VIII

307 15 18
                                    

Nakaidlip lamang ako sa aking kwarto sa bahay ni Tanya ay nagising na akong nakalupasay sa sahig ng bathroom sa condo unit ko

"Nanaginip na naman ba ako?" tanong ko sa sarili habang minamasahe ang aking sintido

Natawa ako nang mahina nang mapansin kong suot suot ko pa din ang tuwalyang ipinangtapis ko

Tumayo ako at nagbihis. Napatingin ako sa orasan at nagulat

"Alas tres na ng madaling araw? Ganoon ba ako katagal nakatulog doon sa banyo?" nandidiri at manghang lahad ko

Nanlaki ang mata ko nang maalalang Lunes na ngayon, mamaya na ang pagsusulit namin tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

Napatakbo ako sa desk ko at nagsimulang buklatin muli ang mga kwaderno ko. Tutal, hindi na ako inaantok

Natapos akong magrebyu sa loob ng isang oras. Nag inat inat pa ako bago tumayo at nagtimpla ng kape

Nanigas ako kinakatayuan ko nang maalala ko ang nangyari sa panaginip ko

"Panaginip kaya iyon?" bulong ko bago ngumiti nang marahan sa pag-alala sa pagkakamali ni Julian sa asin

Napatili ako at napatakip ng mukha nang maalala ang kakalatang sinabi ko kanina

"Kadiri! Tikman para pagkatiwalaan? Ang bobo ko!" sigaw ko sa sarili

Kahit panaginip yon nakakahiya pa rin noh!

Inayos ko ang aking sarili bago umupo sa beanbag kong nasa tabi ng terrace ng condo ko. Napabuntong hininga akong tumingin sa papataas na araw

Nagpunta kaya talaga ako sa nakaraan? Medyo imposible kase ata iyon

Hindi ko namalayang naubos ko na ang kape ko at malapit nang mag-alas sais.

Dali-dali akong nagligpit, naligo at nagbihis. Binalikan ko muli nang basa ang aking mga aklat bago itinabi sa aking bag. Aalis na sana ako para pumasok nang mapatingin ako sa librong nakapatong sa desk ko.

Bayani ng Tirad Pass

Nilagay ko ang libro sa aking bag at pumasok na sa aking klase

Mabilis na lumipas ang araw. Mabuti't nasagutan ko ng maayos ang pagsusulit kahit iniisip ko si Goyo habang sinasagutan ko ito.

Pagkauwi ko'y nakaramdam ako ng craving para sa mangga. Kinalikot ko ang ref ko at napangiti nang makakita ng tirang mango graham cake. Agad ko itong nilantakan at naubos agad

Hindi nagtagal ay sumama ang pakiramdam ng tiyan ko.

Kinuha ko muli ang lalagyan ng cake at nakitang expired na pala ito nung huling linggo

"Ang bobo naman." iritableng sambit ko bago namilipit sa sakit ng tiyan

Mabagal na gumapang ako papunta sa medicine cabinet ko para kumuha ng Diatabs.

Dali daling kumuha ako ng isang tableta at inilagay sa bibig ko. Hindi ko pa man ito nalulunok ay naramdaman kong magdilim ang paligid ko.

Nagising ako sa boses ng mga kalalakihan at kababaihang nagpupulong

"Oh, gising ka na pala Evelyn. Matatapos na ang aming pagpupulong." bulong sa akin ni Tanya na nasa tabi kong upuan

Nang iginala ko ang paningin ko, napagtanto kong nakabilog kame sa lamesa at nagtitipon. Nandito rin sina Don José, Remedios, Julian, Vicente, si Goyo at dalawang dalagitang hindi ko alam ang ngalan

"Anong pinulong?" nagkakamot noong tanong ko kay Tanya

"Tsk tsk. Ayan, tulog pa." saway ni Tanya

Pride - A Goyo Fanfiction (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu