I

643 19 11
                                    


Paunang Salita: Ang librong ito ay gawang piksyon. Naisulat ito bunga ng malawak na imahinasyon. Ang mga susunod na pangyayari ay hango sa mga pangyayaring naitala sa mga teksto at hinaluan ng piksyon para sa ikagaganda ng istorya.

Nakaupo ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa aking unibersidad. Nagrereview ako para sa nalalapit naming pagsusulit tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

Kung tutuusin ay dapat malungkot din ako tulad ng mga kaklase ko, sabagay nakakapagod din ang magbasa ng sandamakmak na libro tungkol sa mga tao at pangyayaring naganap nang hindi pa man tayo naipapanganak.

Ngunit, hindi iyon ang kaso sa akin. Bata pa ako ay nahihilig na akong pumuslit ng mga akda at teksto na nakatabi sa kabinet ng lola ko. Tandang tanda ko pa ay nagbabasa ako ng mga libro ni Dr. Jose Rizal sa ilalim ng puno ng mangga sa bakuran namin habang kumakain ng monay na binili ng nanay ko sa bakery sa tapat ng bahay namin.

Maging ang mga paligsahan sa eskwelahan ko nung elementary ay palasali ako sa mga history quiz bee dahil paborito ko talaga ang paksang ito.

Matapos ang ilang oras na pagbabasa at paulit ulit na pagbili ng kape upang hindi ako palayasin sa coffee shop, ay natapos na din akong balikan ang nagdaan naming mga aralin.

Habang naglalakad ako pabalik sa condo ko ay may tumawag sa cellphone ko

"Hello?" bungad ko

"Hoy sasama ka ba sa field trip next week?"

Si Agnes pala, best friend ko

"Hindi ko pa sure, saan nga ulit tayo pupunta?"

Kailangan ko na talagang makinig sa mga announcements ng guro namin kesa magdaydream tungkol sa mga crush ko hays

"Yuck di nakikinig, sa National Museum daw tapos deretsong EK." natatawa niyang sambit

"Weh? Sige magsasabi na ako kay ma'am."

"Hay salamat may kasama na ako, nakakainis si Lawrence may family outing daw sila sa araw ng tour bwisit naman huhu." nagmamadaling rant ni Agnes

"Grabe ka naman sa jowa mo at sa future manugangs mo." biro ko sa kanya

"Siraulo! Sige babye na nga hmp." paalam niya

"Sige ingat ka." paalam ko na din at ibinaba ang tawag

Pagkapasok ko sa aking condo unit ay itinabi ko agad ang aking bag sa aking desk at dumeretsong humiga sa kama.

Nang hindi pa din ako makatulog pagkalipas ng ilang minuto, tumayo ako sa pagkakahiga at kumuha ng random na libro sa shelf na katabi ng kama ko.

Bayani ng Tirad Pass

Huh?

Ngayon ko lang nakita ang librong to

Binili ko ba ito dati? Baka nung highschool ako? Diyos ko di ko alam

Kahit nagtataka pa din ako kung bakit nagkaroon ako ng ganitong libro, binuklat ko agad ito

Habang pinapadaan ko ang mga pahina sa daliri ko, lumaglag ang isang litrato sa kama ko

Dinampot ko ito at tinitigan

"Putangina." mura ko nang mapagtanto ko ang nasa potograpo

Isang magiting at matipunong sundalong nakatayo habang nakatingin sa malayo. Habang patagal nang patagal ang pagtitig ko sa mukha ng gwapong sundalo, hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko

"Ano ba, bakit ba ako umiiyak, nababaliw na ba ako?" parang tangang tanong ko sa sarili ko

Tila tumigil ang mundo ko nang magclick ang lahat sa isip ko. Tumakbo ako sa desk ko at binuklat ang isang librong may bookmark sa ibabaw ng laptop ko

Hinanap ko sa talaan ang pahina ng hinahanap kong bayani


Heneral Gregorio Del Pilar...pahina 78

Agad kong hinanap ang pahina at nagsimulang basahin ang nilalaman.

Habang binabasa ko ang isang talata ay biglang sumakit ang ulo ko

"Puta." bulong ko habang minamasahe ang ulo ko kasabay ng pag-ikot ng paningin ko

Nabitawan ko ang hawak kong libro at naramdaman kong umikot ang mundo kasabay ng pagbagsak ko simento.

Inaasahan kong maramdaman ang malambot kong carpet pero bato at putik ang bumati sa katawan ko, kasabay ng mga halinghing ng mga boses na tila mga dalagitang kinikilig.



"What the fuck. Nasaan ako?"














Pride - A Goyo Fanfiction (Completed)Where stories live. Discover now