IX

287 18 8
                                    


Ginising ako ng hatinggabi ni Tanya. Humihingi daw ng tulong ang heneral para sa paghahanda sa pagsugod nila mamaya. Nagtungo agad kami sa base nila Goyo, napaka-tahimik pa ng bayan.

Pagpasok namin sa base, napatakip kami ng mata ni Tanya nang makitang nakasuot lamang ng calzoncillo ang lahat ng sundalo.

"Hindi ko naman alam na may hubarang magaganap." naiilang na reklamo ni Tanya

"Gusto mo naman." biro ko na ikinairap niya

"Mga binibini, paki-tulungan naman ang aking mga sundalo maggayak." mahinahong utos sa amin ni Goyo

Nagkatinginan kami ni Tanya bago tumango at lumapit sa dalawang sundalong nahihirapang isuot ang baro't saya

Napangiti ako sa aking sarili nang mapagtanto ang plano ni Gregorio.

Nang matapos kong gayakan ang isang sundalo, may lumapit naman sa aking sundalong napunit ang palda at pilit pinagdidikit

"Pwede niyo po ba akong tulungan?" nahihiyang pakiusap ng lalaki

Tumango ako at hiniram ang mga perdibleng nasa ni Tanya. Agad kong inayos ang punit at tinulungan na rin itong isuot ang blusa

"Anong ngalan mo ginoo?" tanong ko habang tinutupi nang maayos ang mga pleats ng blusa nito

"Paco po binibini, Paco Hidalgo." nakangiting tugon sa akin ni Paco

"Ako naman si Evelyn Acosta, galing ako ng Maynila." nakangiting pagpapakilala ko

Nag-usap kami saglit nang bigla siyang tinawag ni Goyo

"Wala nang panahon para magkwentuhan." walang emosyong sambit ni Goyo bago hinila si Paco at binigyan ng baril

Napatingin ako kay Tanya na tintignan ako na punong puno ng malisya. Tinignan ko siya ng masama at ikinakibit ng balikat nito

Maya maya lamang ay tumatawa na kami ni Tanya. Natanaw kasi namin si Julian na tila rumarampa habang hinahawi ang kanyang "mahabang" buhok

Bumalik na lamang ako sa pagtulong sa mga natitira pang mga sundalo at lumipat naman sa pagsasaayos ng kanilang mga babaunin

Di kalaunan ay nagsimula nang umalis ang mga sundalo, habang si Goyo ay umalis saglit upang magpaalam kay Remedios.

"Naiinggit ka ba?"

Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita si Vicente

"Ikaw pala Vicente. Bakit naman ako maiinggit?" sagot ko

Ngumuso siya at tinaasan ako nang kilay na ikinatawa ko.

"Sige na baka maiwan ka pa, binibini." tukso ko sa kanya habang tinapik tapik ang kanyang suot na saya

"Ako lamang ito." matinis na tugon sa akin ni Vicente habang pumipikit pikit at lumakad na paalis

Tinulungan ko si Tanya na ligpitin ang mga kagamitang pantahi, at pagkatapos ay nagpasalamatan kami ng mga sundalo at heneral. Umuwi na din kami nang matapos ang paghahanda namin, matutulog na kami at siyempre, ipagdadasal ang tagumpay nina Gregorio.

Habang nakaupo ako hindi kalambutang kama na ipihiram ni Tanya ay nagdasal ako ng taimtim. Masyadong delikado ang gagawing pagsalakay ni Gregorio, mahirap na kahit hindi pa 1898. Nang matapos ang aking panalangin, humiga na ako at tahimik na tinitigan ang capiz na bintana dito, hinihintay ang pagdalaw sa akin ng antok.

Hindi ko maipaliwanag ang aking kagalakan nang nagising pa din ako dito sa nakaraan. Aaminin kong nakakapagtaka ang mga huling kaganapan, ngunit, sa ngayon, ayoko munang lumisan sa mundong ito.

Napatingin ako sa bintana at napansing pataas pa lamang ang araw.

Kasabay ng paggising ko ang humahangos na pagpasok ni Tanya sa aking kwarto

"Huy, dalian mo na. Kakabalik lamang nina Goyo." naghihikab pang aya ni Tanya

"Sige saglit lang." tugon ko bago kinuha ang aking shawl at isinalikop muna sa sarili

Pagsalubong namin sa mga sundalo ay nagulat kame. Lahat kasi sila ay nakangiti at nagsisigawan

Agad kong nilapitan ang heneral

"Mabuti naman at nakabalik kayong walang labis at walang kulang." nakangiti kong bati

Tinanguan lamang ako ni Goyo at tumihim nang malalim

Napatingin ako sa kaliwa niyang braso na tinangka a niyang itago sa kaniyang likuran

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may tama ito ng bala at may rumaragasang dugo. Marahan kong inagaw sa kaniya ang kaniyang braso at napailing

"Maliit na daplis lang naman iyan binibini..." mahinang tawa ni Goyo

"Siraulo, iyan ba ang daplis para sayo? Bulag ka ba? o manhid?" naiirita kong tanong habang pinagmamasdan nang mabuti ang sugat

Napakunot ang aking noo nang mapansin kong nagpipigil ng ngiti ang heneral

"Anong nakakatawa? Nabagok ka ba't nababaliw ka na ata?" sarkastiko kong puna

Sa pagkakataong ito, hindi na napigilang humalakhak ni Goyo, na ikinakunot lalo ng noo ko

"Tila nag-aalala ka nang lubos sa akin..." nakataas kilay pang gatong ni Goyo

"Tanga, hindi ah. Ano ba kasing naisip mo't lumusob kayo sa mga Espanyol, at talagang sasampu lang kayo, buti na lang naging matagumpay kayo." sunod sunod kong reklamo

"Baril." 

"Ha?"

"Ipinalit ko ang aming mga baril sa mga Mauser ng mga kano." natatawang sagot ni Goyo bago ipinakita sa akin ang nakasukbit na baril sa likod niya

Bumagsak ang panga ko.

Talaga bang sinuong nila iyon para lamang sa baril?!

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Sinuong niyo ang maaaring disgrasya para lamang sa baril?" gilalas ko

"Hindi basta bastang baril ang Mauser, Evelyn. Mas mabilis at mas asintado ang putok nito." manghang paliwanag sa akin ni Goyo

"Alam mo, heneral. May mas masaya at kamangha-manghang putukan kesa sa mga baril."

Napalingon kami kay Julian na nasa likod lang pala namin

"Saan?" inosente kong tanong

"Sa kwarto." sagot ni Julian habang nakangisi 

Nanlaki ang aking mga mata at nag-init ang mukha. Habang ang heneral ay namumulang binatukan ang kanyang kuya

"Tamang tama pa naman, magaling sa putukan iyang si Goyo." natatawang dagdag ni Julian

Namula ako sa sagot ng heneral









"Tama, pero mukhang hindi kaya ni Evelyn iyon...."
















Pride - A Goyo Fanfiction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon