III

372 17 16
                                    

"Magandang araw, mga binibini."

Napalingon ako sa boses na iyon. Napaka-hinahon, napaka-gwapo pakinggan. Tipong makakatulog ka kapag narinig mo siyang magsalita. Nagagalit kaya itong lalaking ito?

Nanlaki ang mata ko nang makilala ang lalaki.

Putangina.

Si Heneral Del Pilar pala.

Agad na pinilit kong ayusin ang aking sarili dahil baka nahalata ang pagkagulat, kilig, lungkot at pangungulilang naramdaman ko

Nagtaka ako sa sarili ko, kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya. Baka dahil ang gwapo niya? Joke lang.

"Magandang araw din sa inyo, heneral." nakangiting bati ni Tanya kay Goyo, na halatang kinikilig pa

Napatawa ako ng mahina dahil kay Tanya

Nag-usap saglit sina Remedios at Goyo, at hindi ko maiwasang makaramdam ng selos

"Binibini, pasensya na sa pagtatanong ngunit, sino ka nga uli?" nakangiti at mahinahong tanong sakin ni Goyo

Muntik na akong masamid sa gulat at kilig, at umayos ako ng upo

"Evelyn Acosta ang ngalan ko heneral. Nanggaling naman ako sa Maynila." nahihiya at nakangiting sagot ko

Siyempre kunyare mahiyain ako noh

"Sus, kunyari ka pa." lihim na kurot sa tagiliran ko ni Tanya

Napatingin ako kay Tanya at binigyan siya ng masamang tingin

Loka to. Ipapahamak pa ako Diyos ko.

"Maynila? Napaka-layo naman pala ng iyong pinanggalingan binbini. Ngunit, kung iyong mamarapatin, bakit ka napunta dito sa Dagupan?" pangangasiwa ni Goyo

Napatigil ako doon. Anong isasagot ko putek.

Napatingin ako kay Tanya, at sinenyasan siya

Tila naintindihan naman niya ang pinaparating ko na ayokong sagutin ang heneral

"Heneral, kaibigan ko kase iyang si Evelyn. Kaklase ko siya sa Diliman noong kolehiyo pa kami. Naku, heneral napaka-talino niyang si Evelyn. Napaka-malapitin pa ng mga lalaki. Ang ganda niya noh, heneral?" sunod sunod na sagot ni Tanya

Nanlaki ang mata ko at tinignan ng masama si Tanya

Napaka-daldal naman nitong babaeng to. Baka pagkamalan kami ni Goyo na mangloloko. Well... niloloko naman talaga namin hays

Gulat at may isa pang emosyon na hindi mawari ang napinta sa mukha ng heneral.

Diyos ko, eto na ata ang katapusan. Baka ipapatay kami ni Goyo huhu

"Ah ganoon ba. Pasensya na muli sa pagtatanong. Ako nga pala si Gregorio, baka sakaling hindi mo pa ako kilala, binibini." may sumilay na mapagbirong titig sa akin si Goyo

Nagulat naman ako dito. Aba, kung kasintahan niya si Remedios, bakit ako nilalandi ng lokong ito. Malaking ekis naku.

"Kilalang kilala kita, heneral. Ikaw pa ba." medyo natatawa at inis kong sagot

Napangiti na lamang sa akin si Goyo dahil mukhang naintindihan naman niya ang naiisip ko

Aba buti na lang. Hindi ka manhid

"Nagpunta nga pala ako rito upang imbitahan si Remedios sa salo salong gaganapin bukas ng gabi sa plaza. Maaari rin kayong sumama, Tanya." napatigil si Goyo at tumingin sa akin

"...Evelyn." ilang segundo bago niya binanggit ang ngalan ko

Sabay na napatingin sa akin si Remedios at Tanya.

Pride - A Goyo Fanfiction (Completed)Where stories live. Discover now