XIII

240 19 5
                                    

[listen to the song later in the chapter.]

Yakap yakap ko ang aking sarili habang nakatanaw sa malayo. Buong magdamag ay gising na gising ang aking diwa, pati na rin ang iba pang kababaihan dito.

Tinanaw ko ang kubo kung saan naroon ang pamilya ng Presidente Aguinaldo.

Napatawa ako nang mahina nang makitang komportableng komportable sila rito, na nagkakape, habang ang mga sundalo ay naroon sa Tirad na handang lumaban kahit buhay ang kapalit.

Makalipas lamang ang ilang sandali ay sumisikat na ang araw. Lalo akong kinabahan sapagkat baka maya maya lamang ay pabalik na ang mga sundalo.

Tinulungan ko muna ang mga babaeng taga-Krus Roja na mag-ayos ng mga medisina, pagkain, at iba pang kagamitan na magagamit sa pagbabalik nila. Habang may ginagawa ako ay pasimple kong iginala ang aking paningin at nag-obserba.

Hindi mapagkakailang lahat kami rito ay takot. Nanginginig ang mga kamay ng iba rito habang ang iba ay tulala pa rin.

Takot.

Takot para sa buhay namin, sa buhay ng mga sundalo, at sa kalalabasan ng giyera.

Takot.

Takot para sa kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas na ipinagdamot sa atin ng mga banyaga.

Ngunit, sa takot na nga lang ba laging mabubuhay ang mga tao dito?

Malalim ang aking pag-iisip habang inaayos ang mga telang pambalot sa sugat at gamot. Isinabay ko na rin ang aking tahimik na panalangin para makabalik nang ligtas sina Paco, Vicente, Julian at si Gregorio. Pati na rin ang iba pang Pilipino na buong tapang na sumuong sa pakikidigma.

Matapos kong tulungan ang iba pang kababaihan ay umupo ako sa may bungad ng kampo.

Matiyagang umaasa na salubungin ang pagbabalik nila.

Napatigil ako sa aking pag-iisa nang tawagin ako ng isang taga-Krus Roja

"Binibini, halika't magpahinga muna kayo dito sa tolda. Mainit po riyan!"

Aangal na sana ako nang biglang tumindi ang sikat ng araw. Tumayo na ako at pinagpagan ang aking damit bago magtungo sa tolda kung saan naroon ang iba pang kababaihan.

Umupo ako sa gilid ng isang dalaga at niyakap ang aking binti.

"Sa tingin mo ba'y babalik sila nang ligtas?" biglang tanong ng babaeng katabi ko habang nakatanaw sa malayo

Suminghap ako bago nagkibit ng balikat

"Eh ang heneral?"

Tanong niya na ngayo'y nakatitig na sa akin, na tila may ibang pinapahiwatig.

"Sa tingin ko'y gagawin niya ang lahat para makabalik ng ligtas, para sa bayan. At para na rin sa nag-iintay sa kaniya sa Dagupan."

Napailing ako nang maalala si Remedios. Maaaring may hindi kami pagkakaunawaan ngunit hindi ko naman pwedeng maliitin ang kaniyang pagsinta sa heneral.

Isipin mo na lang ang sakit na mararamdaman niya.

Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang kasaysayan. Nagpakasal si Remedios matapos lamang ang ilang taon pagkalipas ng pagkamatay ng heneral.

Napatawa ako sa aking isipan nang maalala na binabash namin dati ni Agnes si Remedios nang mabasa ang mga artikulo tungkol sa kaniya na  nagpakasal siya sa iba. Sabi pa ni Agnes ay hindi daw loyal si Remedios.

Totoo kaya?

Totoo kaya ang pagmamahal niya't nakapagmove on siya ng ganoon kabilis?

Ngunit, hindi ko naman siya masisisi. Iba iba tayo ng paraan para maka-cope sa sakit. At ukol sa mga napanood at nabasa ko tungkol kay Gregorio, ay mas nais ni Remedios mapangasawa ang lalaking kaniyang mahahawakan at mayayakap.

Pride - A Goyo Fanfiction (Completed)Where stories live. Discover now