XII

269 16 0
                                    


Kasalukuyang kumakain kami ng hapunan kasama ang mga sundalo sa gitna ng kampo.

"Hindi ko inakalang masarap pala ang kabayo." natatawa kong wika kay Julian na nakasandal sa tagiliran ko

Napatawa siya nang mahina bago bumangon at humarap sa akin at nagsalita

"Alam mo, kakaiba talaga ang nakakain namin tuwing nakadistino o nasa gitna kami ng kawalan sa giyera."

Napabaling ako sa kaniya dala ng kuryosidad

"Tulad ng ano?"

"Madalas kabayo, minsan kung anong ibon ang mahuli ng mga kasama namin, nagtitiis na lamang kami." nakangisi ngunit malungkot na kwento ni Julian

Nanlumo ako sa narinig ko. Grabe pala talaga ang hirap na dinadanas ng mga sundalo natin para maprotektuhan at makatulog tayo nang mahimbing, na walang iniisip na panganib.

Sa kasulukuyang panahon, hindi masyadong napapansin, napapasalamatan at nabibigyan man lang ng parangal ang ating mga sundalo.

"Pero 'wag mo nang isipin iyon. Ang mahalaga, may nailalaman kami sa mga sikmura namin. Kaysa wala diba?"

Tumango na lamang ako bago inilibot ang aking tingin sa mga sundalong kaharap ko ngayon.

Kahit ganito ang nakasanayan nilang kapaligiran ay buong puso't kagustuhan pa din silang nakikisama para ipagtanggol ang bayan.

Kahit pa... Hindi nila sigurado kung babalik sila sa mga pamilya nila nang isang piraso't buhay.

"Nasaan nga pala tayo?" tanong ko kay Julian

Hindi na ako nakapagtanong kanina kay Gregorio dala ng pagiging bossy niya.

"Dito ka sumulpot pero hindi ko alam?" natatawang tanong sa akin ni Julian

Oops.

"A-ah eh... Malayo kasi ang nalakbay ko, kaya't hindi ko na din alam kung saan ako dinadala ng aking mga paa." mabilis kong eksplanasyon kay Julian

Tumango siyang taas kilay at nakanguso

Inubos ko na ang rasyon ko ng karne ng kabayo at tumayo para humanap ng iinumin

"Saan ka pupunta?"

Tanong ni Vicente nang makasalubong ko siya

"Hahanap ng tubig." maikli kong tugon

"Doon sa may likuran ng mga armas, may mga banga roon." wika ni Vicente habang naka-mwestra sa kinaroroonan ng mga armas

Nagpasalamat ako kay Enteng at naglakad na papalapit sa mga armas.

Uhaw na uhaw na ako Lord.

Nang makita ko ang mga banga ay tila mapatalon na ako sa tuwa. Binuksan ko ang isang banga at sumalok gamit ang bao ng niyog na nasa gilid nito

Tumatapon pa sa gilid ng aking labi ang ibang patak ng tubig sa sobrang uhaw ko. Yes, dugyot. Don't judge, dehydrated na me.

"Uhaw na uhaw?"

Naibuga ko ang naiinom ko sa gulat

"Paco? Ano ba yan! Naibuga ko tuloy!" iritado kong reklamo habang pinapahid ang tubig sa baba ko

"Wala akong kasalanan. 'Di ko naman alam na magugulatin ka." natatawang sambit ni Paco bago ako tinulungang punasan ang tubig na naibuga ko

"Well, now you know." suplada kong tugon kay Paco bago naglakad paalis

"Wait lang aba! Tinulungan ka na ngang maglinis!" sigaw ni Paco bago tumakbo papunta sa tabi ko

Inirapan ko siya bago bumalik sa kinauupuan ko kanina sa gitna ng kampo. Umupo din sa tabi ko si Paco at nag-inat ng braso.

Pride - A Goyo Fanfiction (Completed)Where stories live. Discover now