VII

286 14 10
                                    


Pagkagising ko'y inaasahan ko nang bubungad sa akin ang condo unit ko at ang mukha ni Agnes, ngunit sa ikinagulat ko, ang capiz na bintana ng kwartong ipinahiram sa akin ni Tanya ang una kong nakita pagmulat ko

Pagkaayos ko ng higaan ko, lumabas ako at hinanap si Tanya

Nang mapansing ako lamang ang tao sa bahay ni Tanya, nagbihis na lang ako sa aking saya at nagsimulang hanapin siya sa labas

Habang naglalakad ako, nakita kong lumabas si Goyo sa tinutuluyan nilang bahay. Nang makita niya ako, nakangiti siyang naglakad papalapit sa akin

"Magandang umaga heneral." bati ko sa kanya na pinalitan niya ng ngiti at maliit na tango

"Nakapag-almusal ka na ba zorra?" nakapamulsa niyang tanong

"Hindi pa, at paki-tigil ang iyong pagtawag sa akin ng zorra, hindi naman ako lapitin ng lalaki dito sa Dagupan." naiiling kong saad

"Hindi mo ata napansin ang grupo ng kalalakihang titig na titig sa iyo at sa sayaw niyo ni Vicente kagabi." pagngiti ng mapait ni Goyo

Napansin niya yon? Nakatingin kaya siya sa amin kagabi? Nako, masamang umasa, normal na tao naman ako kaya niya siguro ako natitignan

"Halika, hindi ka pa pala nagaalmusal." aya niya sa akin sa tinutuluyan nila

"Salamat, pero nakita mo ba si Tanya? Hinahanap ko kasi siya." tanong ko

Nag-isip siya saglit habang nakahawam sa kanyang baba at tumingin muli sa akin

"Ang pagkakaalam ko'y nasa bahay siya ng mga José, marahil ay inaasikaso niya ang mga saya ni Remedios." pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa akin

Tumango na lamang ako at sumama na lang sa kanya, tutal, kumakalam na ang sikmura ko

Pagpasok ko sa bahay nina Goyo, bumungad sa akin ang mga bati nina Julian at Vicente. Niyaya nila akong umupo sa may hapag at sila daw ang bahala sa akin

Habang iniintay ko ang ihahain nila, pinagmasdan ko ang bahay nina Goyo. Maraming mga baul sa may likuran ng sala, na sa tingin ko ay mga kagamitang pangdigmaan.

Napangiti ako nang may nilatag sa harap ko na platong may tatlong ensaymada

"Maraming salamat." pagngiti ko kina Julian

Tahimik kong ninamnam ang mga ensaymada nang lumapit bigla sa akin si Goyo habang may hinahalo sa mug

"Eto oh, mas masarap ang ensaymada kapag may panulak." mahinahong sambit ni Goyo bago ipinatong ang mug na may mainit na kape sa tabi ng plato ko

"Salamat." mahinang sabi ko at ngumiti kay Goyo

Tinitigan ako ni Goyo habang may naglalarong maliit na ngiti sa mukha

Kasabay ay tinignan ako ni Julian at Vicente at napangisi

"Saglit, kukuha pa ako ng asukal, kulang sa tamis." paalam ni Julian

"Ang alin?" mapagkunwaring udyok ni Vicente

"Yung ensaymada."

"Ah yung ensaymada ba."

Nagngingilngilang na gatong pa nila

Tahimik na napatingin ako kay Goyo na naiilang pang nakatingin sa dalawa niyang kaibigan

Nang tinikman ko ang tinimplang kape para sa akin ni Goyo, ay bahagya akong napasimangot

"Bakit? Masyado bang matamis? Inontian ko dahil hindi ko batid ang nais mo..." nagaalalang tanong nito

"Ah... medyo kulang lang sa tamis..." nahihiya kong tugon

Sasagot na lamang si Goyo nang bumalik si Julian na may dalang garapon

Aangal na sana ako nang lagyan niya ng asukal ang ensaymada niya at ang kape ko

"Kulang sa tamis." nakangising sabi ni Julian

Nginitian ko na lamang siya at tinikman ang kapeng dinagdagan niya ng asukal

Umasim ang mukha ko at napaubo

Agad na tinanong ako ni Goyo kung anong meron at kung ayos lang ako

"A-ang alat..." nauubo kong tugon

Dios mio. Para akong uminom ng tubig alat

Masamang tinignan ni Goyo ang kuya niya na ikinatawa nito at ni Vicente

"Mahirap na talagang magtiwala sa panahon ngayon noh?" tanong ni Vicente habang umaayos ng upo

Hinaplos haplos ni Goyo ang likod ko habang umuubo pa din ako

"Oo nga eh, tignan mo, maging ang asukal at asin magkamukha. Huwag ka agad magtitiwala kung kani-kanino." kunwaring malungkot na tugon ni Julian


"Ano, kailangan ko munang tikman para pagkatiwalaan?" medyo inis na sabat ko

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ko. What the frick, nasabi ko nang malakas ang nasa isip ko

Tinanggal ni Goyo ang kanyang kamay sa likod at umurong na nanlalaki ang mata

Napatigil sina Julian sa pagtawa saglit, at tumawa muli nang mas malakas sa pagkakataong ito

Namumulang umiwas ako ng tingin at tiniis ang pag-inom ng sobrang alat na kape

"Hindi ko naman alam na may tikiman palang mangyayari." natatawang tugon ni Goyo na ikinagat ko't muntik pang maibuga ang kape ko

Nag-apir si Julian at Goyo habang kinuha sa akin ni Vicente ang kapeng nilapastangan ni Julian

Tumulong ako sa pagliligpit sa hiyang nakikikain lang naman ako dito nang biglang may tumikhim sa likod ko

"Hindi niyo naman sinabing may bago kayong kasambahay..." sita ni Remedios

Napakunot ang noo ko at napatingin kina Vicente na nakatingin na din pala sa akin

"Tumulong lamang ako sa pagliligpit sapagkat niyaya din akong magalmusal ng mga ginoo." mwestra ko kina Goyo

Tinaasan ako ng kilay ni Remedios bago niyayang lumabas si Goyo, naiwan kaming tatlo nina Julian sa kusina.

Nagkibit balikat si Julian bago nagpaalam sa akin, si Vicente naman ay pinatawag ni Goyo sapagkat may telegramang kailangan ipadala sa presidente.

Iniisip ko pa lamang na papalapit na ang giyera'y tumatayo na ang balahibo ko.



Nandito pa din kaya ako sa panahong magaganap ang nakatakda?

Pride - A Goyo Fanfiction (Completed)Where stories live. Discover now