V

307 16 16
                                    


"Hindi mo naman agad sinabing mahuhulog ka, edi sana sinalo agad kita kanina pa..."

Dala ng gulat nahampas ko nang malakas ang dibdib niya

"Aray naman..." nabitawan niya tuloy ako kaya bumagsak pa din ako sa sahig

Pagtayo ko, nakita kong hawak hawak niya ang dibdib niya habang nakanguso

"Sorry naman huhu, dami mo kasing alam." paglapit ko at hinaplos haplos ng konti ang parteng hinampas ko

"Hindi ko aakalaing may maton sa loob ng katawan mo." biro pa niya

Siraulo talaga to. Nakakapagbiro pa

Nang maayos na namin ang mga sarili namin sabay kaming bumaba at muntik na ata akong mahulog sa hagdan nang may biglang bumati sa aking lalaki

Matangkad, medyo mahaba ang mukha pero maitsura pa din naman.

"Gising ka na pala Evelyn! Kamusta? Ako nga pala kuya nitong si Goyo. Julian Del Pilar!" tuwang tuwang sigaw ni Julian bago inilapit sa akin ang kamay niya

"Mabuti na naman ang pakiramdam ko. Ikinagagalak kitang makilala." nakangiti kong tinanggap ang pakikipagkamay niya

Nang napatingin ako sa aking kaliwa, nakita ko ang isang hindi katangkarang lalaki, ngunit malaki ang hubog ng katawan, at.... gwapo.

"Ako nga pala si Vicente Enriquez, Colonel." nakangiting dagdag niya pa bago ako kinamayan

Nginitian ko na lamang muli si Vicente nang umubo si Goyo

"Ihatid na natin ang binibini kina Tanya. Malapit nang magsimula ang salo salo, kailangan pa niyang maghanda." singit niya

Tumango na lamang ang dalawa na tila sunud sunurang tuta

Tahimik kaming naglakad papunta sa bahay ni Tanya. Sinigurado kong hawak ko nang maayos ang dulo ng saya ko, baka mahulog na naman ako sa maling tao, mahirap na. At nang makarating, pinapasok agad ako ni Tanya

"Ayos ka na ba? Naku, pinag-alala mo akong babae ka!" inis ngunit tila naluwagan ang loob na sabi ni Tanya

Tutuloy na sana ako papasok sa bahay ni Tanya nang nagsalita si Vicente

Sa gilid ng aking mata, nakita kong magsasalita sana siya ngunit naunahan ni Vicente

"Mag-ingat ka Evelyn, kita ulit tayo mamaya sa pagsasalo." nakangiti at medyo namumulang pamamaalam ni Vicente

Napatingin ako kay Julian nang natawa siya at siniko ang tagiliran ni Goyo, na nagdulot ng pag-irap nito

Anong nakakatawa?

"Salamat, Vicente. Kita tayo mamaya." nakangiti kong tinignan si Vicente bago nagnakaw ng saglit na tingin kina Julian, na mukhang tinutukso pa si Goyo

Pagkapasok ko sa bahay ni Tanya ay agad akong binati nito ng malakas na tulak

"Aray ko! Hoy!" reklamo ko nang muntik na akong madapa

"Hindi mo ba napansin yung nakakamatay na tingin sayo kanina ng colonel? Bwisit ka! May Heneral na, may colonel pa! Hindi mo naman sinabing tipo mo mga pangmatagalan!" biro ni Tanya

Pride - A Goyo Fanfiction (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora