X

265 11 0
                                    


Paggising ko ay agad akong nanlumo nang mapansin na nakalupasay ako sa harap ng first aid kit ko sa kusina.

Napangiwi ako sa nanlalagkit kong kamay. Tumapon pala yung manggo cake sa kamay ko

Tumayo ako at hinugasan ang kamay. Habang naghuhugas ako, hindi ko namalayang natulala na pala ako.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na nakakapaglakbay ako sa nakaraan. Tila isang bungang tulog lamang ang lahat ng nangyari.

Nang mahimasmasan, tumakbo ako papunta sa cellphone kong nakapatong sa kama.

"Huwebes? Dalawang araw akong nawala?!" bulalas ko

Patay ako sa prof namin! Dalawang araw na akong absent!

Agad kong tinawagan si Agnes

"Anong pinag-aralan niyo nitong huli?"

"Grabe ka naman Eve! Dalawang araw mo kami pinag-alala tapos ganyan bungad mo? Ampanget mo!" kunyaring pagtatampo ni Agnes

"Nagkasakit kasi ako... Napasama tiyan ko sa kinain kong manggo cake eh..." on the spot kong pagsisinungaling, pero totoo naman

"Huy gaga, okay ka na ba?" pag-aalala niya

"Oo, wag ka nang mag-alala... hahabol na lang ako sa pangtanghaling subject." sagot ko habang hinihimas ang sintido

"Sige, ingat ka ha."

"Ikaw din."

Pagbaba ko ng tawag ay dumeretso agad ako sa banyo para maligo at makapagbihis. Hindi ko na kakayanin mag-absent ng tatlong araw noh. Malapit na ang exams namin baka magka-singko ako, nakakaiyak

Pagkabihis ko sa komportable pero disenteng pananamit, agad kong binalikan ang bag ko at tinignan kung kumpleto ang mga homeworks na dapat ipasa nung nagdaang araw

Napasinghap ako nang makitang may isang worksheet akong hindi natapos.

"Hapitin ko na lang sa room." bulong ko


Pagdating ko sa room ay agad akong umupo sa pwesto ko at sinimulang hapitin ang worksheet ko. Nakakunot pa ang aking noo habang naiinis sa katangahan ko.

Nabunutan ako ng tinik nang matapos ko ang paghahapit pagkapasok sakto ng professor ko sa subject na pinaghapitan ko

"Miss Acosta, dalawang araw kang wala, care to explain?" biglang tawag ni maam

Napalunok ako bago tumingin sa paligid ko, at napansing nakatitig lahat ng kaklase ko

"Maam, nagkasakit po kasi ako, sumama po timpla ng tiyan ko sa cake na kinain ko..." kinakabahan kong paliwanag

Tinitigan ako ni maam ng ilang segundo bago tumango at nagsimulang kolektahin ang worksheet ng klase

"Psst."

Napalingon ako sa likod ko at nakita ang isa kong lalaking kaklase

"Nagawa mo ba yung worksheet?" tanong niya

"Oo, hinapit ko lang...." sagot ko

"Sana lahat. Di ko nahapit eh... Pakopya naman." udyok niya

"Siraulo, kinokolekta na oh." hindi naman sa pagiging selfish pero ayokong mapagalitan lalo't kakasipot ko lang matapos ang dalawang araw

"Damot." nakangusong reklamo nito

Tinawanan ko siya bago bumaling muli sa harap

Kumunot ang noo ko nang mapagtantong may kahawig siya sa nakaraan.

Pride - A Goyo Fanfiction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon