Huling kabanata

339 19 17
                                    


Maaga akong nagising sa nakakabulabog na tunog ng alarm ng cellphone ko

Tulala at tahimik na inayos ko ang aking higaan habang nagdedaydream tungkol sa gusto kong kaining agahan

Nagulat ako nang makita ko ang itsura ko sa salamin. Mugto at namumula ang aking mga mata. Pagkaligo ko ay pinatungan ko muna ang mga mata ko ng ice cubes para mawala ang pamamaga

Baka kung ano pa isipin ni Agnes, lagi pa namang nag-ooverthink yun

Pagkabihis ko ng komportableng damit, nag-empake na ako ng aking bag na dadalhin sa field trip. Onti lang naman ang laman, halos tsitsirya at inumin lamang ang laman

Napagpasyahan kong bumili na lang ng sandwich sa convenience store malapit sa university namin. Nakakatamad magluto.

Pagkarating ko naman sa pinagtigilan ng mga bus, marami-rami na din naman kami. Yung iba halatang excited, yung iba, parang ako. Puyat at gustong humitata sa kama

"Huy bessy! Okay ka lang? Malayo pa lang kami ni Lawrence mukha kang zombie!"

Sigaw sa akin ni Agnes kasama ni Lawrence papalapit sa akin. Napatawa pa ako nang tahimik nang makita ang eco bag nilang puro take out ng fast food

"Okay lang, inaantok lang ako. May pa-feeding program ba kayo?" biro ko sa kanila

"Sira, you know naman yung sikmura namin, equal sa isang baranggay. Tsaka echosera ka, wag kang makakahingi sakin mamaya ha!" kunyaring offended na wika sa akin ni Agnes at inirapan ko na lamang siya

Hindi nagtagal ay nakumpleto na ang batch namin at sumakay na sa kani-kanilang assigned na bus

Uupo na lang sana ako sa ibang upuan nang hilahin ni Agnes ang buhok ko

"Hoy walang iwanan aba!"

"Ayoko ngang magthird wheel sa inyo, ano kayo sineswerte?" ingos ko bago padabog na inilagay ang bag ko sa harap ng upuan namin

"Don't worry makakakilala ka din ng para sayo, baka natraffic sa EDSA." natatawang gatong ni Lawrence

Umupo ako sa tabi ng bintana at isiniksik ang sarili doon. Tinignan ko ang rosas na kurtina sa tabi ko. Pogi din naman 'tong kurtina. Majowa nga

"Hanapan kita sa telegram habang nasa biyahe bessy." kinikilig na suhestyon ni Agnes

"Sira, ayoko ng mga stranger noh." mabilis na pagtanggi ko

"Yun nga yung thrill eh!" natatawang dagdag ni Lawrence

Hindi ko na lamang sila sinagot at nanood na lang ng pelikula sa cellphone ko. Tuloy pa din sa paglalandian sina Agnes at Lawrence kaya 'di ko mapigilang mabitter

Pilit kong isinasantabi sa isip ko ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na talaga mawari kung panaginip lang ba yun o nagtime travel talaga ako.

Totoo ba yung mga naramdaman ko?

Or...baka naman may sira na sa utak ko

Buong biyahe ay kung hindi tulog ako, kumakain o nagtitiis sa kaharutan ng mag-m.u. sa tabi ko

Bakit kung kelan kailangan ko na may kalandian, tsaka pa siya natigok.

Ang bad ko naman.

"Okay students, andito na tayo sa National Museum, iwan nyo ang mga pagkain at inumin niyo sa bus. Bring your valuables and stay with the class."

Hinila ako ni Agnes at inilagay sa gitna nila ni Lawrence. Magkakakapit bisig kami at para kaming tanga kumpara sa mga estudyante ng ibang universities dun sa kabilang bus

Pride - A Goyo Fanfiction (Completed)Where stories live. Discover now