XIV

246 14 8
                                    

[you can listen to the song now]

Pananaw ni Gregorio
Limang buwan bago ang giyera.


"Napaka-kisig naman ng heneral!"
"Sa malayo ho ang tingin, 'wag lang sa langit, heneral."
"Pang mason 'yan ah!"

"Napoleon."

Sagot ko sa dalawang potograpo na kumukuha ng aking litrato habang inaayos ang aking tindig.

"Goyo!"

Napalingon kaming tatlo sa mga kababaihang nasa may gilid ng simbahan. Nginitian ko na lamang ang mga ito sapagkat lagi ko naman silang nakikita rito sa Dagupan.

Ngunit, pumukaw sa aking atensyon ang isang binibining bago sa aking paningin.

"Mapusok ka talaga sa kababaihan noh heneral." biro sa akin ng isa sa mga potograpo

Napahiwalay ang aking paningin sa dalaga at lumingon sa dalawang potograpong ngayon ay malisyoso ang tingin sa akin.

Umiling na lamang ako at ngumiti nang marahan. Sawa na ako sa mga kwento kwentong kumakalat tungkol sa akin sa bawat bayan na puntahan namin.

"Dalhin niyo na lamang sa aking opisina ang mga litrato. Una na po ako." paalam ko sa kanila bago pumunta sa gilid ng simbahan para tignan ang misteryosong babae.

Ngunit, naunahan na ako ng isa sa mga babaeng masugid kong tagahanga. Nakinig ako saglit sa kanilang usapan.

"Dios mio, ang dumi dumi mo, halika nga't bigyan kita ng pampalit, saan ka ba kasi nanggaling."

Pinagmasdan ko ang damit ng misteryosong babae. Hindi naman ganoon kadumi...

"Ah eh... sa Maynila." nahihiyang sagot nito

Maynila? Hindi halatang galing siya doon.

"Seryoso ka ba? Maynila? Dios mio, kaya naman pala para kang gusgusin!"

Napangisi ako nang hilahin ng babae itong Manileña. Kung talagang galing siya roon.

Pag-ikot ko sa aking mga paa para bumalik sa tinutuluyan naming bahay ay halos bumagsak ang puso ko nang makita sina Vicente at Julian.

"May sinisilayan ka na naman." nakangising biro ni Julian

"Hindi ba't may sinisilayan ka na dito?" natatawang udyok ni Vicente

Napaigting ang aking panga nang tumawa ang dalawa.

"Wala kayong magawa sa buhay. Halika na't para makapag-ayos kayo. Pupunta tayo sa bahay ng mga Nable Jose." mahinahon kong utos bago tinapik ang mga balikat nila

"Sisilay ka?" natatawang gatong ni Enteng

"Ooh." may tonong bulong ni Julian bago nakipag-apir kay Enteng

Sinamaan ko na lamang sila ng tingin bago nangunang maglakad papunta sa panuluyan namin.

Ngumisi ako nang marinig ang sigaw nilang dalawa habang hinahabol ako.

"Hoy Goyong! Intayin mo kami! Hindi naman halatang gustong gusto mong makasilay kay Remedios ano!"

"Hindi mo naman sinabing talentado kang maglakad!"

"Tarantado!" napatawa naman ako sa mura ni Julian.

Pahampas na ibinigay ko kina kuya ang kanilang mga sumbrero. Minsan nakakahiya ring kasama ang mga ito eh.

"Aray naman Goyong! Masyado kang apektado!" kunyaring mangiyak ngiyak na reklamo ni kuya na ikinatawa ni Vicente

"Tumigil nga kayo, baka mamaya'y ipahiya niyo ako sa bahay nina Don Jose." naiinis kong sambit sa kanila

Pride - A Goyo Fanfiction (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang