pumayag na ako. Instant celebrity kumbaga.

Like before, he stays at their mansion. Mas madalas siya dito lately dahil convenient ang village na ito at malapit lang sa gitna ng city. Ngayon na nga lang ulit ako nakabalik dito dahil ang huling punta ko dito, noong bago pa kami lumipad pa North Carolina.

dusk beneath the city lights | Buenvenidez Series #4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now